The Dictator Prince IV

12.2K 702 95
                                        

♚♚♚

Ikalimang araw.

Nakaupo lang ako sa isang sulok ng silid na kung saan ay nakakulong ako, hapon noon nung dumating ulit yung matandang lalaki sa loob ng kwartong ito.

"Sumunod po kayo sa akin" sabi niya.

Ayoko man pero tiyak kong may mangyayaring masama sa akin kapag di ako sumunod kaya para akong di susing manika na sumusunod sa kanila kahit di ko naman kagustuhan.

Ako at yung matandang lalaki lang ang magkasama ngayong naglalakad, nakakapanibago dahil wala akong makitang sundalo na nakasunod sa amin. Naglalakad lang kami sa palasyo at hindi ko alam kung saan kami pupunta hanggang sa huminto kami sa isang silid at pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Pumasok ka at maghintay lang doon sa loob" utos niya sa akin.

Nasa isang malaking sala ako at mag-isa lang ako doon na nakaupo. Tahimik ang paligid at nakakabingi, walang ibang tumatakbo ngayon sa isip ko kundi bakit ako nandirito ngayon at anong gagawin nila sa akin ?

Nakaupo lang ako doon ng tahimik hanggang sa may dumating na katulong na may dalang pagkain at inihain sa akin.

Mukhang mas matanda siya sa akin, ingat na ingat siya sa ginagawa niya na tila'y ayaw niyang magkamali.

"Kumain na po kayo" sabi niya at yumuko sa akin.

Nakapagtataka, bakit siya yumuko samantalang kapwa pareho lang naman kami ng estado sa buhay.

Tumingin ako sa pagkaing nasa harapan ko isa itong mamahaling tinapay at kape, pagkaing masasabi ko minsan lang naming mabili dahil sa mahal na presyo nito.

"Gusto ko ng tubig" sabi ko.

"Sandali po at kukuha ako" sabi niya at muling yumuko sa akin tapos ay umalis.

Naiwan ako muling nakaupo at mag-isa sa may sala, nang masigurado kong wala na siya ay dali-dali akong tumayo at naglakad papunta sa may pinto. Marahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa labas, walang tao sa paligid kaya lumabas na ako ng tuluyan at naglakad ng mabilis.

Ingat na ingat ako dahil baka may makasalubong akong sundalo at mahuli ako, mula sa aking paglalakad ay may narinig akong mga boses kaya nagtago ako.

"Ano bang nangyari ?"

"Kaninang umaga ay may lason ang mga tinapay na inihatid dito sa palasyo nalaman iyon ng prinsipe kaya pinadampot niya ang gumawa ng tinapay na iyon"

"Kaya pala yung isang taga kusinang tagatikim ng pagkain ay namatay kanina"

"Oo kaya nga maswerte tayo dahil di tayo sa kusina nagtatrabaho"

Narinig kong usapan ng mga katulong na dumaan. Nakaramdam ako ng kaba dahil kanina kamuntikan na akong kumain ng tinapay, di kaya may lason din iyon ?

Ilang sandali narinig ko ang boses niya na tila dumaloy sa mga ugat ko at nagpanginig sa kalamnan ko.

"Nauubos na ang pasensya ko" boses ng diktador na prinsipe.

Bukas ang pinto ng silid na pinaggagalingan ng boses niya, dahan-dahan akong sumilip sa napakalaking pinto at nakita ko na ang silid na ito ay ang kanyang trono.

May upuang gawa sa ginto na siyang para sa prinsipe, sa likod nito'y nakaguhit ang simbolo ng kanilang maharlikang pamilya at sa gitna ay may mahabang pulang carpet na nakalatag sahig.

Puno ng sundalo ang paligid, nakatayo sa harap ng trono niya ang diktador na prinsipe at nang makita ko ang mga nakaluhod at nakagapos sa gitna ay agad akong napatakip ng bibig.

The Dictator PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon