♚♚♚
Ilang sandali nagulat na lang ako ng may tumakip ng aking bibig.
"Shh Autumn. Ako ito si Scar" bulong niya sa akin kaya naman napanatag na ako. Ilang saglit binitawan niya ako at humarap ako sa kanya.
"Scar anong ginagawa mo dito?" bulong kong sabi pero tumambad sa akin ang isang pulang rosas na hawak niya.
"Maligayang kaarawan. Narito ako para iligtas ka Autumn" nakangiting sabi ni Scar.
Kung alam niya lang kung gaano ako nagagalak na makita siya. Kinuha ko ang bulaklak at niyakap siya, ilang saglit bumitaw ako sa pagtatantong hindi maaari siyang makitang nandirito.
"Tara na Autumn kailangan na nating magmadali. Nasa labas ang mga kasamahan ko" sabi niya at hinawakan ako sa kamay pero di ako gumalaw kaya naman nagtaka siya.
"Bakit?" tanong ni Scar.
"Hindi pwede Scar" tanging nasabi ko.
"Kung natatakot ka sa pwede niyang gawin, Autumn hindi na mangyayari iyon dahil mas lalo naming plinano ito" sabi ni Scar.
"Hindi iyon. Hindi mo ako maiintindihan. Umalis ka na baka mapahamak ka pa" sabi ko.
"Anong hindi? Autumn pinangako kong poprotektahan kita kaya di ako aalis dito ng di ka kasama" ani ni Scar at hinawakan ako ng mahigpit.
"Scar hindi!" sabi ko na nagpumiglas sa kanya hanggang sa mabitawan niya ako. Nakita ko ang di niya makapaniwala niyang mukha.
"Di kita maintindihan. Di mo kailangang isakripisyo ang sarili mo. Autumn karapatan mong maging malaya. Dumating na ang panahon, nasa tamang edad ka na at gagawin na niya ang pinaplano niya. Pipigilan natin to, hindi na maaaring mapasa pa ang henerasyon. Autumn hindi natin hahayaan pang marananasan ng mga susunod ang mga naranasan natin" sunod-sunod na sabi niya.
Parang may tinik na nagbara sa lalamunan ko matapos kong marinig iyon. Tama si Scar. Bigla na lang ako napaupo at umiyak.
"Scar makasalanan ako hindi ko kaya, patawarin mo ako pero makasalanan ako" paulit-ulit na sabi ko.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.
"Makasalanan ako Scar. Hindi ako karapat-dapat para doon" tanging sagot ko.
"Anong makasalanan? Autumn--"
"Umiibig ako sa diktador na prinsipe!" sagot ko at natigilan siya.
"Scar makasalanan ako, umibig ako sa kanya kaya di ko magagawang sumama sayo dahil di ako karapat-dapat, patawad" umiiyak kong sabi.
"Hindi Autumn. Hindi totoo yan" kita ko ang pangingilid ng kanya mga luha. Kasabay nun ang ilang pagpatak ng mga luha ko.
"Sana di na nga lang totoo, pero hindi ayon ang katotohanan" pagkasabi ko nito nakita ko ang pagbagsak ng kanyang balikat.
Mahirap para sakin pero kailangan niyang malaman. Ang sakit sa dibdib na nakikita ko ngayon ang biglang pagpatak ng luha ni Scar, kasabay nun ay ang pagbukas ng pinto. Mabilis kong tinulak si Scar papalabas sa may bintana kung saan siya pumasok.
"Scar umalis ka na!" sigaw ko habang naririnig ko ang mga pagkasa ng mga baril.
Na papunta si Scar malapit sa bintana, nandun lang siya nakakapit at di parin umaalis.
"Hindi wag! Parang awa niyo na! Wag!" sigaw ko sabay harang.
Kumapit ako sa bisig ng diktador na prinsipe at nagmamakaawa habang bumubuhos ang aking mga luha.
"Parang awa mo na wag!" sigaw kong muli at nakatutok parin kay Scar ang lahat ng mga baril ng mga sundalo at ng diktador na prinsipe.
"Parang awa mo na di ako sasama mananatili ako, pakiusap wag niyo siyang sasaktan" muli kong pagmamakaawa sa diktador na prinsipe at tinignan niya ako sa mata.
BINABASA MO ANG
The Dictator Prince
Teen FictionOne country, one dictator prince. No humanity, full of disgrace. River of tears, ocean of bloods. A story of a prince and a girl who will know and prove that.. "Behind of a great man is a great woman" and "Every mans down fall is all because of her...