♚♚♚
Malamig pa ang gabi nun nung itinakas nila ako sa palasyo, kaya di ko gaanong matandaan ang mga dinaanan namin, makalipas ang ilang oras huminto na lang ang sinasakyan namin sa isang masikip at madilim na lugar.
"Akin na ang kamay mo Autumn" sabi ni Scar kaya inabot ko ang kamay ko at inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan.
Si Cube naman ay agad na inalalayan ang sugatan na si Kron.
Pagtingin ko sa paligid malapit ang lugar na ito sa may imburnal, habang hawak-hawak parin ni Scar ang kamay ko naglakad kami at huminto sa ilang daanan na nasa sahig. Binuksan iyon ni Scar at di ako nagkakamali isang lagusan nga iyon papunta sa di ko pa alam na lugar.
"Mauna na kayo Cube" sabi ni Scar sa kanya.
"Hindi Scar, tulungan mo na si Cube na buhatin si Kron makakababa naman ako na mag-isa" sabi ko at pumayag naman si Scar.
Pagdating sa baba napakadilim ng paligid, may kinuhang kahoy si Scar na basa ang dulo nito ng gaas tapos ay kumuha siya ng maliit na bato sa kanyang bulsa at kiniskis iyon sa dingding at sinindihan ang kahoy na ginamit naman naming bilang ilaw.
"Ako na" alok ko sa kanya at binigay niya sa akin ang sulo.
"Sige sumunod ka lang ha?" sabi niya kaya naman tumango ako.
Tapos ay tinulugan niya si Cube sa pag-aalalay kay Kron at naglakad na kami, habang naglalakad tumingin ako sa paligid basa at may mga tulo ng tubig, may mga daga din na namamahay rito. Saan kaya kami pupunta at bakit kami narito?
Matapos ang ilang minuto at huminto kami sa isang pintuan, kumatok doon si Scar at naghintay pa kami ng ilang saglit bago mag bukas ng bahagya iyon at sinilip kami ng isang taong nasa loob nito. Di nagtagal dali-daling binuksan ang pinto, may mga ilang lalaki pa sa loob at agad na tinulugan si Kron papasok.
"Autumn tara" sabi ni Scar at hinawakan ang kamay ko.
Di ko kilala ang lahat ng taong nandirito ngayon kaya naman nagtago lang ako sa likod ni Scar, puro kalalakihan ang nandito at iilan lang ang mga babae. Nakakailang pa dahil lahat sila ay nakatingin sa akin.
Nakita ko si Kron na ginagamot na sa may sulok nang sandali ay lapitan kami ni Scar ng isang babae na mukhang mas bata pa sa amin ni Scar, hula ko nasa edad kinse lang siya.
"Siya ba yung napili ng prinsipe? Sabagay maganda nga siya" sabi niya habang sinusuri ako ng mabuti.
Hinawakan niya rin ako kaya sa takot ko umiwas ako sa kanya, si Scar lang ang pinagkakatiwalaan ko dahil maaaring kinamumuhian din nila ko dahil ako ang napili ng prinsipe.
"Senri, lubayan mo ang bisita natin at wag mo siyang gawing mailang sa atin" sabi ng isang lalaki na nasa edad trenta pataas.
"Hindi naman e hmp" sagot si Senri at umalis na nakasimangot.
"Scar" tawag ng lalaki.
"Ho?" tanong ni Scar.
"Mabuti pa't kumain na muna kayo, Const handaan mo sila ng makakain" utos nito sa babaeng nakatirintas nag buhok na malapit sa may kusina.
"Ako nga pala si Barras, ang pinuno ng Von" sabi niya at nakipag kamay sa akin.
"Von?" tanong ko.
"Icelandic na salita na ang ibig sabihin sa ingles ay hope. Pag-asa para sa ating lahat" sabi nito na may mga ngiti sa mga mata.
Pinakain nila kami at sa aking obserbasyon parang matagal ng kakilala ni Scar ang mga taong ito dahil nakikita ko kung paano niya kausapin, makipag salamuha at makipag tawanan sa mga ito na parang mga kapamilya na niya sila. Ako'y napangiti dahil alam ko wala ng iba pang pamilya si Scar, isa yun sa ikinangamba ko nung mawala kami ni mama dito dahil halos kami na din yung itinuring niyang pamilya.
BINABASA MO ANG
The Dictator Prince
Teen FictionOne country, one dictator prince. No humanity, full of disgrace. River of tears, ocean of bloods. A story of a prince and a girl who will know and prove that.. "Behind of a great man is a great woman" and "Every mans down fall is all because of her...