Cyrus's POV
Nandito kami ngayon sa cemetery kung saan ililibing ang father ni James. Kumpleto kaming lahat at nandito rin ang mga kaibigan ni James at ang mga kaibigan at kasosyo rin ng ama niya sa trabaho. Halos lahat kami ay nakatutok ang attention sa paring nagsasalita sa harapan namin.
I was holding Erika's hand when suddenly a man walking towards us caught my attention. At ganoon na lang ang pagkagulat ko nang mapansin kong hindi lang basta isang lalaki ang papalapit sa amin kundi si Balderama mismo na dahilan kung bakit kami nandito ngayon. Nagkatinginan kami ni Creed at napansin kong kahit siya ay nagtataka rin sa pagdating ni Balderama.
"Hey, what's wrong?" Asked Erika na nasa tabi ko lang din.
"Ah, wala. Wala naman." Sabi ko sa kanya pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko dahil sa pagkakakunot ng noo niya.
"I was looking at you, you know, kaya nakita ko ang naging reaction mo nang makita mo 'yong kakarating lang na matandang lalaki. You even looked at papa na kapareho mo rin ng naging expression nang makita niya rin 'yon."
Muntik na akong matawa sa sinabi niya kung hindi lang sobrang seryoso ng pagkakasabi niya noon. But really? She was looking at me?
I smiled and nodded at her. "Fine." I said without hesitation. "I'll tell you everything later about that man kahit na ayaw ng papa mo na ipaalam namin sa inyo ang nalaman ko. And I am telling you about it because you're going to be my wife soon. I don't want us to keep secrets from each other." Bulong ko sa kanya.
She smiled, and she really looked happy because of what I've said. "Thank you, and I promise I wouldn't keep any secrets from you, too. Anyway, tungkol doon ba sa matandang lalaki ang sasabihin mo sa akin?" Tukoy ni Erika kay Balderama na ngayon ay nakalapit na kay James para makiramay. At sana ay ganoon nga lang ang gawin niya.
"Yeah. Hindi ko rin kasi akalaing kakapalan na niya ang mukha niya para pumunta pa dito."
Magsasalita pa sana si Erika nang marinig naming magpaalam kaagad si Balderama kay James na kailangan na rin niyang umalis.
"Pasensya na at hindi ako maaaring magtagal dahil may kailangan pa akong puntahan, James."
"I understand, tito. Pero salamat pa rin po at nakapunta kayo kahit na may hindi kayo pagkakaunawaan ni dad."
"Kinalimutan ko na ang lahat ng iyon kaya ako nandito. At napatawad ko na rin siya sa nagawa niyang kasalanan sa akin."
"What? Ano pong kasalanan ni dad sa inyo tito?" Tanong ni James na hindi ko alam kung sino sa aming dalawa ang mas nagulat sa sinabi ni Balderama.
Nagulat ako dahil hindi ko akalain na hindi rin pala niya alam na magkaaway na sa negosyo ang matalik na magkaibigan dahilan para gumawa sila ng kasamaan sa isa't isa.
"Forget what I said, James. It's all in the past now." Sabi ni Balderama na bago tumalikod sa amin ay nagawa pa niya akong titigang mabuti sa mga mata ko na tinitigan ko rin ng hindi maganda. Mabuti na lang at wala siyang ginawang masama kay James dahil baka hindi na lang ang dating matalik niyang kaibigan ang inililibing ngayon kundi pati na rin siya.
__________________
Nang matapos ang libing ng ama ni James ay dumiretso na kaming lahat sa bahay ni Creed para magpahinga.
"Halika na sa kwarto para makahiga at makatulog ka na rin, Erika." Sabi ko sa kanya nang makita kong nakaupo siya sa sofa habang nakapikit ang mga mata.
"Bakit biglang-bigla naman ata ang pagiging concern mo kay Erika ha?" Nakakunot ang noong tanong ni Erwin sa akin na hindi ko malaman kung bakit parang bigla-bigla nalang siyang nagsusungit sa akin.
BINABASA MO ANG
Night Owl Assassin 2
ActionCyrus Lance Nueva Erika Jade Cortez Book 2 of NIGHT OWL ASSASSIN Try to read the first one guys para may idea na din kayo kung sino sila Cyrus at Erika. Tc At syempre po kagaya ng book 1 ay may SPG din po sa ibang chapter kaya hinay-hinay lang sa pa...