Chapter 26

1.6K 40 1
                                    

Pagkaamin ni Cyrus na siya ang ama ng baby na nasa sinapupunan ko ay kabi-kabila na agad ang narinig kong hindi magagandang salita patungkol sa kanya. Pero nang panandaliang tumahimik ang lahat ay saka naman din nagsalita si Katarina.

"Sa wakas umamin din!" Sabi niya na narinig nilang lahat kasabay nang pagtataka ni kuya Reid sa sinabi niya.

"Wait! I thought he's not the father...." Sabi rin ni James, pero dahil galit ang mga lalaki kay Cyrus ay hindi na nila iyon pinagtuunan pa ng pansin at sa halip ay sabay na kinaladkad ni papa at kuya Reid si Cyrus sa magkabila niyang braso papunta sa sala habang nakasunod na rin kaming lahat sa kanila. Basta nalang din nilang ibinalya sa isang sofa si Cyrus kaya nanatili nalang din siyang nakaupo doon.

"Papa! Please don't hurt him." I said but they ignored me.

Hindi na rin sila nag-aksaya pa ng oras at sunud-sunod na pinagsusuntok si Cyrus kahit saan nalang ito tamaan na hinayaan lang din niyang gawin sa kanya. Sumunod din sila Jagger at Erwin na mababanaag ang sobrang galit sa mga mukha nila para kay Cyrus.

"Mama! Stop them, please?" Sigaw ko kay mama habang patuloy lang ako sa pag-iyak, pero paglingon ko sa kanya ay umiiyak na rin pala siya at hindi na rin makapagsalita dahil sa nasasaksihan niya.

Ni hindi ko man lang marinig ang boses ni Cyrus kung nasasaktan na ba siya sa pananakit sa kanya ng apat. All I can hear is their voices, shouting and cursing at him while they are punching his face and kicking his body.

Iyak lang ako ng iyak pati na rin si mama habang hindi na rin magkandatuto sa pagsigaw si Katarina sa mga lalaki na itigil na nila ang ginagawa nila dahil hindi pa rin lumalaban si Cyrus sa mga ito. Tinatanggap niya ang lahat ng suntok na ibigay sa kanya dahil nasa isip na rin siguro niya na iyon ang kabayaran niya sa ginawa niya sa akin at pati na rin sa hindi niya pag-ako nang maaga sa baby namin.

Sinubukan nila Trixie at Amethyst na patigilin ang mga lalaki sa pamamagitan ng paghila sa kanila. Pero wala silang nagawa kundi ang mapalayo lang din dahil pati sila ay nasasaktan na rin ng mga lalaki nang hindi namamalayan ng mga ito.

Nakisali na rin ako sa pagsigaw nila sa mga lalaki na itigil na ang pananakit kay Cyrus hanggang sa makita kong duguan na ang mukha niya at ang suot niyang damit ay nasisira na rin dahil nahihila na rin iyon ng mga lalaki sa sobrang galit nila.

Hindi ko na rin namamalayang nagdidilim na pala ang paningin ko dahil sa takot na baka mapatay nila si Cyrus hanggang sa mawalan na ako ng malay sa kinatatayuan ko.

______________

Nagising nalang ako nang maramdaman kong may pumipisil sa kanang kamay ko at laking gulat ko nang lingunin ko ang gumagawa noon.

"Cyrus!" Sabi ko at ganoon nalang ang panlulumo ko nang makita ko ang kabuuan ng mukha niya pati na ang katawan niya dahil wala na siyang suot na pang-itaas.

Nangingitim na din ang mga pasa niya sa mukha at katawan while he has a small cut on his lips, his forehead and even on his left eyebrow. Mabuti na lang at wala nang dugong makikita mula sa mga sugat niya dahil hindi ko kayang makita siyang ganoon ang itsura niya gaya na lang kanina.

Hindi ko rin alam kung pupwede ko ba siyang yakapin kaya ang tanging nagawa ko ay umiyak na lang muli.

"Shhhh, it's okay. Everything's fine now."

Umiling lang ako sa kanya bago ako nagtanong.

"How long have I been here in my room?"

"Less than thirty minutes. Nang marinig kong isinigaw nila Katarina ang pangalan mo dahil hinimatay ka nga na mabuti namang nasalo ka nila ng mama mo at naprotektahan ang tiyan mo ay saka ko na sila itinulak palayo sa akin kahit na nahihirapan na rin akong kumilos dahil sa sakit ng katawan ko. Hindi pa rin nila alam noong una ang nangyari sa 'yo kaya binugbog pa rin nila ako. Pero nang mapansin na ni Reid na wala ka na ngang malay habang hawak ka ng mama mo ay saka na sila tumigil para dalhin ka dito sa kwarto mo. Nagpumilit pa akong puntahan ka dito dahil hindi nila ako pinapayagang malapitan ka pero mabuti na lang at nagsalita na ang mama mo na papasukin ako habang ginagamot niya ako. Tinanggal na lang din niya ang damit ko dahil nasira na 'yon habang binubugbog ako ng mga kapatid mo at ng papa mo."

Night Owl Assassin 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon