I followed the instructions written at the box of the pregnancy test kit and waited for a minute while silently praying na maging negative sana ang result. Nakapikit pa ako sa loob ng banyo hanggang sa umabot na ako ng ilang minuto doon ng hindi parin tinitingnan ang kit.
"Erika! Okay ka lang ba diyan?" Tanong ni Katarina na sinabayan pa ng katok sa pinto. Hindi ko alam na hinihintay parin pala niya ako sa labas ng banyo.
I opened the door and let her in para siya na ang tumingin sa dalawang kit na ginamit ko.
"Erika....." Mahinang tawag niya sa akin kaya ng tingnan ko siya ay halos manginig na ako dahil sa kaba.
"It's positive."
"No! Please, tell me you're joking. What about the other one?" Umiiyak nang sabi ko kaya niyakap na niya ako sa loob ng banyo.
"Parehong positive."
Mas lalo namang napalakas ang iyak ko dahil sa sinabi niya.
"Yung ama ng bata....si.....Cyrus???"
"Katarina, ayokong malaman nila kung sino ang ama ng dinadala ko. Mangako ka saking hindi mo sasabihin sa kanila."
"Pero magagalit sa akin ang kuya mo. Kailangan nilang malaman, Erika."
"Hindi nila pwedeng malaman! Ayokong pilitin nila si....si....ang tatay ng magiging anak ko na panagutan niya ang baby namin dahil alam kong hindi siya papayag. Ayoko. Hindi ko magagawa sa kanya yun."
"Hindi ka sigurado sa sinasabi mo kaya ang mabuti pa ay lumabas na tayo dito para malaman na din natin ang magiging reaksyon niya. Ihanda mo na nga lang din ang sarili mo sa galit ng mga kapatid mo at ng papa mo." Tumango lang ako sa kanya at hawak ang dalawang kit ay magkasabay na kaming lumabas ng banyo habang hindi ko na mapigilan ang mga luha ko kanina pa.
"What happened?" Asked papa ng makita na nila akong umiiyak.
"Shit! Buntis ka nga!" Galit na naman na sabi ni kuya Reid.
Hinablot naman sa akin ni Erwin ang dalawang kit at ibinigay kay mama.
"Positive." Mahinang sabi niya bago ako nilapitan at pinaupo sa sofa. "It's okay, tahan na, anak." Sabi niya habang yakap na ako.
"Anong okay ma? Hindi okay yan hangga't hindi natin nakakausap ang ama ng batang dinadala niya!" Galit ding sabi ni Erwin habang nakakuyom ang mga kamay.
"Tama! Para maturuan natin ng leksyon yung tarantadong yun." Sabi naman ni Jagger.
"Dapat ka niyang panagutan, Erika! Sino ang nakabuntis sa'yo at ipapatikim ko sa kanya ang kamao ko!"
"K-kuya...." Nakikiusap ang mga mata kong tumingin kay kuya Reid bago ako napasulyap sa direksyon kung nasaan si Cyrus pero wala na siya doon.
Ngayon, mas sigurado na akong wala siyang balak panagutan ang bunga ng ginawa naming dalawa.
"Sino, Erika?!?"
"H-hindi pwede. Hindi niyo pwedeng malaman."
"Ano?!? Alam na ba niyang buntis ka?"
"A-alam na niya." Sabi ko dahil alam ko namang narinig iyon ni Cyrus ng sabihin ni mama na positive ang result sa kit bago pa siya umalis.
"Tell me his name at ako na ang maghahanap sa kanya." Sabi ni papa na kahit kalmado lang ang boses ay nandoon parin ang galit.
"Ayoko, papa, please? Wag na natin siyang idamay dito. Kalimutan niyo nalang na may ama ang baby ko."
"Fuck!-----"
BINABASA MO ANG
Night Owl Assassin 2
ActionCyrus Lance Nueva Erika Jade Cortez Book 2 of NIGHT OWL ASSASSIN Try to read the first one guys para may idea na din kayo kung sino sila Cyrus at Erika. Tc At syempre po kagaya ng book 1 ay may SPG din po sa ibang chapter kaya hinay-hinay lang sa pa...