Chapter 15

1.7K 38 6
                                    

Dedicating this chapter to a-z143myungZy_lovers. Thanks so much for reading my stories. Lovelots :) tc

Gaya ng dati ay late na naman akong nagising ngayong umaga dahil oras na para magtanghalian. At dahil tanghalian na at nararamdaman ko na ang pagkalam ng sikmura ko ay dumiretso kaagad ako sa kusina para maghanap ng makakain. Pero sa halip na pagkain ang makita ko sa lamesa ay isang papel na nakatupi ang naroon na kinuha ko naman kaagad lalo na ng makita ko ang sulat kamay ni mama.

Mom wrote:

"Anak, ginigising kita kanina para magpaalam sa iyong mag-go-grocery ako pero hindi ka magising kaya umalis nalang ako at ginawa itong sulat. Gusto ko lang malaman mo na wala kang kasama dito sa bahay dahil maaga palang ay umalis na ang papa mo at si Erwin naman ay nauna na ding umalis kaysa sa akin kanina dahil mag-la-lunch daw sila ni Jessica sa bahay niya. Mabilis lang din naman ako dahil alam kong wala ka pang kinakain at dahil wala ding laman ang ref natin dahil sa nakalimutan kong kahapon pala dapat ako mamimili ng pagkain natin. Don't worry, I'm going to buy foods for you at a restaurant para makakain ka na agad kapag dating ko. Don't sulk and don't eat the furnitures. --Mama."

Sa haba ng sulat ni mama ay isa lang ang tumatak sa isip ko.....

"Walang pagkain?!" Sabi ko na halos maglupasay ako sa kinatatayuan ko dahil nagugutom na talaga ako.

Naisipan kong buksan ang cabinet na nasa taas kung saan nakatago ang mga pagkaing hilig kainin ni Erwin pero nadismaya lang ako ng puro junkfood lang ang nakita ko.

"Argh! Hindi healthy!"

Sunod ko namang tiningnan ang laman ng ref na kung hindi softdrinks ay alcoholic drink naman ang laman! Meron ding mga bote ng palaman pero wala namang tinapay.

Paano na ang gutom ko??? Namin ni baby???

Maybe I should go out and......maybe I should go to my friends's hideout? That will be great!

I texted mama to tell her kung bakit at saan ako pupunta para hindi din siya mag-alala sa akin. Si mama talaga, pwede din naman niya akong i-text nalang, nagsulat pa talaga.

I bathed myself, change into my outdoor outfit and headed straight to the phone to call the guard of our village to get me a taxi. I don't want to drive, I stopped driving a car when my baby turned four months in my belly.

Mabilis namang dumating ang taxi at sumakay ako kaagad doon. Pero hindi ako nagpahatid mismo sa hideout nila Jagger because that would be a big no if I don't want them to get mad at me. Kahit sinong tao, mapa-driver man iyan ay hindi pwedeng malaman ang hideout nila.

So the moment na medyo malapit na kami sa hideout ay nagpababa na ako sa driver at naisipan ko nalang maglakad papunta doon. Tutal naman ay dalawang kanto nalang ang lalakarin ko. Dalawa ha? Medyo malapit na diba? Exercise na din namin ito ni baby kahit ang init ng panahon.

Hinihingal na ako at sobrang gutom na ang nararamdaman ko ng makarating ako sa hideout nila kaya pinindot ko nalang basta ang doorbell nila ng hindi iyon binibitawan.

"Erika! Stop it!" Tumatakbong sigaw ni Cyrus sa akin papalapit sa gate nila na walang suot na pang-itaas.

Oh my! Busog na ata ako.

"Erika, I said stop it."

"Huh? Stop what?" Nagtatakang tanong ko sa kanya pero sa halip na sagutin ako ay mabilis nalang niyang hinila ang kamay kong nakahawak pa pala sa doorbell.

"Ah....sorry." I grinned.

"Why are you here?"

"I'm hungry. Hindi pa ako nagbreakfast at lunch time na din naman kaya makikikain na ako sa inyo. Okay lang naman diba?"

Night Owl Assassin 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon