LineColor24

15 1 0
                                    


ARRA's

Pagkalabas ko sa banyo., mas naaligaga na ako kung anong isusuot ko., magshishirts ba ako o pants? blouse o t-shirt? magsasapatos ba ako o tsinelas lang? teka, magpupulbo ba ako? magpapabango? aaah!. ewan!. kase naman.. ano namang ginagawa ng Quin na yan dito..sa bahay!. panu niya nakilala si Annika? tsk! mas weird kung aabutan pa ako ng ilang oras dito kaya nagpambahay lang ako pero nag-spray rin ako ng konting pabango., ewan., ngayon lang ako na-rush nang ganto..aaah! ewan talaga..

Sa back door ako dumaan, panay ayos parin ako ng buhok ko., tsk!. parang di ako to., nakita ko siyang nakaupo na sa swing., so umupo na rin ako sa katabing swing., nagulat ata siya kase ineexpect niya siguro na sa front door parin ako lalabas., ngumiti lang ako't.,

"hi,. napas...yal ka?"

wala akong maisip na matino sa sobrang kaba ko., bakit naman daw kase? eh dati na rin kaming nag-uusap at nagkakasama., pero ang awkward kase talaga ng atmosphere..

"ahm,. actually, aksidente lang din., hindi ko naman talaga alam yung bahay niyo.. napadpad lang ako dito't yun., nahuli ni Sam."

at ngumiti siya so nafeel kong tinatry niya ring iignore yung awkward na hangin., so napa-"aah" lang ako..katahimikan hanggang,

"Arra, sorry sa lahat..sorry na nasaktan kita., napaphirapan kita., and sorry if gusto kita.. yun pa ata yung mas nakakapagpagulo sa sitwasyon eh,. pero hindi ako titigil hangga't di kayo nagkakaayos ni Kathee., at hindi ko rin hahayaang mas lumalala pa lahat."

ako rin., yun din ang gusto kong mangyare., ngumiti lang ako't,

"hindi mo naman yun kasalanan., wala rin namang may gusto ng pangyayare., slowly, evetually, totally,. maaayos ang lahat., wala namang permanente sa mundo eh.."

napansin kong umaliwalas yung mukha niya't,

"thank you Arra., mejo gumaan na ang pakiramdam ko ngayong okay na tayo., salamat sa pagiintindi."

ngumiti lang din ako., ayoko ng drama., ok lang kami ni Steve, ok lang din kami ni Quin, si Kathee lang naman talaga ang inaalala ko.,

Biglang umambon at lumakas yung hangin kaya,

"aah, tara sa loob?"

offer ko..

"ahm ok lang ba?"

tanong niya, tunago lang ako..

sa sala lang kami., nagprepare lang din ako ng hot and spicy noodles., bagay sa panahon eh., tas yun, kwentu-kwentuhan., kahit awkward naman talaga., pigil maging fun kase yung sitwasyon nga., nang biglang dumating si Steve at si... Kathee? napa-angat nang slow-mo yung ulo namin ni Quin,. pero bumoses si Steve ng,

"ayoko nang mag-antay sa tadhana eh., gusto ko ako na yung gumawa ng tadhana.."

meaningful yung mga bibitawan niyang salita., ngayon na siguro yung panahong hindi man maayos, at least, malinaw ang lahat.. bale yun, ako at si Kathee nakaupo sa magkatapat sa pangsolong sofa,. si Steve at Quin magkatabi sa mahabang sofa., malapit sakin si Quin, malapit si Steve kay Kathee., si Beast ulet ang bumoses,

"nandito tayo ngayon para ayusin at linawin ang nangyayare,. hindi lalo pa itong palabuin.. so sana wag pairalin ang emosyon kahit na yun naman talaga ang sentro dito., ako, technically, sabit lang sa problema., kayong tatlo ang dapat na magkaayos, lalo na kayong magkapatid."

nakita kong naluluha na si Kathee pero,

"okay, I'll be the one to start."

sambit niya,

"Firstly, I wanna say sorry sa'yo...Arra."

parang tumigil sa pagtibok yung puso ko nang binanggit niya pangalan ko at tiningnan niya ako sa mata..mga titig na hindi ko maiexplain,. wala nang galit pero malungkot parin.

"sorry,. if sa'yo ko naivent out lahat., lahat ng galit ko sa nangyayare, sa mundo, sa sarili ko.. yung fact na Quin cannot love me back the way I wanted...tapos ikaw, mahal niya nang ganun.."

yung boses niya breaking na dahil sa luha't emosyong pilit niyang pinipigil., lumuluha na rin ako,.

"yung fact na ikaw din yung kaagaw ko sa love ni Daddy., pati kay Steve ,ay part ka., bakit ikaw lahat? bakit? sorry.. I've been so possessive., pero hindi mo kasalanan na mahalin ka nila., kasalanan ko kase madamot ako., I'm not saying na these scars, na ako lang din naman ang cause, are fully healed but someday I know it will.. will you forgive me?"

ako na yung lumapit sakanya't yumakap., sorry siya nang sorry pero pinatatahan ko na siya kase hindi naman niya kasalanan lahat yun., kanya-kanya kami ng kamalian.

Mahalaga pa ba kung sino ang tama o mali? yung inosente sa may kasalanan? hindi na.. mabilis lang yung mga pangyayare.. hindi naman lahat kelangang pahabain.. ang importante okay na kami ni Kathee., ni hindi na nga naging importante pang marinig yung side ni Quin., maliwanag na yun eh., ayaw lang tanggapin nung una., pero wala nang halaga ang nakalipas., yung ngayon, yung bukas at mga makalawa.. ansarap sa feeling na okay na kami ng kapatid ko,. hindi nasira yung pagkakaibigan namin ni Steve at balang araw mas makikilala namin ni Quin ang isa't-isa., salamat sa lollipops, sa ulan, sa bike, sa words, sa silence, at sa kung ano pa man., salamat.

END OF THE TWENTY-FOURTH CHAPTER...

Colors and LinesWhere stories live. Discover now