Bakit may mga taong ang dali lang magbitiw ng mga salita ngunit tila ang hirap na ito ay pangatawanan?. Naks,. natawa naman ako sa bungad ko,. ang lalim..kase naman..magdadalawang oras na ako ng kahihintay dito sa park,. wala pa din si Kathee..tss,, makaalis na nga lang..bahala siya..
Riiing!!.
"hello."
"hon, I'm sorry.. guess I can't go there..the heaven's so gray kase., baka ma-soak pa outfit ko..see you on Monday na lang.. I miss you!"
"ah,. okay lang Kathee..palabas palang naman sana ako ng bahay kase mejo umulan na kanina.."
"okay, I love you hon!"
"sige."
at binaba ko na., pagtingala ko sa langit,. psh., amputi-puti pa eh.. ang arte talaga.. nakapagsisinungaling tuloy ako nang hindi sinasadya. So umuwi na talaga ako at baka umulan nalang bigla., pero bago yun.. magpapakilala muna ako.. Ako si Quinn., Quinn Reuben Cruz at yun si Kathee? Kathee Leanne Sanchez, girlfriend ko..girlfriend kong hindi naman talaga.. gusto ako eh, so pagbigyan..di ako playboy o mahangin..ayoko lang na may nasasaktan kung may magagawa pa din naman ako.. tsaka matagal ko din na man siyang kaibigan.. kami nalang daw kase ang walang lovelife sa tropa nun kaya kami nalang daw..okay.. alam din naman ni Kathee na hindi ko siya gusto..gusto as in yung gusto..alam mo na yun..pero she'll wait daw.. sana maramdaman ko rin yun,. okay din naman kase siya., maganda, mabait, matalino, mejo maarte nga lang.,pero mahal ako., mahal ko din naman siya,. pero di mahal na alam mo na ulet.. parang I just don't deserve her and she doesn't deserve me too.. yung ganun..yung friends lang kami dapat., pero di yung friends lang kase di pwede or complicated..friends lang kase yun lang talaga dapat..ewan.. hinihintay ko yung time na magmature siya.. na marealize niyang dapat hindi naman talaga ako ang ginugusto niya..at habang nasasaisip ko ang mga introng 'to., may nabunggo na pala ako..
"ai naku, sorry.."
"okay lang.."
so tinulungan ko muna siyang pulutin ang mga nagkalat niyang libro..ang weird nga eh.. sabadong-sabado,. libro ang dala..okay lang naman sana yun kaya lang, ba't siya nasa park? at ba't ba ako nangingialam kung trip niya yun..nang bigla nalang bumuhos ang ulan..takbuhan yung mga tao sa mga pwedeng silungan.. yung babae lang kanina yung parang walang nararamdaman.. wala siyang pakialam kung nababasa siya o ang mga gamit niya,. weird.. hanggang sa nakarating siya sa isang shed at nagpatila rin ng ulan.. inapply niya lang siguro yung 'you'll get 50% wetter if you run in the rain'.. minsan kase di ba mapantrip talaga ang ulan..o madalas..hmm..
Punta na akong bus stop,. ang sarap nang matulog eh.. ang lamig ng hangin..tsaka pasukan na sa Lunes.. di na'ko pwedeng tulog-tulog..andun nanaman yung babae kanina..parang nasa iba talaga siyang planeta..yakap-yakap niya yung mga librong kanina niya pa dala pero nakatingin naman sa kawalan.. nang biglang may humablot ng bag niya't itinakbo..hala.. buti nalang tanga yung magnanakaw na yun at magaling ako kaya nakuha ko sa kaniya yung bag ng babae., di ko na ikukwento kung pano,. baka mamangha ka lang,. tsk!. habang hingal ako pabalik ng bus stop para isauli yung bag,. ang weird kase parang wala lang pakialam yung babae,. baliw kaya 'to?. sayang lang ba ang heroic act ko?. hai,,
"ah, miss..bag mo."
"ah, thank you.."
sabi niya nang di man lang ako tinitingnan.,napataas kilay ko ha..ganun lang?
"ah, okay ka lang?"
tanong ko
"ha?"
tingin niya sakin
"muntik ka nang manakawan.. nanakawan ka na nga pala., naibalik ko lang.."
"nag'thank-you na ako di ba?"
"di yun ang point ko., okay lang yun sa'yo parang wala lang nangyari? di ka man lang nag-panic?"
"alam mo,. pagka meant mangyari ang isang bagay..kahit pigilin mo, mangyayari at mangyayari parin., bakit ako magaaksaya ng boses sa kasisigaw o ng luha sa kaiiyak kung meant palang manakawan ako?. buti nalang kase ang meant eh maibalik mo 'to sakin kaya nag'thank-you ako.. thank you ulet.."
at sumakay na siya sa tumigil na bus..tss., ano daw? masyado naman ang rason niya at yung thank-you? parang di naman sincere,. wala man lang kaemo-emosyon..tss.. sayang lang pala talaga yung takbo ko.. hai.. makasakay na nga rin lang.. at ewan ko kung pinagtitripan ako ng araw na 'to kase walang ibang bakanteng upuan kundi sa tabi niya., ayoko namang tumayo..ang sakit kaya ng paa ko., so, no choice.. parang wala lang din naman sa kanyang tumabi ako eh.. ang smooth lang ng byahe..ang tahimik..di ko na sana ioopen pa kaya lang hindi talaga ako agree sa mga pinagsasasabi niya kanina,.
"ah, miss?"
"mm?"
ang weird talaga., sigurado akong kaidaran ko lang 'to pero parang matanda maka-asta..
"di lang kase ako sang-ayon sa prinsipyo mo., ang weird lang.."
"porket hindi tayo magkatulad, porket naiiba ako sa karamihan ng kilala mo, weird na.. okay lang.. weird ka naman sakin.."
at tiningnan ako ng parang d-u-h!.
"ako pa ang naging weird?"
"talking to a stranger, isn't that weird?"
at tumayo na siya..
tss.. pano naman naging weird yun? eh lahat naman halos start up to be strangers di ba?
"ako si Quinn..." intro ko, "ikaw, anung pangalan mo? para di na tayo strangers.."
"baligtarin mo ang Ara..yun ang pangalan ko.."
at pumara na siya't bumaba na nga habang nagloloading ako sa kabaligtaran ng Ara.. Ara.. teka., Ara lang din yun ah., tss., badtrip na babae yun., natawa na lang din ako.. at least kakaiba ang araw ko ngayon., may mga tao pala talagang nageexist na ganun., at napansin ko may isang librong naiwan si Ara.. kinuha ko., ibalik ko nalang pagka makita ko siya ulet., makikita ko pa kaya siya ulet?. sana.. naintriga ako sa personality niya,. ok 'to..bago..
END OF THE FIRST CHAPTER...
YOU ARE READING
Colors and Lines
Teen FictionPainting colors and chaining up broken lines make this dull world magical...