LineColor16

14 1 0
                                    


ARRA's...

Nakababagot naman ang Sabadong 'to., ano kaya magandang gawin ngayon? busy pa naman si Beast..mamamasyal na lang ako nang mag-isa., sanay naman ako dun eh., after kong maglunch, nagpaalam ako kay Tiya na may pupuntahan lang., mall lang muna ako., ang init namang tumambay sa park ng 1pm eh.,haha.. diretso akong National Bookstore.,may plano na akong bilhing libro dun eh., paka bili ko., window shop lang muna., kumpleto pa naman ang mga kelangan ko sa bahay., wala pa naman akong kelangang bilhin.. tsaka ayoko may mabigat na dala.. naghanap ako ng spot kung saan ako pwedeng magbasa., nakakaewan na yung tingin saken ng mga mapantrip na tao., pagka mag-isang naglalakad, lonely agad., di ba pwedeng alone lang? kelangan ba kase talagang laging may kasama? BV!. at badtrip na nga ako, may dumagdag pa!

"Hi Arra!"

sino pa ba'ng tumatawag saking 'Arra'? nginitian ko lang., kumpwede nga lang wag lingunin eh., patuloy lang ako sa paglalakad., sunod parin nang sunod., may sa aso siguro 'to., naupo nalang ako sa isa sa mga benches na nakapalibot sa rainbow fountain., nilabas ko na yung bago kong biling libro.,

"''Arra,. sorry pala dun sa nangyari the last time,. yung sa birthday ko.."

"ba't ka nagsosorry, ano ba yun?"

"hindi ko nga rin sure.,"

hindi pala sure., bat nagsosorry? tss..

"... pero.." pagpapatuloy niya, "...umiyak ka eh..kaya sorry.. ba't ka nga pala umiyak nun?"

"wala..nasugatan ako sa nahulog na vase di ba?"

sino ka ba kase para paliwanagan ko? na umiyak ako dahil kay Kathee at kay Beast., kala siguro nito dahil sakanya kaya nagsosorry 'to..

"ah,. ok na ba paa mo?"

tumango lang ako., ang daldal nito eh.,

"aah.." kulet niya nanaman, "... aware ka na ba dahilan ng nangyari nun?"

"oo.."

"ah,. ano mo nga ulet si Steve?"

hai naku! pahiram po ng kutsilyo, putulin ko lang dila nito.

"ba't ba andami mong tanong? di mo ba nakikitang nagbabasa ako?"

"sorry.. curious lang ako.."

di na ako nagsalita., ansarap nitong batuhin nitong libro eh., pero napansin ko yung mga dala-dala niyang food, kaya.,

"di na masarap ang fries pag malamig,. at ang mga shake mo., juice na.."

at yun., nataranta na't tumakbo na paalis., ewan ko ba dun., expert sa pangungulit., sa wakas natahimik na'ko., mga three hours, natapos ko nang basahin yung libro,.nagsnack ako after., nakagugutom magbasa di ba?

Eventually, my legs felt sore., ansaket pa naman lalo sa paa pagka flat-footed ka., magbibilang nanaman ako ng paltos mamaya., uwi na nga ako., ansarap nang matulog eh., nasa bus ako nang tumunog phone ko, si Tiya.,

*Belle, umaambon na dito, baka umulan mamaya.,nilagay ko yung payong sa bag mo., wag kang magpaulan..*

si Tiya talaga., kaya naman pala unusual ang bigat ng bag ko., wala pa namang ulan., pero lumalamig na ang hangin, pagabi narin kase., nakatulog nga rin ako nang kaunti sa byahe., nang maalipungatan ako, madilim na., at parang anytime bubuhos na ang malakas na ulan., at yun na nga., tsk!. di man lang muna ko pinaabot sa bahay., with thunder and lightning pa., kaya yun., pagkababa ko sa bus,binuksan ko na yung payong., mejo may lalakarin pa kase ako papuntang bahay., nagulat ako nang may biglang tumawag ng pangalan ko sa nakakafreeze na panahong yun., at ambilis ng pangyayari., nabigla nalang ako kasama ko na si Quin at hawak na niya yung payong ko., napa kunot-noo nanaman tuloy ako,. kanina pa 'to storbo., hanggang ba naman dito?

"pauwi ka na ba?

tanong niyang pantanga.,

"ano sa tingin mo ang ginagawa ko, namamasyal sa ilalim ng kulog, kidlat at malakas na ulan? gabi pa ha."

ayan sa'yo

"nagtatanong lang.."

"ayusin mo kase tanong mo."

hindi yung para kang moron..

"bat ba ang sungit mo?"

eh ano ba pakialam mo? sakin pa siya naiirita ha..

"bat ba kase ang kulit mo?"

siya na nga yung nakikisukob,. parang ako pa yung humihingi ng pabor., eh kung ihampas ko sakanya 'tong payong ko?

"di ba kase friends na tayo?"

natahimik na ako., nagpuppy eyes nanaman siya eh., kung di lang bagay sakanya, nasundot ko na yang mga mata niya., tss., brrr!. pati cells ko nagchichill na rin., anlakas na ng ulan., kumukulog at kidlat pa., and speaking of such, nang kumulog at kumidlat nang malakas,. bigla nalang ni Quin nabitawan yung payong sa sobrang gulat o takot o ewan at napakapit nang mahigpit sa braso ko., pati tuloy ako, nagulat din,.

"ai anu ba yan!"

sabay kuha ko ng payong,. bwisit,. nakishare na nga ng payong, nangdadamay pa magpaulan

"sorry.."

sabi niya ng hindi maipinta ang mukha., nagwoworry ba siyang kahit di sinasadya eh nalaman ko ang sikreto niya? na bakla siya? hahaha,. kaya siguro nakipag break 'to kay Kathee kase lalake trip niya., tss.,

"ang angas ng dating mo tapos kulog at kidlat lang takot ka., di pala dapat Quin ang pangalan mo eh., Queen., Queen Esther,. Queen Elizabeth., mamili ka nalang.."

di ko malaman kung mabibwisit pa ba ako o matatawa nalang., kss..

"sorry na nga.. oh, andito na pala ako., ikaw, san pa ba bahay niyo?"

aba,. ang galing mag topic shift ah., haha.. pero oo nga pala., san na ba bahay ko?

"lagpas na.."

pala..

"oh, ba't di ka pa huminto?"

"eh di nabasa ka ng ulan hanggang dito., sige alis na'ko.."

ewan nga din., ba't nga ba ako di lumiko at sumabay lang sa lakad niya., napalayo na tuloy ako., tss.. natawa talaga ako dun., ambakla!. hai naku., pagkarating ko sa bahay, naligo parin ako., nasermonan pa nga ni Tiya kase may payong na nga daw,. nabasa parin..parang wala naman kaseng use yung payong., pero at least dahil sa payong, nakasama ko siya., ha? bakit mo naman gugustuhing makasama ang baklang yun Arra?.eeeeeh..

END OF THE SIXTEENTH CHAPTER...

Colors and LinesWhere stories live. Discover now