LineColor7

12 1 0
                                    


QUINN's...

Sa sobrang badtrip ko sa kakaibang moment na yun,. nagpalamig muna ako ng ulo sa bahay ni Juhwand.. sarili niya kase ito., regalo sakanya ng parents niya nung himalang nakagraduate siya sa highschool sa tamang oras sa kabila ng katamaran niya.. lahat sa tropa may access sa bahay niya pero since good boy ako, ugali ko nang magpaalam.. gita-gitara lang muna.. wala pang isang oras yung tambay ko eh anjan na sila..oo sila,. ang tropa.. si Juhwand at Gwyneth, Marion and Lois, Gab at Aiana, at sina Ivan and Kathee.. according to pairs pa yan ah.. siempre akin si Kathee.. kaya lang walang ka-partner si Ivan kase sa ibang bansa nagcollege si Marie., pero pinupush nila ang LDR..iniwasan lang ni Kathee yung tingin ko., kausapin ko nalang 'to mamaya,. nilapag ko na yung gitara't,

"oh? anung meron? ba't kumpleto?"

inakbayan ako ni Marion at,.

"pare, hindi ikaw yung tipong magsosolo dito nang walang mabigat na dahilan.."

"oo nga 'tol..." sabat ni Ivan, "...what are friends for kung hahayaan ka lang naming mag-isa?"

"mga sira..." tawa ko, "...wala akong problema."

"kung wala, di wala.." sabi ni Gab, "...pero kumpleto tayo, masaya 'to!"

"wag mo nanamang guguluhin ang bahay ko Gabriel ah."

biro ni Juhwand

"so we, girls, will be queens of your kitchen Juh."

boses ni Gwyneth habang niyayaya yung ibang girls,.

Nang papasok na sila sa kusina at sa sala naman yung boys,. inaya ko si Kathee sa garden para kausapin. Nagtinginan lang yung tropa nang pangiti-ngiti habang hawak ko ang kamay ni Kathee,.para naman kaming elementary couple na may 'uuy' effect pa.. pero hayaan na.. umupo lang kami sa swing dun., katahimikan.. pero hawak ko padin kamay niya.. pareho lang kaming nakatungo.,

"Kat,. anung problema natin?"

hindi niya pinansin na tinawag ko siyang Kat., sumagot lang siya ng.,

"wala tayong problema.."

"tungkol ba 'to sa sinabi mo?"

"..."

"Kathee, alam mo namang mahalaga ka sa akin di ba?"

"Quinn, kahit sila mahalaga sa'yo..." turo niya sa tropa na nagkukulitan na sa loob, "ang gusto ko, mahalin mo 'ko."

"Kathee, I'm trying.."

"hanggang kelan ka magtatry?"

naluluha na siya.,

"Kathee naman eh, kung may gusto akong mahalin, ikaw yun.. kung may gusto akong makasama habang buhay, ikaw yun.. pero hindi napipilit ang puso eh.. I don't want to equate gratitude to love..unfair yun eh.."

"nakakainis ka naman kase eh., masyado mo akong mahal bilang kaibigan kaya ayaw mo 'kong masaktan."

naluha na talaga siya pero ngumingiti na..

"matagal mo na yang alam.."

niyakap ko na siya

"pasalamat ka, willing akong maghintay.."

sinuntok niya ako ng pabiro at nakangiti na talaga

"ayan,. maganda ka na ulet."

"maganda parin ako kahit umiiyak noh!"

"tss..tara na sa loob."

Pagpasok namin, ayun..binagyo nanaman ang living room..ang gugulo eh,. nakijoin na rin kami sa kulitan.. mga bata lang ulit.. natigil lang nang may nagdoorbell., kase ibig sabihin, ibang tao yun..since wala sa tropa ang nagdoorbell kase halata namang kumpleto kami..

"si mommy."

bulong ni Juhwand

"si tita?!"

chorus namin

"umayos kayo lahat, bilis!"

at ayun,. nagkagulo nanaman ulet kami sa pag-aayos ng bahay at ng sarili namin.. habang si Juhwand yung nagbukas ng gate., pagbalik niya., kinabahan na kami..

"false alarm, mga 'tol."

hai.. nakahinga na kami., pero nagulat kami nang makita yung sa likuran ni Juhwand..

"Marieeeee!!!"

sigaw ng girls at takbuhan papunta sakanya,. ready na silang yakapin si Marie nang,

"oops! after na ni Ivan."

sabi ni Lois

"oo nga pala!"

pag sang-ayon ni Aiana

kaya hinila nalang nila papasok ng bahay si Marie at tinapat kay Ivan., si Ivan, di na maintindihan kung maiiyak o maluluha o matatawa nalang., kaya lang lalake eh,. bawal..

"surprise!"

at bago pa makapagsalita si Marie nang kung ano pa man,. niyakap na siya ni Ivan..

"aww.."

reaction ng girls

kaming boys, ngiti lang.. kung namiss namin si Marie, ano pa kaya siya? naputol lang yung less than a minute nilang moment nang sumigaw si Kathee ng,

"group huuug!"

at ayun, group hug nga.. just like the old times., we spent more than half of our lives together na pala.. ansaya lang., kumpleto na ulet kami kahit for a while lang., ganito lang kasimple ang tropa namin..ordinaryo lang din.. mababaw ang kaligayahan., magulo pag sama-sama., nagkakatampuhan din minsan pero naaayos agad kase inaayos agad., kilala na namin nang lubusan ang isa't-isa., kaya alam na rin namin kung panu itrato ang bawat isa sa kung anu ang timpla ng mood sa bawat araw.. wala din sikreto samin., kaya grabe din ang tiwala..habang ipinagpapatuloy namin ang saya., nasagi sa isip ko si Arra,. could there be a space for her sa tropa? makakaya kaya nila ang ugali nun? sasabihin ko ba sa kanila ang tungkol sa kanya? kaya lang hindi naman siya masyadong importante.,tsaka ano ba ako sa kanya., anu rin ba siya sakin? hala, mali 'to..kumpleto ang barkada pero lumilipad ang utak ko., anu ba yan!

"hon! tingin ka., kanina pa nagpipicture oh,. anlayo ng isip.."

"ah...sorry,."

at ayun,. nakisama na ako sa groufie kahit may kaunting bumabagabag sakin..

END OF THE SEVENTH CHAPTER...

Colors and LinesWhere stories live. Discover now