Prologue

34.2K 983 84
                                    

♚ ♚ ♚

Hindi mo gugustuhing tumira sa bansang ito. Siguradong-sigurado ako.

Nakatira ako sa bansang Vrizania kung saan monarkiya at diktadurya ang pinamamalakad.

Monarkiya dahil ang angkan lang nila ang namumuno dito at pinagpapasa-pasa lang ang korona sa bawat henerasyon. Diktadurya dahil batas militar o martial law ang kanilang pinapalakad.

Ang mga dugong bughaw ay wala ng ibang mga kamag-anak maliban sa kanila, pinapanatili kasi nila na sa bawat henerasyon ang isang ama, ina at anak lang ang dapat.

Malulupit, masama at walang puso ang laging itinatawag sa kanila, kailangan mong sumunod at huwag kontrahin ang mga batas at sinasabi nila kung hindi ito na ang huli mong araw sa mundong ito.

Simple lang ang pag patay sa kanila, para sa kanila ang buhay ng ibang tao ay laruan at walang kwenta lang.

Naiisip nyo ba kung paano mabuhay sa bansang ito?

Puno kami ng takot na baka may mali kaming magawa at patayin na lang nila kami bigla.

Lahat kami sinisisi ang buong may kapal dahil bakit sa kirami-dami ng bansa bakit dito pa kami isinilang at naging mamayanan.

Maski ako nung bata pa lang puno na ako ng takot, para kaming mga ibon na nakakulong sa isang malaking kulungan na kailan man ay di makakawala at kung makakawala man ay siya nang magiging kamatayan namin.

May mga batas din sila sa kanilang pamilya, bawal sa kanila ang lalagpas sa isang anak dahil kapag ipapasa na ang korona maaaring magkagulo kung sino ang magmamana ng trono.

Maaari lang sila mag-anak ng isa pa kung namatay ang kanilang panganay na anak. At isa pa sa mga batas nila ay ang dapat lalaki ang magiging anak nila dahil kung babae ito papatayin lamang kahit pa kadugo nila ito.

Kung nagtataka kayo kung bakit sila nag kakaanak kahit isang lalaki lang ang kailangan nila kada henerasyon? Ito ay dahil isa sa pinakamalas na simpleng babae sa bansa namin ang malas na papakasalan ang prinsipe na siyang susunod na magiging haring bansa.

Namatay daw sa panganganak ang malas na reyna at naipanganak niya ang prinsipe.

Sa totoo nga niyan hindi pa siya ipinapanganak kinamumuhian na siya ng mga mamayanan ng bansa namin hanggang sa mga susunod at susunod na kaapo-apohan pa niya.

Maniniwala ba kayo na limang taon pa lang siya ay pumasok na siya sa militar, natutong humawak ng mga ibat-ibang klaseng armas at unang beses na pumatay ng tao sa edad na pito?

Di nagtagal namatay din ang masamang hari, marami ang nagbunyi sa pagpanaw niya at wala ng iba pang mamumuno kundi ang prinsipe lamang, kaya sa edad na siyam, di ka maniniwalang siya na ang nagpalakad ng bansa namin.

Natapos niya ang hayskul sa edad na sampu at collegio sa edad na ika labing-tatlo na may mga magagandang marka at maraming karangalan.

Nakakamangha diba?

Pero mas ikinatakot iyon ng lahat dahil isang mas matalinong prinsipe ang magiging hari ngayon at malaling banta iyon para sa lahat.

At sa maagang pamumuno ng prinsipeng ito kinakatakutan siya ng lahat pati na din ng mga iba pang pinuno ng ibang bansa.

Marahil isa sa magagandang bunga ang pamumuno nila ay yung ang bansa namin ang pinaka mayaman at kinatatakutan ng lahat ng dahil sa kanya.

Ang prinsipeng namumuno ngayon?

Mas malupit, mas mahigpit, mas masama at mas walang puso siya.

At sa edad na labing anim nagawa at nakamtan niya ang ganoong kalaking kapangyarihan hanggang sa ngayon.

Siya ang diktador na prinsipe ng bansang Vrizania.





















Prince Chase Dylan Crow

The Dictator PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon