LineColor9

15 1 0
                                    


QUINN's...

So it's a new day!. but as usual alarm ko yung tawag ni Kathee.,

"good morning hon,. all set na tayo for later.."

"later sa?"

gawsh!. don't tell me you forgot nanaman?"

"ang?"

"that's why you need me in your life talaga.. it's your 21st birthday hon,. happy birthday!! I love you, I love you, I love you.."

"luh,. di na ako aware sa date.. thanks Kathee.. ikaw nanaman mag-oorganize ng party?. di na tayo bata, may party pa."

"of course hon, parties are not just for kids..it's a celebration., and tonight I'll organize the party of the most awesome man alive!. hihi.."

"ai naku Kathee., ok ok.. basta make sure hindi mawawala ang mushroom sa lahat ng iseserve.,haha!"

"hon! can you make awa naman for us?. what if we all turn like kabutes?..hehe.."

"haha.. sige na,. see you nalang sa school."

"okay,. I love you!"

"sige, thanks!"

After kong maihatid si Kathee sa room niya, lakad narin ako papuntang building ko., at ayun,. nasilayan ko si Arra.. tamang-tama, gusto ko talagang mag-sorry sakanya.. mejo nataasan ko siya ng boses eh.,

"ah, Arra."

sumimangot na agad siya nang makita niya ako.,

"Arra, sorry nung isang araw if napagtaasan kita ng boses..nagalit lang talaga ako.."

patuloy lang yung paglakad niya kaya effort ako mag-catch up habang sinasabi ko yan.,

"Arra.."

I gently grabbed her elbow para naman tingnan niya ako., tiningnan niya naman nga ako pero yung parang kakainin ako, kaya napabitiw nalang ako.,

"sorry.."

umirap siya't,

"kalimutan mo na yun., just don't do it again..no, don't bother me or ever show your face to me..okay?"

aalis na sana siya pero this time kahit tiningnan niya ulit ako ng masama, hinawakan ko na talaga siya sa braso.,

"Arra naman, kahit hindi tayo friends, ayoko namang galit kang ganyan.."

"that's exactly my point, we're not even friends, pangalan lang ang alam natin sa isa't-isa kaya it won't change a thing kung di ka na ulit magpapakita sakin.."

"panu kung ang meant eh magkita tayo araw-araw?"

"tigilan mo na ako please.."

"panu kung magkasalubong tayo lagi?"

"hindi kita titingnan.."

"panu kung magkabunggo tayo?"

"anu ba?"

"sagutin mo lang Arra."

"hindi ko alam, ako ang iiwas kung ayaw mo."

"there.. I'm happy that you got my point., take the wheel of your life Arra..drive safely.."

"ewan ko sa'yo."

"I just wanna be your friend Arra."

"ankulet mo!"

pero nakikita kong hindi na magkasalubong yung mga kilay niya..good sign.,

"birthday ko pala ngayon..invite sana kita sa party ko mamaya.."

nag-tss lang siya nang parang too-old-for-parties-dude pero sumagot siya,.

"much I want, frieeend..may nauna na akong commitment mamayang gabi..happy birthday nalang sa'yo."

taz tumalikod na siya., pero ano daw? friend? napangiti nalang ako..ok lang kahit di siya maka-attend ng party ko, gift of friendship naman yung regalo niya..

Party na.,tss., ampanget sambitin ng 'party'.. parang may balloons and clowns., tsk!. basta ayun.. kumpleto ang barkada..pero marami din naman yung ibang tao., pati kase sina Ma at Pa, nang-invite din ng friends..parang gathering lang..basta I know you get the picture na..ang gugulo ng tropa..nung ng cheers for 21 years, natapunan ako ng wine,. ang likot kase ni Gab, hyper nanaman., umakyat na muna ako sa kwarto.,alangang pag-start ng program dugyot ako.,

Sa C.R.,

"hai, sa wakas, may tahimik nang lugar.."

may nagsalitang babae., pagbukas ko ng shower door,. si... si Arra?. anung...?

"aaah!." napasigaw siya, "anung ginagawa mo dito?"

"ah, hello Arra..bahay ko 'to., kwarto at CR ko rin.,hehe..ikaw, anung ginagawa mo dito?.kala ko..."

"ikaw yung celebrator?.hai.. naghahanap lang kase ako ng tahimik na lugar..ikaw?.party mo, andito ka.."

"ah., ankukulet kase kanina., natapunan lang ako ng wine kaya nagpalit lang."

"speaking of palit., magbihis ka na nga muna..." nagbublush ba si Arra?."...I mean, bahala ka na nga sa buhay mo,. labas na'ko.."

haha..tsk., topless pa pala kase ako., nadistract ata sa abs ko., HAHA., kaya sinuot ko na yung shirt na gift ni Kathee.,para naman matuwa..at.. anjan pa pala si pala si Arra., humarap siya't.,

"ah, Quin,. ayaw bumukas ng pinto?"

"ha? nilock mo ba?"

"ah, kanina?"

"naku, sira kase yan eh.."

"so anung ibig mong sabihin?

we're stuck here forever?"

"hindi naman forever..wala namang ganun., hanggang magkatao lang.,"

"ha? paano? eh nageenjoy sila sa baba!"

"cool ka lang., party nga di ba., at hindi mo kilala mga kaibigan ko., manggugulo at manggugulo yun., lalo pa't nawawala ako sa paningin nila.."

nag-cross arms lang siya't sumimangot na naman., pero maya-maya lang may narinig na kaming bumukas ng pinto sa kwarto., kakatok na sana kami para mapansing nalock kami sa CR., pero parang nag-aaway yung pumasok., babae't lalake.,teka., familiar yung boses ah., Kathee?.

END OF THE NINTH CHAPTER...

Colors and LinesWhere stories live. Discover now