ARRA's...
Beast?
"hanggang kelan ka magtitiis, ha? todo effort ka sa lahat ng bagay,. pati dito sa party na 'to,. naaappreciate ka ba? minamahal ka na ba?. mamahalin ka ba?"
"Steve, anu ba? wag ngayon, wag dito!"
Steve?. si Beast nga.. sino 'tong girl?
"di ka ba napapagod? ako, pagod na pagod nang tingnan kang binabalewala ng taong mahal mo."
"pagod na rin ako Steve...*sob*...pero umaasa parin akong balang araw mamahalin niya ako.."
hala,. umiiyak na siya?
"Kathee.."
at katahimikan..Kathee?. as in Kathee Leanne Sanchez?. ang.. ang kapatid ko?. siya yung.. siya yung mahal ni Beast,. di ko alam kung bakit pero nawalan ako ng balance kaya nasagi ko yung vase sa may sink..pero hindi ko napansin o pinansin.. nalulunod parin ako sa nangyayari..biglang bumukas yung pinto.. si Beast nga..at..at siya ba si Kathee? ang ganda niya naman,. ..pero ba't mas lalong sumikip ang dibdib ko?
"Quin?"
gulat na tanong ni Kathee..siya nga..siya yung konektado kay Quin,. ang kapatid ko,. at ngayo'y pati si Beast, parte,.
"Belle?!"
tanong din ni Beast,. pero hindi parin ako makakibo.. naramdaman ko nalang na pumatak ang luha ko sa di malamang rason.. pati yung mga magandang mata ni Kathee eh puno na rin ng mga luhang ewan.. buti nalang at hinila na ako ni Beast papalabas ng CR,. ng kwarto,. ng bahay.. at sumakay na kami sa dala niyang kotse,. pero hindi niya pa ako hinatid sa bahay..drive lang siya nang drive,. walang kibuan,. walang tanungan..ang ingay lang na naririnig ay ang mga kotse at ang mga hikbi ko..
Dinala niya lang ako sa tabing dagat,. naupo lang muna kami sa dalampasigan,. nilagyan niya rin ng band aid ang maliit kong sugat sa paa.. ang awkward nga kase mejo hindi pang beach yung outfit namin.. mejo ok naman na ako.. di na'ko naiyak.. yung paghinga ko nalang yung mejo di pa normal..nakaka-soothe kase talaga ng pakiramdam yung amoy ng tubig-dagat, ang simoy ng hangin at ang malamig na buhangin..ilang minuto pa kaming tahimik,. walang masabi dahil hindi alam kung ano ang unang sasambitin o itatanong,,pero nauna siya,.
"sorry Arra., sorry kase nakalimutan kong kasama kita kanina.."
wala parin akong kibo.. hindi ko pa alam kung ano isasagot ko eh..
"since hindi ka magtatanong..." pagpapatuloy niya, "...ikekwento ko nalang.. yung babae kanina., yun si Kathee..."
oo, alam ko.,
"...ang babaeng mahal ko..at mahal din ako sa di pa tiyak na dahilan..."
naisip ko na rin yan..hinayaan ko lang muna siyang isaysay lahat ng gusto niyang sabihin..
"...nararamdaman ko na malapit niya na rin akong mahalin ng totoo pero natatakot lang siya,. kase yung boyfriend niyang mahal lang siya bilang kaibigan eh hinihintay parin niya,. ewan.. marami pang malabo,. pero yan lang ang buod ng kwento nang kung bakit ganun ang naganap kanina..."
mejo ok na'ko..nararamdaman ko nalang na pinatong niya sa balikat ko ang coat niya..malamig narin talaga kase malalim na ang gabi.,
"...pero tanong ko lang..." sabi niya habang nakatitig sakin, "...ba't kasama mo sa CR yung boyfriend ni Kathee? at bakit grabe yang iyak mo?."
ano? boyfriend ng kapatid ko ang ewan na yun?. pero wala pa ako sa mood para mag-react,. tiningnan ko lang siya.. buti pa siya..nakakayang itago yung tunay na nararamdaman..ramdam ko namang nalulungkot 'to eh,. pero nilalabanan niya para di kami parehong ewan.. ngayon ko lang nga siya narinig na andaming sinabi., ang lalim pa..
"dalawa lang ang nakikita kong rason sa mga nangyari kanina..either two-timer yung gagong yun at pinagsasabay kayo,, o di kaya'y may gusto ka sakin kaya nasaktan ka nang malaman mong mahal ko si Kathee.."
taz tumawa na,. halakhak pa,. kaya napangiti narin lang ako..may sa ewan din 'to..pero hanggang dun lang muna..kaya siniko na niya ako at,.
"ui!. kumibo ka naman..andami ko nang nasabi,. ganda pa naman ng stars., ng sand.."
taz humiga na siya,. at nagbuntong-hininga..nilalabanan niya talaga yung tunay niyang emosyon kaya humiga narin ako.,
"walang mabigat na eksplanasyon yung kung bakit nasa CR ako kasama si Quin,. aksidente lang yun,.akala ko kase walang tao..taz andun pala siya,. taz sira pa yung knob., at isa pa, wala akong gusto sa'yo noh,. haha.. hai.. kaya ako naiyak kase nangyari na yung kinatatakutan ko.."
hindi lang umimik si Beast,. pinakikinggan niya lang ako,.
"...si Kathee,. nakita ko na siya.."
tiningnan ko siya pero nakatitig lang siya sa langit,.
"kapatid ko si Kathee, Beast..."
napatingin siya sakin,. at yung mga mata niya eh puno ng katanungang naghihintay ng mga sagot,. kaya habang nakatitig siya sakin at naghihintay., ako naman ang bumaling ng tingin sa kalangitan,.
"mahaba ang storya., at masakit din.. anak lang ako sa labas ni Papa.. at legal si Kathee.. at kanina, kanina ang kauna-unahang pagkakataong nagkita kami., more like,. nakita ko siya.. pangalan lang kase ang alam ko sakanya,. at siya walang alam sakin., o walang pakialam.."
nang tiningnan ko siya,. ngumiti siya't umupo na ulet sabay alalay din sakin para makaupo at,.
"eh di wala na palang problema,. boto ka na sakin para sa kapatid mo!."
napakunot naman ang noo ko dito., di man lang naging dramatic ang storya ko?. tsk!. at pagpapatuloy niya,.
"ayos!.kami ni Kathee,. kayo ni Quin.."
yung kilay ko para nang 'anooo??'
"tsk!. kung nakita mo lang kase kung pano ka niya tingnan nang dumudugo na ang paa mo't hinila na kita paalis.."
ano daw?.
END OF THE TWELFTH CHAPTER...
YOU ARE READING
Colors and Lines
Teen FictionPainting colors and chaining up broken lines make this dull world magical...