QUINN's...
My tears don't usually come out..mapa-happy or sad man..hindi kase ako iyaQuinn.. kahit nung bata ako, pagka nasusugatan, hanggang 'aray' lang ako pero hindi ako naiyak.. pero sa lahat ng nangyayari, o mangyayari, parang gusto kong subukang umiyak.. kase ang alat na sa mata,. para akong sumisisid sa dagat nang walang goggles.. ang hapdi.. mahal ko si Kathee pero gusto niyang higitan ko pa..mahal ko rin si Arra pero parang gusto niyang itigil ko na.. bakit kase antanga ng emotions? bakit hindi ka nalang magkagusto sa may gusto sa'yo? o gustuhin ka nalang rin ng gusto mo? bakit kelangang may nahihirapan, may nasasaktan, may... may... aaah! hindi ko alam! alin ba ang mas mahirap? ang pigilin ang damdamin, o ang pilitin ang nadarama? tss., ankorni ko nang pakinggan pero mga tanong ko yang kelangang masagot.. hindi ko nga lang alam kung paano.
Ang ganda ng araw ngayon para simangutan ko, kaya kinuha ko nalang ang bike ko't nilibot-libot ang village..ansarap ng simoy ng hangin na gumadampi sa gwapo kong mukha..hai..pinapatawa ko nalang talaga ang sarili ko.. napansin ko yung mga batang naglalaro sa yards nila,. tinatawanan kahit simpleng bagay.. kahit nga nung may nadapa't nasugatan..ambilis lang umiyak tas tumawa na ulet., sana ganyan lang lagi..pero hindi eh.. part of growing up nga talaga siguro ang confusion para magmature sa decision-making..ok din naman yun.. ang ayaw ko lang eh yung may nasasaktan., pero tulag ng sabi ng mga gulong ng bike ko, kelangan kang mag-exert ng effort para maka-move on sa buhay at nang hindi mastuck wherever..tss.. at may napansin akong babe na nakaupo sa swing sa isa sa mga yards sa row houses., di ko lang sana papansinin.. pero napabrake ako nang makita kong si Arra yun., si Arra.. dito ba bahay nila? malamang.. dun lang muna ako sa gilid ng isang malaking puno pero nakamasid parin sakanya..kilala ko siya bilang babaeng-laging-nakatingin-sa-kawalan,. pero ngayon, parang dama ko rin ang bigat nang biglang,
"Quinn."
si Steve..
Nagulat ako pero wala na akong kawala..
"anung ginagawa mo dito?"
dugtong niya
"wala akong balak manggulo Steve., aksidente lang na napadaan ako dito't., yun., nakita ko siya.."
di siya umimik., awkard silence for a moment at ako na ulet ang nagsalita..
"pasensya na Steve., pasensya na kung nagugulo ko yung relasyon niyo ni Kathee., pati siguro yung pagkakaibigan nito ni Arra., kilala mo na rin siguro si Kathee., na hindi siya ganun., kung wala ako., hindi ganun ang magiging treatment niya kay Arra., basta., ewan, sorry.."
"hindi mo kelangang mag-sorry sakin., oo, nahihirapan din ako pero mas nasasaktan mo sila..alam kong tulad ko mahalaga silang pareho., pero sana, alamin mo ang kaibahan ng pag-ibig sa pagmamahal."
at tumalikod na siya., naiwan akong ewan.. kaibahan ng pag-ibig sa pagmamahal? ano ba yun? ang lalim niya naman.. hindi po ako marunong lumanggoy sa thought., nalulunod na nga ako eh.,haii., nabaling lang ulet ang tingin ko kay Arra., ang strange talaga ng napapafeel niya saken., pinanuod ko lang siya., nagsusulat sa Diary niya., andun kaya pangalan ko? haha!
Paalis na sana ako nang biglang may nag,
"Hi Reuben!"
Reuben? Sino ba 'to? napa kunot ata noo ko kaya dumugtong siya ng,
"...ah... nakita ko lang kase sa likod ng t-shirt mo may 'Reuben'., kaya I thought it's your name, hindi ba?"
tas nagsmile siya., ankyut!. pero don't get me wrong..batang babae siya., hindi naman super bata., mga 13-14 siguro..
"ah, oo.. pangalan ko yan., di ko nga lang masyadong ginagamit., I mean, di yan ang tawag sakin."
"aaah, anyway, I'm Annika Sam,. people call me Annika, nikka, nikz., pero you can call me Sammy coz I'd like to call you Reuben., little sister ako ni Kuya Steve., yung kausap mo kanina., ano pala ginagawa mo dito? kanina ka pa tingin nang tingin...teka... ano ka ni Ate Belle? boyfriend? suitor? stalker??"
haha., andaldal! pangiti-ngiti lang sana ako kase siempre alangan namang iexplain ko sakanya ang nangyayare di ba.. bigla nalang niya akong hinatak papuntang gate nila Arra., napalaki lang tuloy mga mata ko.,
"Hi Ate Belle!"
"ui, Annika..."
tapos napalaki din mata niya., gulat din ata sa nangyayare., napakamot lang ako sa ulo ko., tapos yun, diredirecho lang si Annika., este., Sammy binuksan yung gate habang hawak parin wrist ko.,
"kase Ate, kanina pa siya sulyap, tingin, masid sa'yo..."
ayan., tinakpan ko yung bibig..haha.. ankyut talaga nito., biglang tayo kaso si Arra at,
"wag kang lalapit sakin.."
nawala tuloy ngiti ko., oo nga pala., may pinagdadaanan pala kami., ang lungkot naman., naguluhan siguro si Sammy lalo na nung tumakbo si Arra papasok sa bahay nila., buti nalang,. buti nalang talaga., bago niya maisara ang pinto, nagsalita siya ng,
"teka lang ah? hindi pa kase ako naliligo.,"
taz ngumiti siya nang saglit,. kaya bumalik din yung ngiti ko kanina., nagpout lang si Sammy at,
'Reuben, hiramin ko bike mo., anliit kase ng bike ni Ate Belle eh,. anliit din kase., haha., thank you! jan ka na muna sa swing.."
di pa nga ako umu-oo., ayun na siya., kaya sa swing nalang din ako., hintayin ko nalang si Arra., annkyut din talaga ni Sammy., tangkad! mas matangkad pa kay Belle, buti nalang mas matangkad parin ako., anyway, ano kaya mapag-uusapan namin ni Arra? maayos kaya namin yung komplikasyon? magiging okay narin ba kaya lahat? o kahit hinay-hinay lang muna., hai., excited ako na kinakabahan., pero maging okay lang kami ni Arra mejo makukuntento na ako dun., wag irurush ang mga bagay kahit maganda pa., worth the wait lahat ng mga magagandang pangyayare., I'll wait Arra., mula sa paglabas mo sa CR hanggang sa pagpasok mong tuluyan sa puso ko at hanggang sa paglabas natin sa kaguluhang eto., haha!., ang ewan!
END OF THE TWENTY-THIRD CHAPTER...
YOU ARE READING
Colors and Lines
Teen FictionPainting colors and chaining up broken lines make this dull world magical...