"Hi. Good morning."
"Good morning, Sweet. You're up early."
"And you seemed surprised. Minsan lang kita masurpresa, ha? Anyway, nagugutom kasi ako eh."
"What?!" Parang nagulat siya sa reaction ko. Pero naman kasi! Wala pa akong pagkain na naihahanda para sa kanya.
"Ha? Bakit ganyan ang reaction mo? Bawal na ba akong kumain? Sobrang taba ko na ba?"
"Hindi. Hindi, Sweet. Pero kasi, walang pagkain sa lamesa sa baba eh. Mukhang maagang umalis sila Trixie kaya siguro hindi na siya nagluto ng almusal. At balak ko na sanang lumabas para bumili ng almusal natin kaya lang nauna ka nang nagising bago pa ako makaalis."
"Sus! 'Yon lang pala eh. Ako na ang magluluto ng almusal natin ngayon."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Seryoso ka, Sweet?"
"Oo naman! Nagtanong na kaya ako sa friend ko kung paano magluto."
Napakunot naman ngayon ang noo ko dahil sa sinabi niya. Sinong friend 'yon? Dapat kong makita kung sino man 'yon!
"Friend mo? Kilala ko ba?"
"Oo naman no! Kilala ng lahat ng tao." Sabi niya pero bigla ring napaisip kung tama nga ang sinabi niya. "Pero depende rin siguro, hehehe."
"Hindi ko kilala 'yan. Anong pangalan niyang friend mo?"
"Ay! Siyempre, sino pa ba? Eh di si Google! 'Kaw naman oh!"
Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "O sige, mag-ayos ka na. Sa labas na lang tayo kakain."
"Hoy! Grabe ka sa 'kin ha! Ang dali-dali lang kaya ng instruction ni Google. Dapat matikman mo rin ang luto ko noh?"
"I-e-enroll na lang kita sa culinary school, mas okay pa siguro. At least 'yon sure akong--------" Natatawang napahinto ako sa pagsasalita ko nang hagisan niya ako ng hawak niyang unan nang bumaba siya sa kama.
"Kay James ko na nga lang ipapatikim ang lulutuin ko at baka mas ma-appreciate pa niya kapag nalaman niyang ako ang nagluto." Sabi niya at binelatan pa ako.
Napasimangot naman ako kaagad dahil sa pagbanggit pa lang niya ng pangalan ni James na hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit.
"Si James? Bakit naman siya napasok sa usapan natin? Wala na nga 'yong tao dito tapos mababanggit mo pa?"
"Ah....hindi ko ba nasabi sa 'yo kahapon na tinawagan niya ako nung nakila mama pa ako dahil uuwi na raw siya ulit dito sa Pilipinas?"
"No." Nakasimangot pa ring sabi ko. Diba may gusto si James kay Erika?
"Oh, well......Ugh! Bakit ka ba nakasimangot diyan?"
"Hindi ko rin alam. Pero bakit kailangan ka pa niyang tawagan para lang sabihin iyon?"
"Dahil nagpapasundo po siya sa airport." Masungit na sabi niya sa akin na lalo namang nagpasimangot sa akin.
Ang sweet sweet sa 'kin ni Erika tapos mapag-usapan lang si James biglang magsusungit na?
"Bakit ka nagsusungit sa 'kin? Dahil ba kay James? Mas gusto mo siyang kausap?"
"Ha? Ano bang sinasabi mo? Sinungitan lang kita kasi parang ayaw mo ring mag-usap tayo lalo na nakasimangot ka pa diyan."
Mukhang kasalanan ko ata ah. Ano nga ba kasing sinasabi ko? Bakit kasi bigla akong nawala sa mood nang banggitin niya si James? Asar!
"Sorry. My fault." Sabi ko kay Erika at hinila siya paupo ulit sa kama bago ko siya tinabihan. "Tell me again what James told you when he called you yesterday."
BINABASA MO ANG
Night Owl Assassin 2
ActionCyrus Lance Nueva Erika Jade Cortez Book 2 of NIGHT OWL ASSASSIN Try to read the first one guys para may idea na din kayo kung sino sila Cyrus at Erika. Tc At syempre po kagaya ng book 1 ay may SPG din po sa ibang chapter kaya hinay-hinay lang sa pa...