LineColor14

33 1 0
                                    


ARRA's...

Nang nalusaw nang tuluyan ng simoy ng hangin ang mga luha namin ni Beast (mga luhang pumatak man o hindi).. umuwi na rin kami.. mejo sigh of relief narin yung nailalabas namin..smile at tango lang yung naghiwalay samin bago kami pumasok sa kanya-kanya naming bahay.. habang patulog, narinig ko ulet yung sinabi ni Beast., concerned saken si Quin? baket? pero kahit sino naman siguro magaganun sa ganung sitwasyon..lumalabas din talaga yung kabaliwan ni Beast nang super minsan lang..

Ilang araw narin pala ang nakalipas simula nang mangyari ang moment na yun.. nakatatamad mang umiwas pero yun ata ang dapat kong gawin..kung meant mang magkakilala na kami ni Kathee, lalabanan ko ang meant ngayon.. hai.. umuwi nalang kaya ako sa probinsya at lumipat nang tuluyan ng skul.. maiiwasan ko kaya siya sa ganung paraan?. pero ewan, kung makilala niya ako, di makilala niya na ako.. kahit naman makilala niya ako o hindi, hindi naman mababago yung truth ng existence ko di ba? at kung magalit man siya, karapatan niya yun.. at karapat-dapat lang din yun para saken., tss..

Lunch time, ayokong makigulo sa mga tao sa canteen ngayon,. siguradong mas madaming tao kase maulan., di rin naman ako nagugutom.. at wala na akong ganang kumain.. dun lang muna ako sumilong sa may CenTree..ambon lang naman eh., tsaka sa sobrang kapal ng leaves ng malaking punong ito, di na natagos ang ulan.. nagbasa lang ako ng libro..may mga napansin rin akong tumatambay taz aalis din., anlaki rin naman kase ng trunk nito, di nga pansin yung mga tao sa kabilang side eh,. nang..

"Kathee..."

Kathee?. boses ni Quin yun ah.,

"...siguro..magbreak muna tayo?"

ano?? break?!

"n-n-no Kathee., please.. wag ka nanamang umiyak..iniisip ko lang kase,.what if iassess muna natin ang sarili natin? ikaw, iassess mo feelings mo para kay Steve..at ako naman sa'yo.."

pesteng lalake 'to..all this time na sila ng kapatid ko, di siya sigurado sa nararamdaman niya?. umiiyak na ang kapatid ko!! sinilip ko sila't ayun nga., nakahawak pa siya sa kamay ha!. kumpwede lang mangealam eh., aargh!.

"...kase di ba Kathee., aminin man natin o hindi., di naman totoo 'to di ba?"

ano? so anu yun, scripted? pilit?

"what? all this time, joke 'to sa'yo?"

"hindi Kathee, what I mean is, napilitan lang tayo di ba?"

napilitan? ang kapal ng mukha nito ah., siya pa talaga may ganang magsabi niyan.,

"pero ginusto ko 'to Quin!. eto yung happiest three and a half years sa buong buhay ko!"

three and a half? ang tagal na., antagal na ng pagpapanggap at panloloko niya.,

"ako din naman Kathee., worth it naman 'to lahat., ang sakin lang, baka may namimiss tayong mas dapat..try lang natin Kathee., baka mas para sa'yo si Steve o kung sino.."

lapastangan talaga 'tong nilalang na 'to! anung 'mas bagay si Steve o kung sino'..anong akala niya sa boyfriend, porma? mas bagay ang skirt kesa sa pants? mas bagay ang pink kesa sa blue? isa nalang Quin, mababato na kita ng kung ano.,

"I dunno what to say Quinn,. pero if that's what you want, then, there's nothing I can do about it.."

hala,. gumive up na siya., tumayo na't umalis eh., pero umiiyak parin.. di man lang hinabol ni Quin? hahayaan niya lang na ganun si Kathee? ano ba yan., kahit wala akong experience sa ganyan, mahilig ako sa Korean movies., dapat di ganyan., alagaan mo yung mahal mo., aah!. nakakainis., sasabog na ang mga brain cells ko sa sobrang dami ng mga gustong sabihin at isigaw pero di maaari., tiningnan ko lang ulet si Quin, kita rin namang sobrang lungkot niya., bat kase pinakawalan mo kung mahal mo? bat mo hinayaang mawala kung mahal ka? haii., ayokong mangealam pero gusto kong mangealam pero di rin naman pwede kase mas lalo magugulo ang lahat..

Tuluyan nang nawala ang malamig na simoy ng hangin., umalis na si Quin., di ko alam kung magagalit ako sakanya kase sinaktan niya si Kathee o maaawa ako sakanya kase sinasaktan niya rin ang sarili niya., hai., ano ba naman 'tong mga tao sa paligid ko., ang dadrama.. sinabi na kaseng hayaan lang ang mga nangyayaring mangyari eh para di masaktan.. pati si Beast di ko alam ang tunay na nararamdaman nun eh., wag na kaseng pilit na gumawa ng isang bagay o mga bagay kahit sabihin pang for the good., ang buhay ng lahat ng tao, kanya-kanya man eh isang librong tapos na., ibahin mo man ang mga scenes sa mga decisions mo, ang point at ending, yun parin.. yan ba ang gustong iparealize saken ni Quin? na kelangan ako ang nagpapaikot sa mundo ko? eh mas lalo kang masasaktan kung ang dami mong gustong mangyari taz di naman pala meant., frustration lang makukuha mo niyan., bakit ba kase may complications pa sa karamihang bagay? para lang ba may thrill ang buhay?,. o para lang mahirapan ang tao? buti pa ang wind, free to blow.. ang rain, free to fall.. ang waves, free to roar., ang tao, bat di free to love nang hindi nasasaktan? kahit ano pa mang klaseng love yan.. siguro kaya may mga complicated pa munang bagay para mafeel na achievement pagka malagpasan., kase kung smooth lang lahat., two minutes lang ang isang movie na dapat two hours..

END OF THE FOURTEENTH CHAPTER...

Colors and LinesWhere stories live. Discover now