♚♚♚
SCAR
Sampung taon ako noon nang nasa harapan ko ang aking inang pumanaw na, nandoon ang pari na siyang binabasbasan siya at iilang kapitbahay namin na nakikiramay.
Ito na ang huling araw niya sa mundo, masasabi kong masaya ako at magiging mapayapa na rin siya sa wakas. Nakatingin lang ako ngayon sa bangkay niyang unti-unting inililibing sa lupa. Walang bahid na luha sa aking mga mata, tanging inaalala ko lang ang mga huling sinabi niya sa akin bago siya mawala.
"Scar anak maging matapang ka at patuloy na mabuhay"
Biglang may isang ekstrangherong dumating at pinatong ang kanyang kamay sa balikat ko, isang lalaking nasa edad na trenta ang sabi niya siya si Ginoong Barras at matalik siya na kaibigan ng aking ina.
Inanyayahan niya akong sa kanya na tumuloy ngunit di ako pumayag, nanatili lang akong tumira sa aming tahanan at nagtrabaho. Una bilang isang kargador sa isang palengke, alalay sa panaderya di rin nagtagal ay naging isang mesahero ako sa kilalang pahayagan sa may Sentro.
"Scar binata ka na ah" nakangiting sabi ni Barras ng makita niya ako sa paghahatid ng mga dyaryo.
Kumuha siya sa isa sa mga dala ko at binasa ito, di nagtagal nakita ko ang paglukot ng kanyang noo.
"Tsk! Ang gaganda ng mga nakasulat para sa kanya" sabi ni Barras na tila dismayado.
Nakasaad sa dyaro ang lahat ng mga nagawa at narating ng batang prinsipe. Kahit ako ay asiwa doon, ngunit trabaho ko ito at ito ang aking ikinabubuhay.
Wala ng ibang maganda pang nangyayari dito sa bansang ito. Mga pinahuli ng prinsipe, mga pinatay niya at mga bangkay ganun araw-araw. Minsan iniisip ko kung matatawag pa ba itong buhay, pakiramdam ko malalasap lang namin ang salitang pamumuhay kung mamamatay na kami.
Isa na lang siguro sa nagpapanatili sa akin na magpatuloy na mamuhay dito maliban sa huling sinabi ng aking ina ang isa ko pang dahilan ay siya.
"Autumn!" sigaw ko ng makita ko siyang tumilapon sa may gitna ng kalsada.
Binalak kong puntahan siya ngunit isang sundalo ang humarang sa akin. Pinalo niya ako ng hawak niyang baril sa likod ng aking balikat at sapilitan akong pinadapa sa sahig habang ang isang paa niya at nakaapak sa aking mukha.
"Lahat kayo dumapa at yumuko!" sigaw ng isang sundalo habang nakatutok ang kanilang mga armas sa amin.
Nakita ko ang diktador na prinsipe na nilapitan si Autumn, hinawakan siya sa kanyang baba at pinagmasdan.
Subukan mo lang siyang saktan at papatayin kita!
"Autumn!" sigaw ko at isang palo muli ng baril ang natamo ko sa aking ulo, habang nakikita kong dinadampot si Autumn ng mga sundalo para dalhin sa sasakyan ng palasyo ramdam ko ang dugong tumulo galing sa aking ulo.
Pinilit kong kumawala sa sundalo, nahawakan ko ang kanyang braso at tinuhod ito para mabitawan niya ang kanyang baril at ng dumaing na siya sa sakit at dali-dali akong tumakbo para habulin si Autumn, ilang saglit at naramdaman kong sinusundan na akong sundalong tinakasan ko kaya humalo ako sa madaming tao. Pero sa huli napatigil ako ng pagmasdan ako ni Autumn at umiling na wag ko na siyang sundan, wala akong nagawa kundi ang ikuyom na lang ang aking kamao at sumumpang ililigtas ko siya.
"Tara!" biglang may humablot sa akin. Una ay nagpumiglas ako ngunit ng makita kong si Ginoong Barras iyon ay tumigil ako.
"Teka sandali!" nagtataka kong sabi.
"Bilisan natin at baka makita ka pa ng sundalong naghahanap sa iyo" sabi niya kaya sumunod ko.
Di kalaunan ay dumaan kami sa isang imburnal, una ay nagtataka ako kung bakit pero sumunod parin ako. Naglakad kami ng ilang minuto hanggang sa nakarating kami sa isang pinto, ilang sandali ay pinagbuksan kami doon at tumambad sa akin ang di kilalalang mga mamayanan ng bansang Vrizania.

BINABASA MO ANG
The Dictator Prince
Teen FictionOne country, one dictator prince. No humanity, full of disgrace. River of tears, ocean of bloods. A story of a prince and a girl who will know and prove that.. "Behind of a great man is a great woman" and "Every mans down fall is all because of her...