LineColor3

20 2 0
                                    

QUINN's...

Sa kasawiang palad,. Lunes na.. naging alarm clock ko yung tawag ni Kathee.. dapat maaga daw akong gumising kase dapat daw sabay kaming pumasok sa gate since first day namin sa pagiging second year college..may mga gantong arte talaga 'to.. pero hinahayaan ko na rin lang., thrilling naman siyang kasama.. iba daw kase talaga pagka girlfriend mo ang kaibigan mo o kaibigan mo ang girlfriend mo kase..... hindi ko alam ang dahilan, sabi lang nila yan eh,. tsaka si Kathee palang naman ang nagiging girlfriend ko since highschool hanggang ngayon,. di ko alam kung magkakaroon pa ako ng totoo..hmm.,

Kanina pa siya tumawag para gisingin ako pero hanggang ngayon wala pa rin siya dito.. habang hinihintay ko pa rin si Kathee.. nakita kong papalapit si Ara.. sakto.. dala ko yung libro..so inilabas ko na sa bag.,

"ah, Ara.."

tiningnan niya ako ng parang 'sino 'to?'

"ah, Quinn.. remember?"

tumango lang siya ng parang 'aah'

"yung libro mo pala..naiwan mo kahapon sa bus.."

"ah, thank you.."

"oh, meant yan ha.."

at ako lang tumawa sa sarili kong joke,. hinihintay ko pa sana yung susunod niyang reaksyon kaya lang may humawak na sa braso ko,.

"hi hon., kanina ka pa?"

"di naman..mga one hour lang.."

"oh! sorry,. anyway, do I look good?"

habang pinapakita sakin ang porma niya..

"always Kathee.."

"mm! that's why I love you eh.."

at napansin kong wala na pala si Ara.. pero at least dito rin pala siya pumapasok., kahit malaki 'tong university,. hindi naman malabong makita ko siya ulet..

At ayun na nga,. bagong school year, bagong professors, bagong adventure.. hinatid ko muna si Kathee sa room niya.. magkaiba naman kase kami ng course.. sabi ko sa'yo..matino akong boyfriend pero ewan minsan pagka may pumuporma kay Kathee,. imbis na magselos ako,. parang natutuwa pa ako eh,. pero siempre kinikilatis ko rin muna..kaibigan ko rin siya di ba..hai.. dami din namang nagkakagusto dun., mga Mr. Popular pa ah,. pero wala..taob sila.. ako talaga ang gusto eh,. haha..

At yun,. same old same., boring ang first day., isang prof lang yung nagpakita.. kahit uwing-uwi na ako,. di pa pwede.. hihintayin ko pa si Kathee eh., tambay muna ako sa may kiosk malapit sa college nila., wala yung iba kong katropa eh,. either may pasok na talaga o nasa girlfriend nila., oh well., pinanunuod ko lang yung mga naglalaro sa field, mga first year na seryosong-seryoso maghanap ng building nila at yung iba-ibang mga taong may kanya-kanyang task for the day.. at napansin ko si Ara., teka., accessory niya ba ang libro?.hehe.. umupo siya sa isa sa mga kiosk., pinatong ang mga libro sa table at nagsulat sa isang notebook.. I just observed her., hmm., siguro diary yun kase sulat lang siya nang sulat nang hindi bumubuklat ng kahit isang libro..haha.. oh sige na Quinn,. ikaw na ang keen., rhyme pa yan ha., may lumapit na isang lalake sa kanya't binigyan siya ng kape., ok din naman..pero mas gwapo parin ako., at yun inaudible siempre yung usapan nila..mejo malayo rin naman kase ako., siguro boyfriend niya yun.. ang sweet eh., para akong tanga dito.. nangingialam sa buhay ng may buhay though not literally..hai.. tagal naman kase ni Kathee.. maya-maya napansin kong mag-isa nalang pala si Ara.. nakatingin sa kawalan (like yun yung hobby niya).. habang painom-inom sa kape niya., malapitan nga..

"hi Ara!"

"hello."

walang-buhay niyang sagot after a half second look at me., tinabihan ko na siya.,

"anung year ka na?"

tanong ko

'second'

sagot ng mga daliri niya

"ah,. anung course mo?"

"ano 'to, interview?"

"more of a G-T-K."

"no need,. I'm not interested anyway.."

tas tumayo na siya..

"ang taray mo naman., first day oh.."

"if possible kase,. I don't want to attach myself to people.."

"alam mo., hindi porket may boyfriend ka,. hindi ka na pwedeng makipagkaibigan sa iba., sure ka na bang siya ang meant?"

"excuse me?"

at pinakita ko sakanya yung empty cup of coffee..

"tss., hindi ibig sabihing magkasama ang isang lalake at babae,. masayang nag-uusap,. binigyan ng coffee eh sila na,. you know what? don't judge people based on your assumptions., yan ang nakasisira ng mundo.."

"so hindi mo boyfriend?"

"like you care?"

tumalikod na siya dala-dala ang mga gamit niya't naglakad na palayo..I just found myself smiling., kakaiba siya,. kakaiba para sakin kase sanay ako sa attention., attention ng pamilya., attention ng barkada., attention ni Kathee., minsan lang ako maneglect o maignore., oh well., what do I expect from a stranger anyway? napansin ko sa coffee cup may nakasulat na 'Belle'..hmm., Arabelle?. siguro yung ang buo niyang pangalan., ang grand!

"hi hon!"

"ui Kat,. dito ka na pala.."

"Quinn Reuben! don't call me that! I'm not a kitten., besides., I hate cats,. remember?"

"haha.. sorry., ang arte naman kase ng Kathee.."

"then call me Leanne., or., honey.."

"mm,. tara?"

"yah."

naglakad na kami palabas ng school., mall daw muna.. 4 palang daw eh.. sinamahan ko lang siya sa kung saan-saan.. binitbit ang mga kung ano-anong binili niya., nagdinner na rin kami dun., I guess ganun ang isang matinong boyfriend., pero nagiging matino ba talaga ako? gusto ko na rin siyang mahalin nang totoo., hinatid ko na siya sa bahay nila.,

"sige Kathee., good night."

"ah, wait.."

hinalikan niya ako sa pisngi at bumulong ng,.

"sana mahalin mo na ako bukas.."

niyakap ko lang siya't.,

"sana Kathee., sana.."

END OF THE THIRD CHAPTER...

Colors and LinesWhere stories live. Discover now