The Dictator Prince XVI

8.1K 514 57
                                    

♚♚♚ 

Hating gabi ang nangyaring iyon at sa pagsapit ng umaga pagsilip ko sa labas ng silid ng pinagkukulungan ko nakita ko mula sa labas ng palasyo ang libo-libong sundalo, wala pa ang dami nila sa sundalong naririto sa bansang ito dahil ang iba ay nasa ibang parte ng bansa. Lahat sila nakahilera at nakatayo, bahid sa mga mukha nila ang takot at isa na si Hemprey doon na nasa harapan ngayon.

Ilang sandali dumating na ang diktador na prinsipe nasa likod nito si ginoong George. Walang bahid sa kanya ang kanyang saksak na natamo.

"Autumn" nagulat ako at napalingon pagtingin ko si Achila pala.

"Bakit nakabukas ang kurtina, dapat nakasara ito" ani niya habang isinasara ito.

"Bakit? Gusto ko makita ang mangyayari" sabi ko.

"Pag nakita ng kamahalan na nakabukas ito at nanunuod ka sa mga nangyayari malalagot ako" ani niya kaya di na ko sumuway pa.

"Sa tingin mo ano ang mangyayari? Papatayin niya ba ang lahat ng sundalo? Si Hemprey?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Di natin malalaman ang tinatakbo ng utak ng kamahalan" sagot niya ng nakayuko.

Gusto kong tignan ang nangyayari sa labas pero baka mapahamak lang si Achila kaya hindi ko na nanaisin pa.

"Nakakapagtaka lang" basag ni Achila sa namumuong katahimikan.

"Di ko akalaing isang sundalo ang magtatangka.. natandaan mo ang sinabi ko sayo noon, nakasalalay ang buhay nila sa buhay ng prinsipe" dugtong niya.

"Kung ganun alam niya ang mangyayari kung di siya magtatagumpay na patayin ako"

"Pagpapatiwakal" dugtong ni Achila sa akin.

"Wala na siyang pake sa buhay niya. Marahil ang tangi niyang pakay ay ang patayin ka subalit nahuli siya ng kamahalan kahit alam niyang ikamamatay niya at ikamamatay ng lahat ng sundalo pinili niya paring wakasan na sana ang buhay ng prinsipe" ani ni Achila.

"Kung ganun.. kung sakaling nagtagumpay siya mamamatay din ang lahat ng sundalo at isa na doon si Hemprey" sabi ko.

Kaya siguro laki din ng takot ang nakita ko sa mga mata niya nung nanganganib ang buhay ng diktador na prinsipe dahil nakasalalay din dito ang kanyang buhay.

Ilang sandali may narinig ako, isang malakas na sigaw at nanggagaling iyon sa labas kaya agad kong binuksan ang bintana. At nakita ko si Hemprey nakatayo may hawak na espadang naliligo sa dugo galing sa apat na lalaking nakahandusay ngayon at wala ng mga ulo. Napatakip ako ng bibig di ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Oh hindi" ani ni Achila na nasa tabi kong napatakip din ng bibig

Ngayon nakatayo parin si Hemprey kita ko sa mga mata niya na di niya gusto ang kanyang ginawa, nakikita ko ang panginginig ng kanyang kamay na may hawak na espada. Samantalang ang diktador na prinsipe ay nanatiling nasa blanko niyang ekspresyon lamang.

Ang kanyang espada ngayon ay nakatutok sa leeg ng isang babaeng sundalo diretso lang ang tingin nito kay Hemprey at kita din ang namumuong luha nito sa mga mata nito. Hindi, wawakasan niya rin ba ang buhay ng babaeng ito?

Naalala ko ang mga mukha nila, sila ang limang sundalong laging nagbabantay sa akin saan man ako magpunta. Kaya ba sila papatayin dahil wala sila nung gabing iyon para bantayan ako? Ako na naman ba ang may sanhi kung bakit sila papatayin ngayon?

Walang atubiling binuksan ako ang napakalaking bintana, sobrang bigat nun, pinilit akong pinigilan ni Achila subalit nahuli na siya.

"Waaag!" sigaw ko ng napakalakas mula sa napakataas na bintana. Sapat lang para marinig nila ako.

The Dictator PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon