The Dictator Prince I

17.1K 844 49
                                    

♚ ♚ ♚

Lumabas ako ng kwarto ko ng wala akong gana dahil walang dapat ikasaya sa araw na ito. Nakakarinig na ako ng mga sundalo ng palasyo sa labas na pinapalabas na kami ng mga kanya-kanya naming mga tahanan.

Nakatira ako sa isang maliit na bahay, kami lang dalawa ni mama ang nakatira dito. Limang taong gulang ako ng namatay ang papa ko sa di ko alam na kadahilanan, ang mama ko naman ay isang mananahi at ako naman tapos na sa pag-aaral.

Sa makatuwid tapos na ako ng hayskul, pero hindi na nakatungtong ng kolehiyo pa dahil hindi kami pinahihintulutang mag-aral doon. At dahil yun sa kadalihanang ayaw ng prinsipe na matuto, magkaroon ng alam at maging matalino kami dahil baka balang araw maging rebelde kami at kalabanin namin siya.

Napakatalino niyang talaga.

Simple lang ang itinuturo sa amin sa paaralan at yun ay ang matuto lang na magsulat, magbasa, magbilang at makabisadong mabuti ang lahat ng batas at alintutunin ng palasyo. Iisang lenguahe lang ang alam namin dahil pinagbabawalan kaming matuto ng iba pa dahil limitado lang ang dapat na matutunan namin at isa iyon sa mga pinagkakait sa amin bilang mga tao kaya marami dito sa amin ang mga mangmang.

Kasama kong lumabas ng bahay si mama, nakita kong naglalabasan narin ang lahat ng mga tao sa mga bahay nila, kalat narin ang mga sundalong nagbabantay sa paligid.

Ito ang araw na magpapakita sa publiko ang prinsipe sa buong bansa at sa buong mundo.

Matapos ang walong taong pamumuno niya ay wala pang ibang nakakakita sa kanya kundi ang mga nasa palasyo lamang. Puro sabi-sabi lang tungkol sa kanya ang alam namin. Pero kahit na hindi namin siya nakikita ramdam naming lahat ang kalupitan niya. Labing-pito na siya ngayon at magkasing edad pa pala kaming dalawa.

Papunta na ang lahat sa may Sentro ang capital ng aming bansa. Ang mga tao sa ibang lugar ay manunuod lang sa malaking screen, samantalang kaming malalapit lang na nakatira sa may Sentro at palasyo ay ubligadong pumunta doon.

"Wag kang lalayo sa akin ha at sumunod tayo parati, bantayan mong mabuti ang mga kilos mo para huwag kang magkamali" bulong sa akin ni mama kaya tumango ako.

Kabadong-kabado ako.

Nakasarado ang malaking kalsada sa may Sentro at may mga harang sa gilid nito para di kami makapalagpas, armado ang paligid mula dito sa lupa hanggang sa himpapawid, maproteksyonan lamang ang diktador na prinsipe.

"Autumn!" napalingon ako sa taong bumulong sa tenga ko, pagtingin ko si Scar pala.

"Ginulat mo ako" sabi ko sa kanya.

"Patawad" nakangiting sagot niya.

"Ikaw pala Scar" sabi ni mama.

"Sabay na po ako sa inyo" sabi ni Scar sa amin kaya tumango kami ni mama.

Labing pito na din siya katulad ko at ulila na siya simula nung sampung taon pa lamang siya at dahil doon halos tumira na siya sa amin. Maaga siyang nagtrabaho bilang mensahero sa isang pahayagan dito sa may Sentro na ang kailangan ay maglabas ng mga balitang puro puri at di labag mula sa Crown royalty.

Nasa likod namin siya ni mama habang papunta kami doon sa may Sentro, ilang sandali.

"O yung iba dito pumunta sa kabilang direksyon, masyado ng maraming tao doon" sabi ng sundalo at isa si mama sa mga nahiwalay.

"Mama--sandali lang po" sabi ko, aakmang hahampasin dapat ako ng sundalo ng baril pero humarang si Scar.

"Patawad po, susunod na po kami" sabi niya kaya di natuloy yung gagawin ng sundalo sa akin.

The Dictator PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon