♚♚♚
Dahil sa naglakad lang kaming dalawa ng diktador na prinsipe halos mag-uumaga na ng makauwi kami ng palasyo. Pagpasok ng palasyo binitawan niya ang aking kamay at diretsong pumasok sa loob ng hindi ako nililingon.
Ibinalik ako sa silid na pinagkukulungan ko, di na nila binalik ang bolang bakal na nakakadena sa paa ko. Nakaupo lang ako sa kama nang tignan kong muli ang palad ko na siyang hinawakan ng diktador na prinsipe.
Naalala ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay, di ko iyon masyadong ramdam dahil maluwag lang pero ramdam ko kahit na papaano ang kanyang malambot na palad.
Naalala ko nun nung naglalakad kami kanina, di na niya ako muling tinignan bagkus ay nakatingin siya sa bawat paligid na dinadaanan namin.
Unang beses niya lang ba kaya na gawin iyon ?
Ang maglakad na parang isang normal na tao sa sarili niyang bansa.
Ang magsuot ng pangkaraniwan na kasuotan.
Ang lumabas ng palasyo na walang mga sundalo na nakabantay sa paligid niya.
Bigla akong humiga at tumingin sa kisame, huminga pa ako ng malalim dahil hindi ako makatulog ngayon.
Pagdating ng tanghali ay pumasok ng silid si Achlia may dala siyang pagkain at nang makita niya ako agad siyang ngumiti sa akin.
"Kumain ka na" sabi niya habang nilalapag ang mga pagkain sa mesa.
Nakapagtataka na di ko kasamang kumain ang diktador na prinsipe ngayon sa hapag kainan.
"Dito ako kakain ?" tanong ko kaya naman tumango siya.
"Nasa silid niya pa ang prinsipe at natutulog, ewan ko kung pagod ba siya o puyat" sagot niya.
Tumango ako at nagsimulang kumain, ito ang unang araw na di labag sa loob ko ang ginagawa ko marahil kahit papaano ay tanggap ko na at kailangan kong tumupad sa napagkasunduan namin ng diktador na prinsipe.
Ito rin ang araw na alis ni mama, marahil kanina pa siya sinundo at ngayon ay nasa byahe na siya ngayon. Masigurado ko lang na okay na siya ay di na ako matatakot na lumaban pa ngayon.
Oo, magtatraydor ako. Pag okay na ang lahat at sigurado na akong ligtas na si mama, doon ako muling magplaplanong tumakas. Si mama lang naman ang dahilan kung bakit ako nag-iingat dahil alam kong gagamitin siya bilang kahinaan ko, pero ngayon kaya ko na kahit pa kapalit ang buhay ko.
Gabi nun at hindi parin ako makatulog hinihintay ko na balitaan nila ako na ligtas na nakarating na ng ibang bansa si mama pero hanggang ngayon wala parin.
Naglalakad ako ng pabalik-palik sa loob ng silid, di ako mapakali. Gusto ko silang kausapin para magtanong na.
Lumapit ako ng pinto at hinawakan ang pihitan nito. Kung nakalalabas lang sana ako kahit papaano sa silid na ito.
Pagpihit ko nagulat ako dahil bukas ito, sino kaya ang nakaiwan ? Si Achlia ba ? Mapapahamak siya pag nalaman ito ng diktador na prinsipe.
Di ko na sinubukang buksan pa, masyado akong nangamba para sa buhay niya. Ito ang mahirap sa lahat, pag napalapit ang loob mo sa isang tao kaya ngayon ay mahihirapan kang maging walang pakialam sa kanila.
Huminga ako ng malalim, baka ito na ang pagkakataon para makatakas o kaya kahit man lang ay makasilip sa mga nangyayari sa labas. Lumapit akong muli sa pinto at dahan-dahang pinihit ito.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Dahan-dahan kong binuksan ito at sumilip muna sa labas.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang diktador na prinsipe, nasa katapat na kwarto ng silid na kinakukulungan ko. Nakatayo siya sa may pinto at nakaharap sa akin, samantalang isang babae naman ang nasa harap niya na nakatalikod naman sa akin.
BINABASA MO ANG
The Dictator Prince
Teen FictionOne country, one dictator prince. No humanity, full of disgrace. River of tears, ocean of bloods. A story of a prince and a girl who will know and prove that.. "Behind of a great man is a great woman" and "Every mans down fall is all because of her...