♚♚♚
Nang ibalik na nila ako sa silid na pinagkukulungan ko inilabas ko ang maliit na kutsilyong nakatago sa damit ko, hindi nila alam na palihim kong kinuha ito sa lamesa kanina nung kumakain ang diktador na prinsipe.
Tatakas ako.
Pagsapit ng hating gabi agad akong dumiretso ng pinto at agad na sinubukang buksan ang pintuan. Dahan-dahan ko itong binuksan dahil baka may makarinig nito sa labas.
Matapos ang halos kalahating oras nabuksan ko rin ito. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako ng magkasalubong kami ng paningin ng dumaang sundalo, agad niyang itinutok ang baril sa akin, nakakatakot ako pero ng maalala ko ang pag-uusap ng dalawang sundalo na bawal nila akong patayin nagkaroon ako ng lakas ng loob para baliwalain lang yun at magpatuloy sa pagtakas.
Tumakbo ako at hinabol niya ako, ang tanging armas ko lang ngayon ay ang kutsilyong hawak ko.
"Tigil !" sigaw niya pero di ko iyon pinakinggan.
Tumakbo lang ako ng tumakbo, di ko alam kung nasaang parte na ako ng palasyo na ito o kung paano ako lalabas hanggang sa pagtingin ko sa likod maraming ng sumusunod sa akin na mga sundalo.
Ramdam at rinig ko ang lakas ng kabog ng puso ko ngayon, wala akong plano na kahit ano, ang tanging pinanghahawakan ko lang ay ang makatakas at makitang muli si mama.
Pababa na ako ng napakahabang hagdan halos nasa dulo na ako nito ng makarinig ako ng putok ng baril kaya naman napatigil ako sa pagtakbo.
Nanginginig ang buong katawan ko ng makarinig ako ng mga yapak ng paang papalapit sa akin.
Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko at pinihit niya ako paharap sa kanya hanggang sa nakita ko siya. Ang diktador na prinsipe habang galit na galit na nakatingin sa akin at mas lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Halatang naistorbo ko siya mula sa kanyang nahimbing na pagkakatulog lumiwanag ang palasyo kaya mas lalo ko siyang nakita.
Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.
Hinila niya ako paakyat ng hagdan at wala akong nagawa nakita ko mula sa kanang kamay niya hawak-hawak niya ang isang baril.
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko, nang nakaakyat kami agad niya akong binitawan at hinawakan naman ako ng mga sundalo niya.
Binigay niya ang hawak na baril niya sa isang sundalo tapos tumingin ng masama sa akin.
"Istorbo ka, ikulong niyo at wag niyo siyang hayaang muling makawala pa kundi kukunin ko ang mga buhay niyo" sabi niya at tumalikod.
"Gusto ko lang makita ang mama ko !" sigaw ko sa kanya habang umiiyak.
Napahinto siya at nilingon ako, matalim siyang tumingin sa akin at naglakad muli paalis kasama ang mga ilang sundalo.
"Gusto ko ng umuwi ! Kailangan ako ng mama ko !" sigaw habang patuloy na umiiyak pero mukha siyang walang nadinig.
Ikinulong nila akong muli pero di ako tumigil paulit-ulit akong sumisigaw at kinakalabog ang pinto ng walang tigil.
Pero walang nangyari, hinahayaan lang nila ako.Tumingin ako sa paligid kailangan kong agawin ang pansin nila. Sinimulan kong basagin at sirain ang lahat ng mga bagay na makita ko dito sa loob ng silid, wala akong pakialam kung mamahalin man ang mga ito na halos mas mahal pa sa mismong buhay ko.
Ilan pa rito ay babasagin kaya di naiwasang tumalsik ito sa binti ko at nasugatan ang mga kamay ko.
Ilang sandali bumukas ang pinto, tinutukan ako ng baril pero wala na itong ubra pa sa akin di na ako takot kung patayin man nila ako ngayon. Dumating ang mga katulong para pigilan ako pero wala rin silang nagawa dahil puno na ng mga nabasag na kagamitan ang paligid.
BINABASA MO ANG
The Dictator Prince
Novela JuvenilOne country, one dictator prince. No humanity, full of disgrace. River of tears, ocean of bloods. A story of a prince and a girl who will know and prove that.. "Behind of a great man is a great woman" and "Every mans down fall is all because of her...