QUINN's...
Two weeks na yung nakalipas simula ng insidenteng yun., di sinasagot ni Kathee yung mga tawag o text ko.. di rin ako pinapapasok sa bahay nila.. ayaw talaga makipag-usap saken..si Arra.. di ko na rin nakikita..hai.. gusto ko nang magkaayos sila..pero, pano? eh dahil saken kaya sila mas lalong nagkagulo.. buti nalang birthday ni Marie sabay monthsary din nila ni Ivan.. Skype time sa bahay ni Juhwand.. kumpleto barkada kaya makakausap ko si Kathee..napaaga ako since wala naman akong pasok.. si Juhwand, Gwyneth at Ivan palang ang nandun.. maya-maya..dumating narin sina Marion at Lois na tila may LQ,. anung ganap?.
"oh, anung mukha yang dala mo, Lois?"
tanong ko
"ewan ko jan sa kaibigan mo!"
sabay lapit kay Gwyneth at sila na nag-usap sa may kitchen
"ano nanaman ginawa mo?"
tanong ni Juhwand kay Marion
"ewan..di kase nakikinig..ang kitid ng utak.."
inis na sagot ni Marion habang diretso lang sa ref para kumuha ng maiinom,. di na nga pinansin yung dalawang babae dun,.
"oi, tumigil kayo ha., araw ng VanRie ngayon.."
sabat ni Ivan na inaayos na yung equipment..kaya tumahimik nalang din kaming tatlo sa couch..ilang saglit at dumating na rin sina Gab, Aiana't Kathee..sakto rin sa call ni Marie.. kaya start na.. bati-bati.. kumustahan..kwento.. and the like., pero napansin parin ni Marie yung panget na ambiance,.
"anung nangyari sa MarLois? ba't parang iba aura ng faces niyo ngayon?"
konting katahimikan muna..hanggang bumoses si Lois,
"yan kaseng kaibigan niyo... may babae.."
"sinabi na ngang hindi ko babae yun.,ilang beses ko ba dapat ulitin yan para tumigil ka?"
so sabay-sabay din yung saway namin.. si Lois, naluluha-luha na..
"naku naman guys," boses ni Marie, "ngayon pa ba tayo magkakaganto? eh kilala na nating lubusan ang isa't-isa ah.."
"yan..yan ang sinasabi ko jan.." inis na sagot ni Marion, "ngayon mo pa talaga ako pagdududahan?"
"eh kung pinoprove mo saking tama ang pagkakakilala ko sa'yo..hindi yung parang mali.."
naluha na talaga si Lois., kaya todo comfort yung girls.. kaming boys, tahimik lang..
"di mo lang ako boyfriend Lois, kaibigan mo rin ako.. mahal kita, alam mo yan.."
"mahal din kita Marion, kaya ayokong paniwalaan 'to."
ok..andrama na talaga nila., pero kyut din naman..
"hay, naku.." sabi ni Gab habang pinapatayo si Marion at itinutulak palabas, "..pag-usapan niyo nga yan!"
yun din ginawa ni Aiana kay Lois, sabay sabi kay Gab,
"kaya ikaw, wag mo akong pagdududahin kung ayaw mong ideflate kita.."
"di ko naman gagawin sa'yo yun Aiamailabs.."
tawanan tuloy kami..etong GabIana talaga kenkoy dito eh.. nag-uusap na sina Marion at Lois sa garden.. magiging ok na rin yan mamaya.. balik kami kay Marie..kaya lang nagsalita si Kathee..sa hangin kunyari..
"buti pa si Marion, di totoo.. si Gab, di gagawin..nahiya ako sa ibang tao jan.."
kaya napatingin sila sakanya, ako lang yung hindi lumingon, alam ko namang ako yung tinutukoy niya..pero napatanong si Marie..
"baket? may babae agad si Steve?"
"naku, hindi! hinding-hindi si Steve.."
sagot niya..sabay tingin sakin..kaya nabaling din ang tingin nila sakin..
"Kathee.."
yan lang nasambit ko..
"bakit Quinn?. brineakan mo ako dahil sakanya hindi ba?. totoo naman di ba?"
"linawin natin ang 'totoo' sa 'hindi'.." at dramatic pause muna.. "..totoong gusto ko si Arra..pero hindi totoong dahil sakanya kaya tayo nagbreak.."
nagsmirk lang siya tumawa nang kaunti..kasama yung shoulders at mata niya..basta yung ganun.. di ko alam kung pano idescribe..ibang-iba Kathee yung nakikita ko..
"so you expect us to believe that??"
bago pa ako makasagot..napatanong si Ivan,
"teka, teka.. Arra?..yung kapatid..."
pero di na ni Kathee pinatapos yung tanong,
"yes, Ivan..yung anak ng kabit ni Daddy..kaya nakikikabit rin.."
di ko na napigilan sarili ko..napatayo ako't napasigaw,
"tumigil ka na Kathee!. ikaw pa ba yan? parang hindi na eh.. kinakain ka na ng emotions mo.. hindi mo ba naisip na baka ikaw yung dahilan kaya tinigil ko na? three years, Kathee.. three years akong pigil at pilit sa mga nararamdaman ko..kase ayokong masaktan ka.. lahat ng gusto mo, sinunod ko yun.. masaya naman ako kase nga di ba mahal din kita.. pero kay Arra ko lang naramdaman yung freedom to feel whatever I want to.. kaya please wag mo sakanya isisi yung kasalanan ng parents niyo, lalong-lalo na ang nararamdaman ko.. sorry Ivan, Marie..kung nasira ko araw niyo..pero.. sorry."
at lumabas na akong bahay.. di ko na pinansin kung umiyak pa ba siya o ano..first time ko siyang mataasan ng boses..o sila.. wala naman kase talagang kasalanan si Arra.. ako lahat ang may kasalanan dito.. dapat hindi ko pinaasa pa si Kathee na balang araw magagawa ko rin siyang mahalin.. bakit kase sa lahat ng magugustuhan ko, si Arra pa.. ang taong hinding-hindi matatanggap ni Kathee.. ano ba ang hindi matanggap ni Kathee? na si Arra yung minahal ko? o kase minahal ko si Arra? aaah!. anlabo!. bakit kase? ba't kase ako ang naiipit dito? akala ko kase all along si Kathee na talaga.. kase mahal ako at pinipilit ko rin siyang mahalin and ineexpect ko nang siya na yung mamahalin ko.. and it came out to be wrong.. natuto nga akong magmahal pero hindi sakanya.. at parang sa maling tao pa.. pero hindi rin.. panget ang sitwasyon pero ang tama lang ng nararamdaman ko.. disturbed lang ang utak ko..pero ang gaan lang sa puso.. kaya lang.. haii.. ang hirap parin.. ako, si Kathee, si Arra, si Steve, ang tropa.. apektado lahat.. dahil lang ba nagmahal ako? hindi ba kase kapanipaniwala yun? o hindi lang inaasahan? at pumatak nanaman ang ulan.. pagka sunny, si Kathee yan,. maraming pwedeng gawin..pwedeng puntahan., masaya..pero katulad lang ng araw., masakit sa mata, masakit sa balat, masakit sa puso.. pero pagka ulan, si Arra yan., usually, ang ulan melancholic, gray..pero dahil sakanya., parang masarap sa mata at feeling ang dating ng ulan.. she gave COLORS to my dull world..
END OF THE TWENY-FIRST CHAPTER...
YOU ARE READING
Colors and Lines
Teen FictionPainting colors and chaining up broken lines make this dull world magical...