LineColor11

10 1 0
                                    


QUINN's...

Kathee?

"hanggang kelan ka magtitiis, ha? todo effort ka sa lahat ng bagay,. pati dito sa party na 'to,. naaappreciate ka ba? minamahal ka na ba?. mamahalin ka ba?"

"Steve, anu ba? wag ngayon, wag dito!"

Steve?. sinong Steve?

"di ka ba napapagod? ako, pagod na pagod nang tingnan kang binabalewala ng taong mahal mo."

"pagod na rin ako Steve...*sob*...pero umaasa parin akong balang araw mamahalin niya ako.."

umiiyak na si Kathee?

"Kathee.."

sambit nung lalake

at katahimikan..at katahimikan pa..nagulat lang ako nang may nabasag..nahulog yung vase..si Arra,. parang wala sa sarili kaya nasagi yung vase., teka, nasugatan siya,. bigla nang bumukas yung pinto..si Kathee at yung Steve.,teka, pamilyar siya sakin,.

"Quinn?!"

gulat na tanong ni Kathee

"Belle?!"

tanong din nung Steve

tama., siya yung napagkamalan kong boyfriend ni Arra., awkward silence for a moment,. nagtinginan lang kaming apat., nagramdaman.. nang biglang pumatak ang luha ni Kathee at Arra..hala, bakit?. ano bang nangyari?. biglang hinila nung Steve si Arra palabas ng CR at palabas na ng kwarto., susundan ko sana kase nga dumudugo na yung paa niya,. pero si Kathee., umiiyak na talaga., kaya lumabas na ako sa CR at pinaupo ko sa couch at umupo na rin ako., hinimas ko lang yung likod niya para tumahan na., hindi lang muna ako kumibo o nagsalita..pero,.

"Quinn, sorry...*sob*...sorry.."

"tahan na muna,."

at yun,. sinadya niya nang tumigil umiyak..ang ganda niya parin., even in the worst situation,. pinilit niyang magsmile..

"sorry kase umeeksena ako sa dapat masaya mong party.."

"ok lang,. mas importante ang puso mo kesa sa party na 'to o kung sa ano pa man..kaya maghihintay lang ako kung kelan mo gusto o kung kelan ka handang magkwento sa mga pangyayari ngayon.."

nagsmile lang ulet siya..nang pilit..

"alam kong hindi ka magtatanong..." sabi ko, "...pero mag-eexplain parin ako., yung babae sa CR kanina, si Arra yun..kakilala ko..pero hindi ko alam ba't siya andito., at nalock kami sa CR..aksidente.."

"Quinn, wala kang dapat iexplain kase alam ko namang wala kang gagawing ganun.. pero ako, ako ang dapat mag-explain pero di muna ngayon.,naiintindihan mo naman di ba?"

tumango lang ako..

mga ilang sandali lang., dumating na sina Marion at Lois.,

"kanina pa kami hanap nang hanap,. nandito lang pala kayo., magsastart na.."

sabi ni Marion

Si Lois tiningnan lang si Kathee at nilapitan,.

"ok ka lang?"

ang girls talaga., ang tindi ng pakiramdam., inakbayan ako ni Marion at,

"you have all the time in the world para makasama si Kathee., bigyan mo naman kami at ang ibang tao ng time.. kahit ngayong birthday mo lang., araw-araw mo na siyang kasama eh.."

nginitian ko lang ng parang 'ewan ko sa'yo'.. the party went on as planned., nawala na si Arra at yung Steve sa paligid..I and Kathee acted as if nothing strange happened.

Eventually, isa-isa nang nagsiuwian yung mga tao as the party ended., kahit sina Ma't Pa, nagrest na rin.. may mga commitments pa yun the following morning eh., I insisted na rin sana na ihatid ko na si Kathee pero magpapasundo na lang daw siya since lahat naman daw kami eh pagod., so yun I just said goodbye and thanks with a hug..ang lungkot parin ng mukha niya..while I was trying to sleep,. napa-ponder ako (ang bakla! anu ba kase tagalog ng 'ponder'? haha) anu ba ang nangyari kanina? even in short minutes, anggulo!. nakakapagpabagabag.. ba't sila umiyak? ba't sila nagulat? anung rason?. si Kathee kahit nakikita ko na rin siya dating umiiyak-iyak eh iyak-iyak lang na cute taz minsan pa-cute., yung hindi hinahayaang pumanget siya dahil sa tears,. pero kanina, maga yung mata niya..dahil sa hindi napigilan yung sobrang pagpigil., ako na naman ba ang dahilan?. Kathee naman.. wag mo nang hayaang masaktan ka dahil sakin., tsk!. anu ba naman kase Quinn!. at si Arra., si Arrang walang pakialam sa mundo, umiyak? dahil kanino? bakit, paano? aaah!!. it's driving me nuts!

The next day, tinawagan ako ng yaya ni Kathee na wag na daw sunduin si Kathee kase inaapoy daw ng lagnat., so I just decided na wag na ring pumasok., pinuntahan ko si Kathee..sa kwarto niya, nilapitan ko't hinawakan ang kamay pati noo,. ang init nga., tsk!. anu bang pinaggagagawa nito sa buhay niya?. kahit tulog na tulog, ang lungkot pa rin ng expression ng face niya,. kahit sa paghinga niya,. hai naku naman talaga!. pumasok si yayang may dala-dalang gamot,. taz nilapag niya lang sa table..

"buong magdamag lang po umiyak si Miss,. kaya nga po siguro nagkasakit.."

"ganun po ba? sige po,. ako nalang po bahala sa kanya.."

maya-maya pa't nagising na siya,. pero the moment she opened her eyes and saw me,. naiyak nanaman siya,. so I just hugged her.,

"Kathee, tama na.."

"Quinn, sorry...*sob*..." panimula niya habang nakatungo,. "...nagkakagusto na ako kay Steve...*sob*... pero ayoko, ayoko siyang mahalin..kase umaasa parin ako.. baka kung kelan mahal ko na siya...*sob*... that's the moment na marealize mong mahal mo pala ako., ang that's...*sob*... that's the grandest dream I ever wanted to happen.."

at tumingin siya sakin.. ang mga mata niya puno ng mga luha., luhang dahil sakin..hindi ko alam kung anong nararamdaman ko o ang gusto kong maramdaman..nakahawak lang ako sa kamay niya., at ang nasabi ko lang eh,.

"Kathee.."

END OF THE ELEVENTH CHAPTER...

Colors and LinesWhere stories live. Discover now