The Dictator Prince XVIII

7.7K 538 148
                                    

♚♚♚ 

Nagdaan ang ilang araw na itong nararamdaman kong ito na kakaiba ay pilit kong iwinawala. 

Pag-iwas. Sa tuwing kasama ko siya, gusto ko man siyang tignan di ko ginagawa para siyang apoy na susunog sa akin na parang abo. Ni ulitimo pati boses niya hiniling ko na wag marinig para lang mapigilan itong kakaibang damdamin na pati ako di ko malaman.

"Bakit?" boses ng diktador na prinsipe.

Ngayon nasa harap ko siya habang ako nakayuko nag-iiwas ng tingin. Ano bang ginagawa niya? Bakit ganito siya kalapit na halos nasa dibdib na niya ako.

"Hm" wala sa sarili kong sabi.

"Hindi dito ang silid mo, silid ko ito" sabi niya at napatingin ako sa kanyang mga mata na siyang pinagsisihan ko.

"Nagkamali ako" sabi ko sabay iwas ng tingin at umalis na sa harapan niya. Pero hinawakan niya ang braso ko.

"Sandali" sabi niya at pinaharap ako sa kanya.

Bilis ng tibok ng puso ang tanging naramdaman ko lalo na nung papalapit yung kamay niya sa mukha ko. Napagtanto ko na lang nang pinatong niya ang palad niya sa noo ko, binaba niya rin yon at tinignan ako.

"Pumasok ka na sa silid mo" utos ng diktador na prinsipe.

Kinabukasan nasa silid ako nun, hapon na at kinakabahan ako dahil ayun yung oras na magkikita muli kami ng diktador na prinsipe para magbasa ng libro sa silid aklatan niya. Nakaupo ako sa dulo ng higaan ko habang naghihintay, di ko alam kung bakit kinakabahan ako at nangangatog.

"Autumn" tawag ni ginoong George at dahil sa gulat bigla akong napatayo.

"Ho?" gulat na sabi ko at ngumiti siya.

Naglalakad na kami at pag tapat ko sa pinto ng kanyang silid aklatan ay iniwan na niya ako. Ramdam ko ang lamig ng hawakan ng pinto ng buksan ko iyon. Tahimik ang paligid ng makapasok ako, di ko tuloy sigurado kung talaga bang may tao rito. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa kung saan kami umuupo para magbasa. At natagpuan ko siya doon at nakaupo, medyo nakayuko dahil sa pagkakatulog habang nakalapag sa mga binti niya ang kanyang libro na binabasa.

Di ko alam kung bakit ako lumalapit, dapat ay umalis na lang ako pero gusto ko siyang makita ng malapitan. Yumuko ako sa kanyang gilid at pinagmasdan ang maamong mukha ng diktador na prinsipe na parang hindi siya. Kung hindi ko lang talaga kilala siya, iisipin kong si Eros ang nasa harapan ko ngayon at hindi siya.

Nagulat at nanigas ako sa pwesto ko ng dumilat siya at tinignan ako. Anong gagawin ako ngayong nahuli niya ako? Baka akalain niya may balak akong gawing masama sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya at di ako makasagot. Nanatili parin ako sa ganung pwesto na nakayuko sa kanya habang magkapantay ang mukha namin.

"Aa--hh--mm" walang salita ang kayang lumabas sa bibig ko.

Yumuko siya at pumikit ng mariin sabay hilot sa kanyang sintido. Halatang pagod siya at kulang sa tulog pero nagawa niya pang magbasa ng aklat ngayon. Gaano kaya karami ang kanyang ginagawa at parang pagod na pagod siya.

Tumayo ako ng tuwid sabay lunok at inayos ko ang aking sarili. Nagkunwari akong naghahanap ng librong babasahin, nagdadasal na sana ay di na niya ako tanungin tungkol sa nangyari kanina.

Matapos ang pangyayaring iyon, mas lalo kong iniwasan ang diktador na prinsipe sa abot ng makakaya ko. Di ito maaaring magpatuloy pa, hindi pwede.

Ilang araw ko na rin siyang di nakikita dahil sa pag-iwas na ginagawa ko. Lagi kong sinasabi na mas gusto kong nasa silid na lang kahit na sa pagkain at sa pagbabasa ng libro wag ko lamang siyang makita.

The Dictator PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon