Cyrus's POV
Pumunta muna ako sa Rainbow room para kumuha ng mga weapon na gagamitin ko para sa mission ko ngayon lalo na at hindi basta isang kriminal lang ang haharapin ko kundi isang assassin na bihasa ring makipaglaban kagaya ko.
Habang sakay ng motorbike ko papunta sa hotel kung saan isang linggong nag-stay si Ares ang assassing papatay sa Presidente para manmanan ito ay hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mukha ng taong iyon nang makita ko siya sa file na sinend sa akin ni Jagger.
Hindi ko lang sinabi kay Erika pero pamilyar sa akin ang mukhang iyon kahit na naka-shades pa ito. Pero ang taong nasa isip ko na nakilala at naging kaibigan ko sa France na tumulong sa akin para makatakas ako nang ma-trap ako sa hideout ng mga taong nasa mission ko ay hindi isang assassin. Alam kong imposible siyang maging assassin dahil ayaw na ayaw niya sa mga baril dahil iyon ang rason kung bakit namatay ang ina niya.
Imposible. Imposibleng si Mike iyon.
But the face! Mike got his looks from his American father and his Filipino mother, and what I saw on the file really looked like him. Kaya sana lang talaga ay kamukha niya lang ang assassin na iyon.
Dahil kung siya nga iyon.....hindi ko siya makakayang patayin. Hindi ko kayang patayin ang taong dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon.
So please! Let it not be Mike or else......
Fuck! Hindi ko siya maaaring patakasin na lang dahil nakasalalay din sa akin ang buhay ng Presidente! Hindi kaya nang konsensya kong maging dahilan nang pagkamatay ng kahit na sinong tao.
Sa kakaisip ko kay Mike ay muntik ko pang malagpasan ang hotel na tinutuluyan ng assassin na papatay sa Presidente. Kaya para magawa ko nang maayos ang ipinunta ko dito ay kailangan kong kalimutan si Mike at isiping hindi siya ang taong kahaharapin ko ngayon kundi isa ring assassin na kagaya ko.
Mabilis akong pumasok sa loob ng hotel diretso sa elevator dahil alam ko na rin naman kung saang palapag hahanapin si Ares.
Nang nasa ika-walong palapag na ako ay hinanap ko kaagad ang room number ni Ares na nakita ko rin kaagad. My idea was to knock on his door while pretending to be a father looking for my lost son who run away from me without me noticing it. So I went straight to the door and was about to do just that nang biglang bumukas ang pintuan at makaharap ko ang taong nasa isip ko lang kanina.
Ang plano ko sanang pagpapanggap na ibang tao ay biglang nakalimutan ko na lang sa isang iglap at sa halip ay sinugod ko siya nang yakap na mahigpit na halatang ikinagulat niya.
Mike is like a brother to me. He risked his life by saving mine. He even got shot and ignored the pain just to get me into safe place that was his home. And when we got there, he instructed to the woman that was his aunt to take care of my wounds first before his. He doesn't even know me in the first place but there he was willing to save my life kahit na alam niyang maaari siyang patayin ng mga assassin na may hawak sa akin lalo na at nakita na rin siya ng mga ito.
Nakita kong napangiti rin si Mike nang makita niya ako pero kasabay din noon ay ang pagtataka sa mukha niya.
"Mike, hindi ko akalain na magkikita pa tayo at dito pa talaga sa Pilipinas."
"Alam mong pilipino ang mother ko kaya hindi malayong hindi ako pumunta dito. Pero paano mong nalaman na nandito ako?"
"Pwede bang pumasok muna ako?" Tanong ko sa kanya dahil nananatili pa rin kaming nasa labas nang nakabukas na pintuan.
I saw him hesitate for seconds but eventually he moved aside to let me through his room.
"I still can't believe you found me here." Sabi ni Mike na dumiretso sa isa sa dalawang upuan near the window at ako naman ay nanatili lang nakatayo malapit sa kama na nasa gitna ng kwarto. Napansin ko ring parang may kinuha siya sa ilalim ng upuan pero isinawalang bahala ko na lang iyon.
BINABASA MO ANG
Night Owl Assassin 2
ActionCyrus Lance Nueva Erika Jade Cortez Book 2 of NIGHT OWL ASSASSIN Try to read the first one guys para may idea na din kayo kung sino sila Cyrus at Erika. Tc At syempre po kagaya ng book 1 ay may SPG din po sa ibang chapter kaya hinay-hinay lang sa pa...