♚♚♚
Wala na akong ibang natandaan kundi pagtalon namin sa helikoptero may hinila niya ang parasyut na suot ko at ang suot niya at kami ay nakalipad. Ilang sandali mabilis na lumapag kamis a kung saan, nagtama-tama ang mga katawan namin sa kung saan hanggang sa nawalan na ko ng malay ng tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay.
Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang walang malay na mukha ng diktador na prinsipe, ramdam ko ang ilang gasgas at sugat ko sa aking balat at ganun din siya. Halos kalahating katawan namin nalubog sa nyebe.
Ramdam ko ang panginginig ng buong kalamnan ko na halos di ko magawang makagalaw, nung sinubukan ko gumalaw naramdaman ko ang kamay ko na nakaposas at sa pag angat nito kaliwang kamay ng diktador na prinsipe ang tumambad.
Di ako magsisinungaling ang tumakas ang unang pumasok sa aking isip pero napagtanto ko din na di ako makakawala una nakaposas ako at kung maaari ngang matanggal ito ano ang gagawin ko sa bansang di ko alam ang lenguahe at di ko kalahi ang mga naririto.
Tinignan kong muli ang walang malay na mukha ng diktador na prinsipe, namumutla na siya at medyo nangingitim na ang kanyang mga labi at kuko. Sinubukan kong tignan kung humihinga pa ba siya, buhay siya.
Hanggang sa nagulat na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko at tumingin siya sa mga mata ko kahit na nanghihina hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap ako. Pipilitin ko sanang lumayo kaso nakita ko na lang na nakapikit na siya. Tumingin ako sa paligid at alam kong di magtatagal mamamatay kaming dalawa dito ng naninigas.
Ilang saglit biglang gumalaw ang diktador na prinsipe lumayo siya sa akin habang ako naman naiilang. Dahan-dahan siyang tumayo sabay sa paghila ng damit ko para makaahon sa pagkakalubog sa nyebe.
Di siya nagsasalita na hinila ako, di ko alam kung saan kami pupunta. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang nangangatog na binti ko sa lamig hanggang sa tuluyan na kong nadapa. Ilang saglit walang sabi-sabi nagulat na lang ako ng buhatin ako ng diktador na prinsipe. Nahihiya at kinakabahan ako habang nakatitig sa kanya habang magkalapit lang ang mga mukha namin.
Pakiramdam na ayaw ko siyang tignan pero napukaw na ang tingin ko sa kanya lalo na't di niya inaalis ang pagkakatitig niya sa akin.
Ilang sandali inalis niya ang tingin niya sa akin at ako'y ganun din. Nagsimula na siyang maglakad at di ako alam kung saan kami pupunta. Di ako mapakali habang ramdam ko ang dalawang mga brasong niyang nakapalibot sa likod at binti ko.
"Ibaba mo na ako. Kaya kong maglakad" matapang na sabi ko pero ang totoo kinakabahan ako.
"Manahimik" yun lang ang sabi niya ng di ako tinitignan.
I've been watching you
For some time
Can't stop staring
At those oceans eyesNaiilang na ako sa sitwasyon naming dalawa pero anong magagawa ko nakaposas ang kamay ko sa kanya, ni di ko magawang iwasan siya dahil makikita at makikita ko ang mukha niya at ganun din siya sa akin sa posisyong naming eto.
"Nahihirapan na ako, ang sakit na ng kamay ko" sabi ko. Paano ba naman dahil nakaposas kaming dalawa nasa likod ko din ang kaliwang braso ko. Pero parang wala siyang narinig.
Burning cities
And napalm skies
Fifteen flares inside those ocean eyes
Your ocean eyesHuminto kami sa ilalim ng isang bato, halatang kweba ito pero dahil sa kapal ng buhos ng nyebe naging isang maliit na silungan na lang. Binaba niya rin ako sa wakas at patuloy parin na hinila. Umupo siya doon pero ako nanatiling nakatayo di ko alam pero parang biglang sumama yung pakiramdam ko, nahihilo ako.

BINABASA MO ANG
The Dictator Prince
Teen FictionOne country, one dictator prince. No humanity, full of disgrace. River of tears, ocean of bloods. A story of a prince and a girl who will know and prove that.. "Behind of a great man is a great woman" and "Every mans down fall is all because of her...