Cyrus's POV
"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo siyang paimbestigahan, Creed. At lalong hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka pa nakuntento sa resulta ng pagpapaimbestiga mo sa kanya sa unang assassin na kinausap mong gagawa ng ipinapagawa mo sa akin ngayon."
"Dahil iyon ang nararamdaman kong dapat kong gawin at pagtuunan ng pansin, Cyrus."
"Pero may mas mahalaga pang mission-----"
"Hindi pa ako tapos magsalita." He said and I just shrugged my shoulders. "This reminds me of what happened years ago regarding Jagger's mother." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"I'm already having doubts with one of the assassins working at my secret agency that time, dahil sa palagian niyang hindi pagtanggap sa mga mission na ibinibigay ko sa kanya. And at the same time, palagi rin siyang hindi mahagilap kahit na alam kong wala naman siyang pinagkakaabalahang iba bukod sa agency natin. Pero ang mali ko ay masyado akong nagtiwala na lahat ng nasa agency ko ay mapagkakatiwalaan ko kaya isinawalang bahala ko lang ang kutob kong iyon sa kanya." Umiiling na sabi ni Creed while looking down on his feet. "But I actually told Jagger's mother about him, pero pinagtawanan lang niya ako at sinabihang kung anu-ano na raw ang pumapasok sa isip ko."
"But she's wrong." I said matter-of-factly knowing that it is what he's going to say.
Parang nagulat naman si Creed nang magsalita ako at saka lang napatingin sa direksyon ko na parang nakalimutan na niyang kasama niya ako sa loob ng office niya. At pagkatapos ay parang pagod na pagod na naglakad sa sofa na naroon at pabagsak na pinaupo ang sarili niya. Lumapit naman ako kaagad sa kanya at umupo sa katabing upuan na nasa kanan niya.
"Creed, are you sick? Do you want me to-----"
He shook his head. "No. I'm okay, Cyrus. It's just that... Diana---Jagger's mother---after she died, I found out that she was cheating on me with the same man I was talking about, and his name was Marco. Somebody sent me a package containing pictures of them, and some files regarding Marco's mission which is Diana just to get to me. There's also a letter with his writing telling me the whole truth, starting at the beginning until Diana died."
"What more did he say?"
"That he and Diana were together almost seven months until she died without me knowing it. At nakipagsabwatan siya sa kaaway ko para magawa ang gusto niyang mangyari. Kahit na hindi niya isinulat sa papel, alam kong pinagtatawanan niya ako sa ginagawa niyang pangloloko sa akin. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan pa niyang patayin si Diana kung sa akin naman siya may galit. Bakit hindi na lang niya ako pinatay kaagad kaysa sa ginawa pa niyang pang-aakit dito? Hindi ko man lang alam kung paano ko ipapaliwanag kay Jagger ang totoong nangyari kay Diana, kaya sa huli ay napagdesisyunan kong magsinungaling na lang sa kanya dahil ayokong ang isipin niya sa kanyang ina ay isang manloloko. Sinabi kong ang kaaway ko ang pumatay sa ina niya at hindi si Marco dahil alam kong mag-uusisa siya kung bakit nagawa nito iyon."
"So many lies, Creed, but it's your deal so I'm not going to interfere here. Ang gusto kong malaman ngayon ay kung bakit iyon nagawa ni Marco sa inyo?"
"Dahil hindi niya gusto ang pamamalakad ko sa secret agency, Cyrus, at alam ko na ang tungkol doon simula pa lang na naging member siya. Sinabi niya sa aking sumali siya sa agency natin para hikayatin akong baguhin ang pamamalakad ko doon. He said that assassins should kill cold-bloodedly."
"Well, that's not going to happen." Sabi ko bago ako tumayo para kunin ang alak na nasa lamesa ni Creed para ibigay iyon sa kanya.
"Iyan nga ang sinabi ko kay Marco at simula noon ay hindi na niya ulit binanggit sa akin ang tungkol doon kaya nawala na rin sa isip ko noon ang sinabi niya sa akin. Iyon pala ay dahil may binabalak na siyang masama sa pamilya ko." Sabi ni Creed habang hawak na ang maliit na basong inabot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Night Owl Assassin 2
ActionCyrus Lance Nueva Erika Jade Cortez Book 2 of NIGHT OWL ASSASSIN Try to read the first one guys para may idea na din kayo kung sino sila Cyrus at Erika. Tc At syempre po kagaya ng book 1 ay may SPG din po sa ibang chapter kaya hinay-hinay lang sa pa...