The Dictator Prince XXV

9.9K 586 676
                                        

♚♚♚

Hawak ko na ang kamay ng dictador na prinsipe. Matapos noon ay pumunta na kami sa gitna ng bulwagan

Inilagay niya ang kanang kamay ko sa kanyang balikat at ang isang kamay ko naman ay hawak niya habang ang isang kamay naman ay nasa bewang ko. Nagsimula kaming sumayaw ay sumunod sa musika.

Nakatitig kaming dalawa sa isa't-isa. Di ko inalis ang tingin ko sa kanya sapagkat alam kong kakabahan ako lalo kapag nakita ko ang mga taong nakapaligid sa amin na pinagmamasdan kami.

Seryosong mukha niya na nakatitig lamang sa akin ang nasa harapan ko ngayon. Kung maaari lang ako ngumiti sa sobrang kagalakan ginawa ko na, ngunit bawal dahil gaya ng sabi niya dapat wala ni sino mang makaalam niyon maliban sa aming dalawa.

"May gusto akong ibigay sa iyo" bulong ko.

"Wag kang magsalita, lahat ay nakatingin sa atin" tugon niya habang diretsong nakatingin sa kung saan.

"Patawad" sagot ko at napayuko.

"Gusto ko iyon makita, ibigay mo sa akin mamaya" bulong niya sa tainga ko at tumango ako na medyo may kagalakan sa aking kaloob-looban.

Matapos ang musika ay huminto na kaming dalawa. Magkatapat kaming nakatayo at narinig ko ang palakpakan ng lahat. Habang hawak niya ang kanang kamay ko kami ay naglakad, hinatid niya ako sa kaninang inuupuan ko tapos ay umupo naman siya sa upuan na katabi ko.

Ilang sandali ay lumapit sa akin si Achila.

"Magiging reyna, tara na po sa iyong silid" pag aya niya.

Nagtaka pa ako sapagkat di pa tapos ang kasiyahan ay aalis na ko. Bago ako umalis nilingon ko ang prinsipe na siyang nakatingin na pala sa akin.

"Bakit Achila?" pagtatakang tanong ko habang naglalakad kami papaalis.

"Hindi ko rin alam ngunit inutusan na akong alisin kayo roon" sagot ni Achila.

Pagkabalik sa silid, tinulungan ako ng mga babaeng tagapagsilbi na alisin ang koloreteng inilagay sa akin pati na rin ang mga alahas na suot ko.

Ilang sandali nakarinig ako ng pagputok ng mga baril at nag simula nang magsigawan ang mga tao. Sigurado akong galing iyon sa may bulwagan.

Si Chase. Dali-dali akong tumayo para pumunta doon ngunit nahawakan ni Achila ang braso ko kaya naman napigilan niya ako.

"Saan ka pupunta Autumn?!" sigaw niya.

"Bitawan mo ako Achila kailangan kong pumunta doon" sabi ko sabay hinawi ang kanyang kamay.

Mabilis akong tumakbo hanggang sa aking makakaya. Ang bilis ng tibok ng puso ko, sana nasa mabuti lang si Chase.

Natigil ako sa pinto papasok ng bulwagan ng makita ko si Scar at ang mga grupo ng mga rebelde may mga hawak silang armas na nakatutok sa pwesto ng diktador na prinsipe habang may bihag na sundalo at tagapag silbi. At sa panig naman ni Chase seryosong nakatayo lang siya habang pinapalibutan ng mga sundalo at may bihag din na rebelde.

Ilang sandali napunta ang atensyon nilang lahat sa akin. Nakita ko na lang na ang isa sa mga rebelde ay papalapit na sakin. Ngunit bigla itong binaril, napatakip ako ng tainga at napapikit sa nangyari. Pagdilat ko tumambad na sa akin ang duguang rebelde na may tama mismo sa kanya ulo. Ang suot kong damit ay natalsikan na ng mga dugo galing sa rebelde napaslang. Pag tingin ko sa diktador na prinsipe, nakakumpas ang kanyang mga daliri bilang senyales at saka naglabasan muli sa iba't-ibang bahagi ang mga sundalong bumabaril galing mula sa malalayong bahagi ng palasyo.

"AAAAHH!" galit na sigaw ng rebeldeng si Lumiere sabay gilit sa leeg ng sundalong bihag niya.

Matapos nun nag simula na ng sunod-sunod na pagputok ng mga baril. Napaupo ako habang nagtatakip ng tainga at nakapikit. Bigla na lang naramdaman kong may taong lumapit sa akin, pagdilat ko ang diktador na prinsipe ito, nakayakap ang kaliwang braso niya sa akin habang ang kanang kamay naman niya ay may hawak na baril. Sa kabilang banda nakita ko si Scar na gulat na nakatitig sa aming dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Dictator PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon