♚♚♚
Nabalitaan ko na lang na ilang sundalo at rebelde ang namatay matapos ang gabing iyon. Ang diktator na prinsipe? Buhay siya at kasama ko siyang maghapunan ngayon.
Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay patuloy na kumakain. Pasubo na ako ng pagkain ko ng may mapansin ako sa naririto. Isang pulbura, hindi maaring pampalasa ito sa isang pagkain dahil kamukha nito ang laman ng iniinom na gamot. Tumingin ako sa diktador na prinsipe na siyang nakatingin na pala sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.
Lason ba ito? Isa ba sa tagapag silbi ang may gawa nito o ang diktador na prinsipe na nasa harap ko ngayon?
Gusto na ba niya ko mamatay?
Siguro sandali lang ako makakaramdam ng sakit pag kinain ko to, maninikip lang ang lalamunan ko at bubula ang bibig ko tapos.. tapos na ang lahat.
Isusubo ko na ang pagkain ng pigilan ako ni Achila. Napatingin ako sa kanya at ganun din ang lahat.
Nakahawak lang si Achila sa kamay ko habang ako nakatingin naman sa kanya. Ang diktador na prinsipe hinihintay kung ano ang susunod na gagawin niya samantalang ang mga sundalo sa paligid nakatutok na ang mga baril sa kanya.
Ibinaba ko ang kubyertos na hawak ko nakita ko na nakahinga ng maluwag si Achila kaya naman tumayo ako para harangan siya sa mga baril na nakatapat sa kanya. Hanggang sa ang diktador na prinsipe ang tumayo kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.
"Anong nangyayari?" tanong niya pero ni isa walang sumagot.
"Gusto ko ng bumalik sa silid ko" ayun ang sinabi ko.
"Sa tingin mo hahayaan ko yon, na wala kong alam sa nangyayari?" sagot niya.
Tinitigan ko lang siyang muli nakikiusap na sana makuha niya sa tingin ko ang nais kong iparating sa kanya. Di ko pwedeng sabihin dahil baka siya nga ang may balak na patayin ko pero bakit? Pwede naman niya kong patayin sa kahit na anong oras na gustuhin niya. Di kaya isa sa mga taong nandirito ngayon ang may balak na patayin ako? Mas lalong di ko pwedeng sabihin iyon habang nandirito.
"Ibalik niyo siya ngayon sa silid niya" utos ng diktador na prinsipe. Ikinagulat ko ang pagsabi niya non.
Pag balik ko sa silid ilang sandali may kumatok sa pinto. Si Achila ito at may dala siyang pagkain. Inihain niya ito sa akin ng di nagsasalita pero di ako matatahimik kung di ko siya tatanungin. Bakit niya ko pinigilan? Alam niya ba na may lason ang pagkain ko? Alam niya ba kung sino ang naglagay ng lason doon?
"Achila sino ang may gustong pumatay sa akin?" tanong ko sa kanya at napahinto siya sa kanyang ginagawa. Tumingin lang siya sa akin at halatang nag-aalinlangan kung sasabihin niya ba o hindi.
"Nakita ko ang namuong pulbura sa pagkain ko, malamang ayon ay lason" sabi ko.
"Pero kakain mo parin?!" di makapaniwalang tanong niya.
"Di na mahalaga iyon. Isa lang ang gusto kong malaman. Kilala mo ba kung sino ang may gawa noon?" tanong kong muli.
"Isa sa mga tagapagsilbi sa may kusina" sagot niya.
"Bakit? Bakit gusto nila akong patayin? Wala naman akong naaalala na ginawa ko sa kanila na masama?" tanong kong muli.
"Hindi mo alam? Autumn lahat dito babalakin kang patayin dahil ikaw ang magsisilang ng susunod na mamumuno ng bansa" sagot niya.
"Kaya dapat wala ni sino mang nandirito ang pagkakatiwalaan mo, kahit na ako" dugtong niya.
"Bakit ako? Bakit hindi siya?" tukoy ko sa diktador na prinsipe.
BINABASA MO ANG
The Dictator Prince
Teen FictionOne country, one dictator prince. No humanity, full of disgrace. River of tears, ocean of bloods. A story of a prince and a girl who will know and prove that.. "Behind of a great man is a great woman" and "Every mans down fall is all because of her...