♚♚♚
Bago sumibol ang liwanag umalis na kami sa bahay, sobrang nagdurugo ang puso ko ng muling iwan ko si mama pero wala akong magagawa kundi ang umalis. Ibinalik akong muli sa palasyo, nakakulong sa isang silid at may bolang bakal na nakakadena sa kanang paa ko.
Nung sinabing magtatanghalian ako kasama ang diktador na prinsipe di ko alam pero nagalak ako, di dahil sa makakasabay ko siya pero sa kadahilanan na may gusto akong sabihin sa kanya.
Katapat ko siya ngayon dito sa may hapagkainan, kumakain siya ng tahimik samantalang ako di ko ginagalaw ang pagkaing nasa harapan ko nang dahil sa kaba kung paano ko sa kanya sasabihin yung nais kong sabihin.
Mula sa malalim kong pag-iisip bigla siyang tumayo at akmang aalis kaya mabilis din akong tumayo at hinabol siya. Di pa ako nagsasalita ay nilingon na niya ako, marahil dahil sa ingay na dulot ng bolang bakal na nakakadena ngayon sa paa ko.
Nakatingin lang siya ng matalim sa akin, maliban sa takot na nadarama ko ngayon dahil sa mga titig niya ay di ko rin maiwasan na puriin kung gaano kaperpekto ang kanyang mukha.
Anghel na nagtatago sa katauhan ng isang demonyo. Yun siya.
"G-usto ko sana kayong m-akausap tungkol sa mama ko. G-usto ko pa siyang makita" nanginginig na boses na sabi ko.
Inalis niya ang tingin niya sa akin at tumingin siya kay Mr. George, akala ko ay binaliwala niya ang sinabi ko pero nagulat ako sa sunod niyang sinabi.
"Dalhin niyo siya mamaya sa opisina ko" sabi niya tapos ay tumalikod at umalis habang sinusundan naman siya ng maraming sundalo.
"Masusunod po" sabi ng matanda na may kasama pang pagyuko.
Dinala akong muli sa silid na pinagkakakulungan ko, hindi ko alam pero pinabihisan nila akong muli ng damit at tinanggal ang paa ko sa pagkakakadena sa bolang bakal. Ilang sandali sinundo ako ni Mr. George.
"Pinapasundo ka na ng prinsipe" sabi niya sabay yuko sa akin.
Kinabahan ako ng marinig ko iyon pero nilakasan ko ang loob ko dahil gusto ko pang makita ang mama ko.
Pagpasok sa silid parang pamilyar ang lugar na ito, parang nakapasok na ako dito noon. Tinignan ko ang pihitan ng pinto at may naalala ako, di kaya ito ang kwarto noon na siyang unang pinasukan ko para magtago ? Tanda ko pa na may biglang may ilong at labi na dumampi sa leeg ko nun, di kaya ..
Naalis ang isip ko sa pag-aalala sa gabing iyon dahil bigla na lang tumambad sa harap ko ang diktador na prinsipe ngayon.
Nakatingin lang siya sa akin at parang nanigas ang katawan ko dahil di ako makagalaw ngayon.
"Magsalita ka na" sabi niya.
Lumunok ako upang maibsan ang panunuyo ng aking lalamunan.
"G--usto ko pang makita ang mama ko" unang mga salitang lumabas sa bibig ko.
"Tapos ay"
"May sakit siya at kailangan niya ako" dagdag ko.
"Yung isa mo pang sinabi noon."
Ang bilis ng kabog ng puso ko ngayon.
Napatigil ako at napaisip, pilit na inaalala ang mga sinabi ko sa kanya noon at nang maalala ko iyon mas tumindi ang kaba ko.
"Na-na ga-gawin ko ang lahat" pautal-utal na sabi ko.
Biglang nakita ko sa mukha niya ang pagkakontento, di ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o mangamba.
"Lahat" sabi ng diktador na prinsipe.
Puno man ng alinlangan pero tumango ako sa kanya.
Nilingon niya ako, nagtama ang aming mga paningin. Pilit kong gustong basahin ang sinasabi ng kanyang mga mata kung payag ba siya sa sinabi ko o hindi pero gaya nga noon mahirap basahin ang kanyang malalamig na ekspresyon.
BINABASA MO ANG
The Dictator Prince
Ficção AdolescenteOne country, one dictator prince. No humanity, full of disgrace. River of tears, ocean of bloods. A story of a prince and a girl who will know and prove that.. "Behind of a great man is a great woman" and "Every mans down fall is all because of her...