♚♚♚
Napahinto ako sa sunod-sunod at napakadaming mga patay na tao sa paligid ko. Di ko napansin na nasa isang bayan na pala ako malapit sa Central.
Mapa matanda, bata at kahit bangkay ng isang sanggol ay nakita kong nakahandusay sa sahig, puno ng dugo at wala ng buhay. Mistulang pinaulanan ng mga baril ang bayan na ito.
Habang dahan-dahan akong humahakbang di ko namamalayan na tumutulo na pala ang mga luho ko.
Siya ba ang may pakana nito?
Bakit pati ang mga inosenteng mga tao ay dinadamay niya?
I remember tears streaming down your face
When I said, "I'll never let you go."
When all those shadows almost killed your light
I remember you said, "Don't leave me here alone,"
But all that's dead and gone and passed tonightBigla akong napahinto sa pag lalakad at nanigas sa kinakatayuan ko ngayon ng biglang may kakaibang dumaplis sa pisngi ko. Di ako nagkakamali merong tumama sa akin at mabilis ang mga naging pangyayari. Ilang sandali naramdaman ko ang hapdi sa aking pisngi, nang hawakan ko iyon kaunting dugo ang lumapat sa aking palad.
"Sayang" isang salita ng panghihinayang ang narinig ko sa di kalayuan.
Ilang sandali isang batang lalaki ang lumabas sa likod ng isang puno. May hawak siyang sumpak, namumula ang mga mata na tila galing niya lang sa isang mahabang pag-iyak.
"Papatayin kita!" sigaw niya sakin ng muli niyang itinutok ang hawak niyang sumpak sa akin.
"Ikaw yon! Ikaw yung magiging reyna di ba? Malas ka! Dahil sayo pinatay ng prinsipe ang mga kabaryo at pamilya ko!" sigaw niya at kita ko ang pagtulo ng mga luha niya.
"Patawad!" sigaw ko at natigilan siya.
"Di ko gusto, nakikiramay ako" sabi ko nang nangingilid ang mga luha ko.
Just close your eyes the sun is going down
You'll be alright no one can hurt you now
Come morning light
You and I'll be safe and sound"Kung ako sayo pangahas ay ibaba ko iyan" isang malamig na boses ang bumalot sa paligid. Nanginig ako sa takot ng marinig ko ang boses niya.
Pagtingin ko sa likod ng batang lalaki nandoon ang diktador na prinsipe at may hawak na baril.
"Wag!" sigaw ko.
Nilingon siya ng batang lalaki at tinira ng sumpak pero naka ilag ito.
"Ikaw yung pumatay sa pamilya ko! Papatayin kita!" sigaw ng batang lalaki at tinutok muli ang sumpak sa diktador na prinsipe.
Don't you dare look out your window, darling.
Everything's on fire
The war outside our door keeps raging on
Hold on to this lullaby
Even when the music's gone
GonePero agad na nahawakan ng diktador na prinsipe ang kamay ng bata, hinawakan niya ito ng napakahigpit hanggang sa mabitawan nito ang hawak na sumpak. Pagkatapos ay sinakal niya ito sa leeg at itinaas.
"Wag! wag!" sigaw ko habang tumatakbo.
Tinulak ko ang diktador na prinsipe, nabuwal ito at nabitawan niya ang batang lalaki. Sa pagbagsak ng bata nakita ko ang pag ubo nito dahil halos kinapos ito ng hininga at pagdaing sa sakit na nararamdaman.
"At talagang papatay ka ng bata ha!" sigaw ko sa diktador na prinsipe na tumatayo na ngayon at pinagpagan ang sarili.
Just close your eyes
The sun is going down
You'll be alright
No one can hurt you now
Come morning light
You and I'll be safe and sound
BINABASA MO ANG
The Dictator Prince
Fiksi RemajaOne country, one dictator prince. No humanity, full of disgrace. River of tears, ocean of bloods. A story of a prince and a girl who will know and prove that.. "Behind of a great man is a great woman" and "Every mans down fall is all because of her...