ARRA's...
Ganda naman ng araw ngayon., buti na lang at wala kaming pasok sa magkasunod kong subjects., kahit late ko nang nalaman yun, ok lang., mas masarap tumambay sa skul ngayon kesa sa kwarto ko.. at fave spot ko sa buong univ eh ang CenTree., walang nangengealam eh., music mode muna.. at nagsulat-sulat na rin ako sa diary ko., hai.. nakakaantok naman kaso yung hangin., nakakalutang.. napapikit tuloy ako., pero utak ko gising parin., fave song playing eh., hmm.. kaya lang kahit pikit ako may napansin akong movement ng tao na parang shadow lang, pagdilat ko, bwisit!. si Quin nanaman!. stalker ko na ba 'to? tss.. di ko nalang tiningnan.. yung parang invisible talaga.. kaya lang nang napansin niya atang di ko naman siya kikibuin., lumevel up yung pangungulit niya, agawin ba sakin yung diary ko!. nagsiliparan tuloy yung pages., pakialamero kase.. di ko talaga binabind yun para mabilis lang icrumple pagka may naisulat akong ayaw ko nang maalala o kung naiinis ako sa sulat-kamay ko., natawa kaso ako sa reaksyon ng mukha ni Quin., nataranta eh.. haha,. yan sa'yo., kaya lang., bigla ba naman akong hatakin, napatayo tuloy ako., and his eyebrows told me na tulungan ko siya pulutin yung pages ng diary ko,. kasalanan ko ba? pero nasiyahan na rin ako sa pangyayari., ang enjoy pala manghuli ng mga lumilipad na papel kahit hawak ni Quin yung kamay ko.. teka, ano? hawak ni Quin ang kamay ko? bago ko pa maabsorb yun, kumpleto na yung diary ko.. pero bakit ganun, parang frozen lahat taz may camera na umiikot samin., yung sa movie ba., ewan.. di ko maexplain.. magkahawak kamay, nagtitinginan, yung tibok ng puso ko para nang vibration ng phone., bat naman kaya? nahingal ako sa pagpulot at pagdakip ng mga papel? pero bigla nalang akong napabitiw nang makita ko si Beast at... si Kathee.. nakatingin na sila samin., mas lumakas yung vibration ng katawan ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko., si Kathee, di maipinta ang mukha., pero ang sigurado ko lang nasasaktan siya., hala.. pero galit na ang nakita ko sa mukha niya ng bumoses siya ng,
"Arrabelle Sanches... ikaw... ikaw si Arrabelle?"
di ko alam kung ano na gagawin ko., binanggit niya ng may kakaibang tono ang pangalan ko, alam niya na kaya? pero,
"siya ba Quin?. is she the reason why you broke up with me? why you broke... me? sa lahat talaga Quin, siya? yang home wrecker na yan?"
blurred lahat.. ang clear lang sakin eh ang mukha ni Kathee at lahat ng sinasabi niya., home-wrecker? una palang sa mga masasakit na salitang inaasahan ko galing sa bibig niya,. pero,
"Kathee..wag mo namang ganyanin si Belle.."
Beast? Beast, please..wag mo akong ipagtanggol..tama lang siya..
"what? ikaw rin? so.. so this the 'Belle' you're referring to?. grabe., antindi mo rin Arrabelle eh.,"
"Kathee,. di ba sabi mo.. okay na..kase wala ka naman nang magagawa?"
Quin?. please.. wag ka narin sumabay., magulo na masyado., yung mga luha ko, di ko na mapigil., patak lang nang patak..
"not until now!." galit na galit na talaga si Kathee, "...dati yun Quin., nung hindi ko pa alam na kagaya pala siya ng nanay niya!"
"Kathee!" "Kathee!"
nagulat ako sa sinabi ni Kathee., nabingi ako sa boses ni Beast at Quin., katulad ako ni Mama? pangalawa palang., pero sige Kathee., tatanggapin ko lang.,
"why? totoo naman di ba?. firstly,. you were the reason why dad did not love me and my mom completely,. bakit kase kelang mo pang magpakilala?"
hindi ko rin alam kumbaket, Kathee..sorry..
"...secondly, you're the reason why my first love, my first boyfriend, my first everything broke my heart., sa lahat talaga ng lalandiin mo, yung may girlfriend.."
walang namamagitan samin ni Quin., pero kung naiisip mo yan kaya nasasabi mo yan, sorry..
"tama na Kathee.."
Beast please,. tumahimik ka nalang., please.. ayokong madamay ka..
"...at lastly, ano Steve? mas pipiliin mo rin siya? go!. magsama-sama kayong lahat!. tama si Erika., you're just a silent slut.."
Erika? paanong? hindi ko inaasahang gan'to pala kasakit ang pagkikita namin., akala ko kakayanin ko pero ba't parang di na.,
"Kathee,. kelan ka pa nagpapasok ng ibang tao sa buhay mo?"
tanong ni Quin
"hindi Quin, kelan ka pa... nagpapasok ng ibang tao sa buhay mo!"
tumalikod na siya't naglakad palayo., tinap lang ako ni Beast sa balikat at tumakbo na pasunod kay Kathee., di parin ako makagalaw., naramdaman ko nalang na nilead na ako ni Quin pabalik sa puno't pinaupo., yung mga luha ko, ayaw parin tumigil sa kadadaloy., hindi lang galit sakin si Kathee,. kinamumuhian niya na ako.. dahil kay Papa., kay Mama., kay Beast., kay Erika., kay Quin.,
"sorry Arra.."
andito pa pala siya
"sorry.. hindi ko inexpect na sa gan'tong paraan at pangyayari kayo magkikita at magkakakilala nang totoo.."
ano? alam niya? kelan pa? kaya ba siya TFC siya sakin dahil may balak na siyang magkakilala na kami Kathee? paano?. pero balik invisible ulet siya sakin., mas may dapat akong pagtuunan ng pansin kesa sakanya ngayon., pero bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko., at sa di ko alam na rason., bat parang may electric current na dumaloy sa veins ko? habang sinasabi niyang,
"Arra,. sorry kung naging worse dahil sakin yung dati nang hindi magandang relationship niyo ni Kathee., pero gusto ko lang malaman mo na di kelangang solohin yung mga dinadala mo.,"
andami niyang sinasabi pero di ko naiintindihan lahat.,
"...nandito ako Arra., marahil iniisip mo na kung sino ba naman ako., pero Arra.,.basta andito lang ako., di ka nag-iisa.."
napasmile na'ko., salamat sa pagpapagaan ng loob ko, Quin.,
"...kase...gusto kita, Arra.."
yung electric current naging shock wave., napabitiw ako bigla, napatayo, napalakad palayo., seriously, Quin.. ngayon mo talaga naisipang sabihin yan?. hindi mo ba narinig mga pinagsasabi ni Kathee? hindi pwede Quin., hindi pwedeng gusto mo ako., kase,. gusto rin kita..oo, gusto rin kita Quin., hindi ko alam paano., pero, di bale nang gusto lang kita., pero di pwedeng gusto natin ang isa't-isa..kelangan mo pa bang marinig kumbaket?.
END OF THE TWENTIETH CHAPTER...
YOU ARE READING
Colors and Lines
Teen FictionPainting colors and chaining up broken lines make this dull world magical...