The Dictator Prince XIV

8.2K 525 123
                                    

  ♚♚♚  

Nang imulat ko ang aking mga mata para lang ako nagising sa umaga mula sa mahimbing na pagkakatulog. Ilang minuto bago bumalik lahat sa akin ang mga natitira kong alaala bago ako nawalan ng kamalayan.

Kung ganoon ay buhay pa ako.

Una kong nakita ang kisame, hirap na hirap pa ako imulat ang mga mata ko nun dahil para akong nasisilaw. Tumingin ako sa paligid at nakita ko siya, ang diktador na prinsipe. Marangyang nakaupo sa sulok habang nagbabasa ng libro. Napatingin ako sa kanan niyang kamay na may benda. Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang pagtangkang pagpatay ko sa kanya.

Di ko naiwasang gumalaw na naging sanhi ang pagsakit ng pulsuhan ko, may mga benda din ito mula sa di nagtagumpay na pagkitil ko ng buhay ko.

Nang dahil sa pag daing ko, nakagawa ako ng ingay upang mapunta sa akin ang atensyon ng diktador na prinsipe. Lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba, pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga sa takot habang nakatingin siya sa akin, buti na lang at may kumatok.

"Kamahalan, nandirito na po ang doktor" sabi ng isang sundalo.

"Papasukin" sabi ng diktador na prinsipe.

Pumasok ang doktor at dalawang sundalo sa may pinto. Tinignan ko ang doktor at sa mga mata niya pa lang nakikita ko ang takot niya.

"Kamahalan" ani ng doktor saka yumuko sa diktador na prinsipe.

"Gising na siya" sabi ng prinsipe saka umalis ng di sumusulyap sa akin.

Kinamusta lang ng doktor ang sugat ko, pinalitan ang benda at nakita ko ang tahi na ginawa sa malalim na paghiwa ko nito.

Makalipas ang dalawang araw. Nanatili ako sa nun na nakakulong sa silid na kinakukulungan ko habang may nakakadena na bakal na bola sa kanang binti ko at nakatali ang mga kamay ko. Di ako umaalis nun doon at nanatili lang na nasa kama.

Tapos dumating na lang ang isang araw na sinundo ako ni ginoong George kasama ang apat na sundalo. Lumabas kami sa silid kulungan ko hanggang na naglalakad na kami patungo sa kung saan, hanggang naaalala ko na ang daan na tinatahak namin at huminto kami sa opisina niya. Dati di ko alam ang mga pinto na nandirito dahil pare-pareho lang naman. Pero ng dahil sa ilang beses na akong pumupunta dito ay nakabisado ko na.

Nakayuko ako habang nakatapat sa pinto, di ko kayang harapin siya pero wala naman akong magagawa. Parang manika na ako dito na kinontrol na lang niya.

Pagbukas ng pinto di ko agad siya nakita dahil nakatalikod ang upuan niya at nakatingin siya sa labas ng bintana.

"Narito na po siya kamahalan" sabi ni ginoong George tapos ay umalis na sila. Isinara nila ang pinto at naiwan ako doon na mag isa.

Dumaan ang ilang minuto na ganun lang. Nakatayo lang ako titingin sa kinauupuan niya o kaya yuyuko. Ilang sandali ay kumilos na siya, humarap ang upunman niya sa akin at tumambad ang seryoso siyang mukha. Kinabahan ako at napalunok.

Wala akong nagawa kundi ang iyuko ang ulo ko, di ko siya kayang matagalang tignan. Hanggang sa narinig ko ang mga yapak niya nadahan-dahang lumalapit patungo sa akin. Kusang nanginig ang buong katawan ko, nanigas ako habang nanatiling nakayuko lang sa sahig, Hanggang sa kunin niya ang kaliwang kamay ko.

"Masakit parin ba?" ani niya.

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon pero di ko parin magawang tignan niya ang tanging nagawa ko lang ay ang umiling. Tapos bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at madikit sa dibdib niya. Nakatapat ngayon ang mukha ko sa balikat niya na may mabangong amoy mula sa mamahaling pabango, nanatili kaming ganun habang hawak niya ang pulsuhan ko at unti-unting humigpit iyon.

The Dictator PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon