The Dictator Prince XII

9.2K 571 171
                                    

♚♚♚

Nakatitig lang ako sa kanya at nag-iisip kung bakit parang nagkakatugma ang mga sinasabi namin. Malayo ang iniisip ko nun ng lingonin niyang muli ako.

"Maaari mong basahin ang mga librong naririto" sabi niya na siyang dahilan ng pagbalik ng atensyon ko.

"Ha?" parang walang malay na sagot ko.

"Pwede kang pumunta sa lugar na ito pag sinabi ko" sagot niya saka naglakad papalabas ng silid aklatan.

Sinundan ko lang siya ng tingin nun ng bigla siyang huminto at nilingon ako. Agad akong kumilos at sinundan siya tapos nun ay may pinatawag na siyang sundalo para dalhin muli ako pabalik sa silid na pinagkukulungan ko.

Kinabukasan ng hapon nagulat ako ng bumukas ang pinto at sinundo ako ng mga sundalo kasama si Hemprey. Huminto kami sa isang pinto tapos ay kumatok siya.

"Kamahalan nandito na po siya" sabi niya.

"Pasok" sagot ng diktador na prinsipe.

Pagbukas ng pinto ay opisina niya pala itong muli, di ko kasi matandaan ang mga silid na nandirito dahil bukod sa napakalaki ng palasyo pare-pareho pa ang mga pintong naririto.

Pumasok ako doon at nakita ang diktador na prinsipe nakapantalong itim at nakaputing mahabang manggas na polo na ang iilang butones nito ay nakabukas na. Malamlam ngayon ang kanyang mga mata na wala paring emosyon pero alam mong parang pagod siya.

Di siya nag salita at pumasok lang sa sikreto niyang silid aklatan sumunod lang ako sa kanya. Dirediretso lang siya at kumuha ng mga libro, mga mahigit sa sampung libro ang kinuha niya at inilagay sa tabing mesa mula sa kanyang upuan nag de-kwatro at nagsimula ng magbasa habang ako nakatitig lang sa kanya.

"Ano pa ang ginagawa mo? Maaari kang magbasa ng libro na nais mo" sabi niya sabay lipat ng pahina. Ang bilis niyang nabasa agad ang pahinang iyon ng ganun lang.

Dahil na rin ay sinabi na niya naglakad ako papalapit sa libo-libong librong nakapaikot sa silid na ito at nagsimula ng maghanap ng babasahin.

Nakaagaw pansin sa akin ang librong pinamagatan Histoire de la tour Eiffel (Eiffel tower History) at nasa takip ng libro ang larawan ng toreng ito. Kinuha ko iyon at binasa ng nakatayo. Ilang sandali nailang ako sa pagbabasa ng mapansin kong nakatitig siya sa akin. Tinignan ko siya sandali pero di siya nag alis ng tingin hanggang sa isinara niya ang kanyang binabasang libro na halos nasa kalahati na niya nababasa. Kinakabahan ako sa nagiging kilos niya.

"Maupo ka at dito ka magbasa. Dito sa upuang nasa harapan ko" utos yun at sinunod ko.

Dahan-dahan at naiilang akong lumapit at upo sa harapan niya, malayo naman ang pagitan naming dalawa mga dalawangpung hakbang nga kung tutuusin pero parang ang lapit niya sa akin.

Sinubukan kong ituloy ang ang pagbabasa, nasa ikalimang pahina pa lang ako ng ibaba niya ang unang libo niyang binabasa at nagbasa ulit ng isa pang libro. Nakakamangha ang bilis naman niyang mabasa.

Tahimik ang paligid, wala ni isang nagsasalita sa amin ang tanging naririnig ko lamang ay ang paglipat ng pahina ng mga librong binabasa namin.

"Ano na ang mga nababasa mo sa librong iyan?" tanong niya na siyang ikinagulat ko.

"A-ah ipinangalan siya sunod sa pangalan ng inhinyerong si Gustave Eiffel na siya ring nagdesenyo at gumawa nito" kinakabahang sagot ko.

"Ano pa" sabi niya habang nagbabasa.

"Matatagpuan ito sa Paris, Francia" dugtong ko.

"Ano ang sukat nito?" tanong niya.

Natataranta akong hinanap sa libro ang sukat nun, nabasa ko iyon kanina pero di ko matandaan ang sukat niyon. Natataranta parin akong naghahanap ng bigla na siyang nagsalita.

The Dictator PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon