ARRA's...
Ano ba yan,. nabother naman ako sa drama ni Beast kagabi.. gusto ko siyang tulungan., siempre kahit papano kaibigan ko yun., kaya lang di naman ako ganung klaseng tao., yung pakialamera.. I let fate take the wheel di ba?. Since ang fate naman talaga ang nangengealam sa buhay ng may buhay..kaya lang panu kung maging totoong beast yun dahil sa depression?.haha.. na-curious tuloy ako kung sino yung babae,. mahal din daw siya eh., so kilala siya., kaibigan din siguro?. hmm..
Pagkalabas ko ng gate, andun na si Beast.
"oh, ang aga ah? Good morning!"
bati ko
ngumiti lang siya..naku! panu ba magpangiti ng tao? yung totoong ngiti., kinibit-balikat ko nalang., hindi naman ako yung mausisa., di rin naman siya yung super makwento lalo na yung ganyang mga bagay..tsaka umagang-umaga dadrama na agad? naglakad lang kami sa katahimikan papuntang terminal,. naghiwalay kami pagdating sa Univ gate., and yun, my exciting day began and went on., nag-enjoy ako sa mga activities ko sa tatlong subjects ko today.. ambilis nga lang ng oras., lunch na agad..
Pumila na ako., tahimik lang.. ganun naman talaga ako eh., utak ko lang ang maingay., minsan nag-iingay ako pero sa bahay lang., sa kwarto., pag anjan si Beast., basta., anyway., humanap na nga ako ng bakanteng table sa sulok ng canteen., may nanggulo parin.,
"hello, pwede?"
si feeler nanaman
"mm"
sagot kong 'oo'., nakatatamad sayangin ang laway ko sakanya.. pero ganun na nga ang response ko, may naidugtong parin siya.,
"may napansin pala ako kanina.. parang kulang yung naisukli sa'yo ni Manang..di mo ba talaga binibilang ang sukli sa'yo?"
"nakatatamad..tsaka.."
"if meant, meant. ganun?"
sabatero 'to ah! sapatusin ko kaya 'to? asar!.
"oo, kung sobra, good for me.. kung kulang, good for whoever."
"adik ka talaga.."
kinibit-balikat ko nalang., anu ba isasagot kong tinawag niya akong adik? patulan ko eh hahaba pa ang daldal nitong baklang 'to.,
"'S' talaga ang Sanches mo?. I mean yung last letter?"
"tingin mo?"
"malay mo, typo."
di ko na sinagot
"'S' ba talaga yan, o nagkamali lang at pinangatawanan mo nalang?"
he was referring to my name., nakatingin sa ID ko eh.,
"hai.," bwisit."...oo na, nagkamali lang yung pagregister sakin nung bata pa ako."
end convo na nga ako., lagi at lagi paring may idadagdag.,
"ayun,. cool din., so 'Z' talaga yan?"
aaah!. nanggigigil na ako!. tiningnan ko lang siya ng pwede-ba-tumahimik-ka-na-kung-ayaw-mo-pang-mamatay look., kaya natahimik na't sumubo na ng parang 'sorry, nagtatanong lang.'..pero wala pa ngang isang minuto, nagsalita nanaman siya.,
"ikaw lang yung Sanchesss? may mga kakilala ka pa bang Sanchezzz?"
"bukod sa pamilya ko, wala."
"ah, so di mo kilala si Kathee? Kathee Leanne?"
natahimik ako't walang naisagot..kaya umiling na lang ako., di ko nga ba siya kilala? o ayaw ko lang kilalanin..gugustuhin ko ba siyang kilalanin o mananahimik nalang., nakalutang nanaman yung utak ko kaya di na ako aware sa paligid., nagising na lang ako ulet nung natapunan ako ng tubig., kaya nagulat ako.,
"owmaijii..sorry Arrs."
si Erika..
"ok lang Eri...ka.."
"sorry talaga Arrs ah?"
tumango lang ako., ayoko nang magulo pa., kaya tumayo na ako at naglakad palabas.. di ko alam na nakasunod pa pala sakin si Quin.,
"hinahayaan mo lang na ginaganun ka?"
hindi ko alam kung ano nararamdaman ko o ang dapat kong maramdaman..halo-halo na eh..wala na akong ganang makipag-away.,
"di naman niya sinasadya.."
"nakita kong nagtatawanan sila after nun.."
"hayaan mo na.."
"hayaan? baliw ka ba?"
ang sikip na ng dibdib ko.,
"kung meant akong mabuhusan ng tubig,. meant yun.."
para tumahimik na siya..
"wag mo nanamang gawing rason yan.."
"bakit ba?"
gusto ko sumigaw pero walang volume na lumalabas., naluluha na ako,.
"makinig ka ok, I may be the strangest stranger to you and I'm really out of this.,pero hindi lahat ng bagay meant.. porket nangyari na once eh hahayaan mo nalang mangyari paulit-ulit kase meant.,hindi ganun ang buhay Arra.."
"anung gusto mong gawin ko, buhusan ko rin siya ng tubig?"
naiiyak na talaga ako.,
"ewan., hindi ko alam.. pero ang gusto ko lang sanang marealize mo., na ikaw dapat yung nagpapaikot sa mundo mo hindi yung hinahayaan mo nalang na basta umikot ito.."
at tumalikod na siya., pumatak na rin ang luha ko., pero agad kong pinunas., wala siyang karapatang pagsalitaan ako ng ganun., wala siyang alam sa buhay ko., wala siyang alam!. But for a moment,. I realized., it's been a while na din pala since I shed bitter tears., Should I thank you Quin?. napangiti ako nang saglit pero hindi ko alam ang rason kung bakit.. tumakbo nalang ako papuntang rooftop at inilabas lahat ng luha ko., pero hindi naman ako sumigaw.. drama ba 'to?.hehe.. masyado nang madumi ang mga pigil kong luha.. kelangan na nilang pumatak at dumaloy nang mawala nang tuluyan.. para kanino ang mga luhang yan?. hindi ko alam..
Si Erika, best friend ko nung elementary hanggang nag high school kami., pero sa di ko siguradong rason, bigla nalang umiba yung treatment niya sakin., naiirita nalang siya pagka nakikita ako., then I knew, she hated being second from me., sa lahat ng bagay akala niya talo ko siya o nakikipagcompete ako sakanya., kahit anung explain ko, wala.. much more so nang malaman niyang anak ako sa labas.. naibuhos niya sakin lahat ng galit niya sa kapatid niya sa labas na naging dahilan ng pagkasira ng pamilya niya at hindi ko na alam kung may mas mabigat pa siyang dahilan..mula noon, ayoko nang may nadidikit na tao sakin.. ayoko nang may nalalapit sa puso ko., ayokong mag-explain..ayokong maki-argue.. ayokong makipaglaban..kung ano ang nangyayari, yun ang nangyayari..
END OF THE SIXTH CHAPTER...
YOU ARE READING
Colors and Lines
Teen FictionPainting colors and chaining up broken lines make this dull world magical...