The Dictator Prince XI

11K 640 255
                                    

♚♚♚

Meron siyang isang salita. Pinalaya niya lahat ng mga nahuli umalis ang buong tagapalasyo kasama ako at iniwan ang lahat.

Nasa loob ako ng sasakyan habang nakatali ang mga kamay. Mag-isa lang ako doon kasama yung dalawang sundalo ng palasyo at ang nagmamaneho ng sasakyan.

Ramdam ko ang pamamaga ko ang mga mata ko, natuyo na ang mga luha ko at nakatingin lang ako sa di kalayuan. Lutang ang isip walang ni ano man ang tumatakbo ngayon sa isipan ko.

Ibinalik akong muli sa palasyo doon sa kwartong pinagkukulungan ko. Nakaupo lang ako nun sa dulo sa kama habang nakatingin sa madudumi kong mga paa.

Patawad lalo na sayo Scar, sinayang ko yung pagligtas niyo sa akin pero di ko kaya na may magsayang pa ng buhay para sa akin.

Paglaan ng ilang araw nanatili lang ako sa loob ng silid na iyon pero mas naging mahigpit pag pagbabantay sa akin dahil lagi ng may dalawang sundalong nasa loob ng kwarto na ito ng bente kwatro oras at ang katulong na si Achila. Muling kinabit sa paa ko ang bakal na bola di na rin ako lumalabas ng kwarto at dito na lang kumakain at higit sa lahat dalawang araw na rin simula nung huli kong nakita ang diktador na prinsipe ni animo anino o beses niya di ko makita at marinig.

"Kumain ka na" sabi ni Achila sa akin nung di ko ginagalaw yung kinakain ko.

"Ayoko" sagot ko.

"Hindi ka pa kumakain simula ng ibinalik ka rito. Namumutla ka na, kulang na lang pati ang uminom ng tubig ay di mo gawin at mamamatay ka na " sabi niya.

"Binigyan mo ako ng ideya" sabi ko at isinantabi ang tubig kasama ang mga pagkain.

"Ako ang malalagot sa ginagawa mo"

"Pero ayoko talagang kumain" sagot ko.

Nanghihina na ako ng gabing iyon. Nakahiga lang ako at nakatingin sa bintana kung saan dumaan si Scar para sagipin ako ngayon may dalawang sundalong nakatayo sa magkabilaan nun at dalawang sundalo rin naman sa may labas ng pinto. Si Achila ay natutulog sa may upuan. Habang nakatingin ako sa bintana unti-unting nagdidilim ang aking paningin parang umiikot at nanlalabo ito, namamanhid rin ang buong katawan ko, ang sama sa pakiramdam.

Halos mawalan na ako ng malay nun ng lumapit sa akin si Achila.

"Autumn? Autumn!" sabi niya sabay uga sa akin nun pero nakatulala lang ako di ko magawang kumilos o magsalita man lang.

Habang nanlalabo ang aking paningin nakita ko kung paano sila magkagulo, kung pano ako pilit na ginigising ni Achila, kung paano tumakbo palabas ang ilang sundalo. Ilang sandali nakita ko ang nagmamadaling paglakad papalapit sa akin ng diktador na prinsipe, wala pa siyang damit pang itaas nun at mukhang bagong gising lang siya. Lumapit siya sa akin na tila ay nag-aalala at sa unang pagkakataon nakita ko na may emosyon ang  kanyang mukha. Agad niya niya akong binuhat at dinala sa kung saan pakatapos noon ay nawalan na ako ng malay.

Nagising ako sa labis na pagkauhaw ramdam ko ang tuyo kong mga labi kaya naman ay unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Wala na ako sa silid na pinagkukulungan ko, iba na ang kamang hinihigaan ko. Tumingin ako sa paligid at bumilis ang kabog ng puso ko sa takot ng makita ko ang diktador na prinsipe na nakaupo banda sa may sulok na may kung anong ginagawa nakapantalon parin siya at walang pang itaas kaya ako ay naiilang. Dahan-dahan akong umuupo nagbabakasakaling di niya ako mapapasin lalo na't nakatagilid lang siya sa akin ngayon pero mali isang galaw ko pa lang lumingon na agad siya sa akin gamit ang mga nakakatakot niyang mga mata ako ay napahinto at tumingin lang sa kanya.

Ibinaba niya ang kung ano mang ginagawa niya tapos ay tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin di ko alam ang gagawin ko nun nakatingin lang ako habang nanginginig ang buong kalamnan ko.

The Dictator PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon