ARRA's...
Di na ako pumasok ng hapon,. kaya ayoko at hindi ako umiiyak kase mabilis mamaga ang mata ko..umuwi na ako., ang kwarto ko lang ang tanging lugar sa mundo kung san ay pinakatahimik para sa isipan at puso ko..hai.. ilang minuto pa ang pinalipas ko para maubos at matuyo ang mga luha kong dahil sa Quin na yun,. pero siya nga ba ang dahilan o dapat ko siyang pasalamatan dahil, oo na, may naparealize siya saken?
Si Kathee.. konektado sakanya si Kathee., mas lalo kong dapat iwasan si Quin..una, dahil storbo siya sa pinatatahimik kong buhay..pangalawa, kilala niya si Kathee.. sino nga ba si Kathee?. Kathee Leanne Sanchez.. kapatid ko.. oo, magkapatid kami.. sa labas nga lang ako.. aware siya sa existence ko at alam ko din kung sino siya pero di kami magkakilala.. more like ayaw naming kilalanin ang isa't-isa..hindi ko pa siya nakikita., gusto ko siyang makita., pero mas mabuting hindi.. para hindi ko lalong kaawaan at kamuhian ang sarili ko..siya?. wala rin siyang interes malaman kung sino ako.. at MAS makabubuti yun..pero ngayon, natatakot ako..feeling ko mas malapit lang siya..pakiramdam ko malapit na yung panahon na magkikita kami..pero hindi.. hindi pwedeng makilala niya ako..ayokong ipamukha niya sakin na isa akong kasalanan..
*ewan., hindi ko alam.. pero ang gusto ko lang sanang marealize mo., na ikaw dapat yung nagpapaikot sa mundo mo hindi yung hinahayaan mo nalang na basta umikot ito..*
narinig nanaman ng utak ko ang mga katagang yan.. kung hahayaan ko lang umikot yung mundo ko, baka magkita na kami ni Kathee at dumating ang panahong kinatatakutan ko.. kelangan ko na kayang paikutin ang gulong ng buhay ko sa paraang gusto ko?. Quin,. bakit kase kahit wala ka naman talagang relevance sa buhay ko., nagawa mong guluhin lalo?. aaah!. brace yourself Arra..hindi totoo ang nightmare..hindi mangyayari yang mga iniisip mo., di ko namalayang nakatulog na pala ako,.
Nagising ako nang mga 6pm,. yung mga mata ko., maga parin sa iyak at tulog..pero kumakalam na ang sikmura ko., pagbukas ko ng ref, walang lamang pwedeng makain agad..ayoko namang magluto..besides the fact that I don't know how.. off pa naman si Tiya., labas na nga lang ako.. pagkalabasko, andun si Beast..sinuot ko nalang yung cap ko at tinaas ang hood., nagHI ako sakanya pero tinatago ko yung mata ko..
"san ka?"
tanong niya
"kaen lang sa labas."
sagot kong hindi nakatingin sakanya
"pwede sumama?"
aah, please, wag ngayon
"ah, sige..."
mas kelangan kong mag-explain pag di ako pumayag eh., hindi naman sa required ako., pero alam na ang friends,. hindi ka titigilan hanggang di ka magsabi.,
Habang kumakain,.
"problema?"
tanong ni Beast
"wala.."
"ba't mo tinatago yang mga mata mo?"
"maga.."
"ba't maga?"
"wala.."
"ba't maga."
nakatatakot yung tanong niyang parang utos
"nasobrahan lang sa tulog."
"tulog?"
"tss..argh..oo na,. nanuod ako ng Korean Drama."
kahit anung tago ko ng mga mata ko, kita niya parin..kahit anung sinungaling ko, alam niya.. pero tumawa nalang siya para kunyare naniwala siya sa alibi ko.. after naming kumain, sabi niya..
"kaya pa?"
"huh?"
"pizza?"
"with extra cheese?"
nabuhayan na ako eh.. ang ganda ng pag-uusap namin noh? puro tanong, walang sagot, pero alam..
"ayan..eh di maaliwalas na yang mukha mong pangit, hahaha!."
"haha."
sarcastic kong tawa pero,
"thanks Steve..."
tiningnan niya lang ako't nagsmile.. Steve talaga palayaw niya.. sa Steven., alBEE STeven, kaya Beast., sa BEEST., Belle ako eh., biruan lang yan nung bata pa kami at asaran na rin hanggang sa nasanay na..ang kaibahan lang daw eh,. si Beast pangit., siya daw gwapo,. si Belle daw maganda, ako daw hindi.. eh sa wala naman akong pakialam., haha.. ayan, ok na talaga ako.. nakatatawa na oh?.hehe.. lakad lang ulet kami pauwi.. mejo super busog ako eh., pero pa-icecream parin..
Kung may gusto man akong baguhin sa buhay ko, yun ay ang maging anak ni Papa,. pero kung may sasadyain man akong mangyari, yun ay ang maging kaibigan ni Steve.. we're not the sweet friends that say I love you, take care, or anything.. we're not the hugging friends nor the really close friends., we're just the cool friends..yung alam na anjan for you kahit hindi sabihin., he's a good friend..sana nagiging mabuting kaibigan din ako sa kanya..
Nang nakarating na kami sa kanya-kanya naming gates,
"just tell me when you're ready."
"ha?. ah., mm.."
sagot at tanong ko..
we just smiled each other good night.. mejo late na rin eh., parang ang bigat ng araw na 'to., inulan na naman ako ng mga masasakit na katotohanan..buti nalang may pizza, icecream, at Beast..hai.. yung aking buntong-hininga di ko alam kung dahil sa sobrang busog ako o dahil nakahinga na ako.. at sumagi na naman bigla sa isipan ko si Quin., sa laki ng university, ba't ba palagi ko yung nakikita., please Quin, wag kang pumasok sa buhay ko..
END OF THE EIGHTH CHAPTER...
YOU ARE READING
Colors and Lines
Teen FictionPainting colors and chaining up broken lines make this dull world magical...