LineColor15

14 1 0
                                    


QUINN's...

Nasa aiport kaming lahat.. ihahatid namin si Marie., tapos na yung pwede niyang stay dito eh., yung mga girls, iyak-iyak din sila,. alam na diba kase ang mga girls., pero at least sila nailalabas ang sadness through tears, pero kaming boys, mahirap..lalo na si Ivan.. kumpwede lang niya wag bitiwan yung kamay ni Marie., o di kaya'y sumama na siya sa Australia..haha.. last groufie daw muna for the moment.,at yun nga., hanggang kaway nalang kami kay Marie., mula airport, nagkayayaang maglunch sa mall, pangtanggal ng lungkot., nang matapos na, lakad-lakad pa., holding hands sina Juhwand at Gwyneth,. Marion at Lois,. Gab at Aiana.. awkward yung dating kase ako, si Ivan at si Kathee, wala.. kung dati napagtitripan si Ivan kase solo mode., ngayon mejo tahimik lang kase fresh pa., di pa pwedeng ijoke kase si Kathee., pero bigla nalang siyang pumagitna saamin ni Ivan at kumpait-braso sabay sabing,.

"talo ko kayo girls., dalawa saken,."

taz tumawa.. buti naman kahit pilit eh kinakaya niyang labanan.. konting-konti nalang., magiging maayos din ang lahat..thanks Kathee sa pag tulong mo sa sarili mo., sa pagheal ng emotions mo., sa pag momove on,. kahit andito parin ako..

Nasa arcade sila,. bumili muna ko ng makakain., bitbit ko yung sampung shake at malaking box ng fries pabalik ng arcade nang makita ko si Arra, so mejo hinabol ko.,

"Hi Arra!"

tiningnan niya lang ako't nagsmile pero nagpatuloy parin sa paglalakad., kaya hinabol ko nanaman siya ulet., naupo lang siya dun sa may rainbow fountain at naglabas ng libro., magbabasa siya sa maingay na lugar? tinabihan ko lang siya't,.

''Arra,. sorry pala dun sa nangyari the last time,. yung sa birthday ko.."

"ba't ka nagsosorry, ano ba yun?"

"hindi ko nga rin sure., pero.. umiyak ka eh..kaya sorry.. ba't ka nga pala umiyak nun?"

"wala..nasugatan ako sa nahulog na vase di ba?"

"ah,. ok na ba paa mo?"

tumango lang siya., pero teka,. before pa mabasag yung vase iba na aura niya nun ah., tsk!. asa namang mapaspill ko 'to..

"aah.." panimula ko ulet, "... aware ka na ba dahilan ng nangyari nun?"

"oo.."

"ah,. ano mo nga ulet si Steve?"

"ba't ba andami mong tanong? di mo ba nakikitang nagbabasa ako?"

ayun na naman ang mukha niyang kakain ng tao.,

"sorry.. curious lang ako.."

di na siya umimik., mga ilang minutes din akong tahimik lang nang sumambit siya ng,.

"di na masarap ang fries pag malamig,. at ang mga shake mo., juice na.."

at yun., naalala kong may mga kasama pala ako kaya dali-dali ko ring binitbit yun papuntang arcade., tumatakbo na ako eh., nagriring na nga phone ko., malamang tinatawagan na nila 'ko., kaya lang wala na akong free hand., pagdating ko, nasa labas na sila ng arcade., whew!. pinawisan ako dun ah.,

"oh dude, san ka ba nakarating?"

tanong ni Gab

"pasensya na., whew!"

at yun., pinagtiyagaan nalang namin ang cold fries at ang shake na wala ng ice., sayang din naman daw kase ng pagod ko..

Uwian na,.ako lang napahiwalay kase opposite direction sa mga bahay nila ang bahay namin.. smooth lang ang byahe., pero kung kelan malapit na'ko., biglang bumuhos ang ulan..patay tayo jan.. wala akong payong or whatever..tsk!. pero wala eh., no choice..so pumara na ako.. dun muna ako sa waiting shed sa labas ng village..mga 15 minutes din ako naghintay tumila ang ulan., empty bat narin ako.. pero parang walang pag-asa..kumukulog at kidlat pa naman..lalake ako pero ewan nababakla talaga ako sa dalawang yan., at yun sa kadilimang dala ng gabi at ulan., may nasilayan akong anghel., with shining payong..si Arra.. pero teka, taga rito din siya? tinawag ko siya't tumakbo papunta sakanya., nagulat siya siempre pero bago pa man siya makapagsalita ng kung ano., naagaw ko na yung payong mula sakanya't ako na humawak., pabalikat ko lang kase siya so hindi ako kakasya kung hahayaan ko lang na siya yung magdala (kelangan talaga iexplain yan., haha).. nagsmile lang ako ng pa-cute., nagdugtong na kilay niya eh.,

"pauwi ka na ba?"

tanong ko

"ano sa tingin mo ang ginagawa ko, namamasyal sa ilalim ng kulog, kidlat at malakas na ulan? gabi pa ha."

"nagtatanong lang.."

"ayusin mo kase tanong mo."

"bat ba ang sungit mo?"

"bat ba kase ang kulit mo?"

naku talaga! ansarap hambalusin ng babaeng 'to., kung wala ka lang payong di naman kita lalapitan eh (hindi nga ba?.hmm..) I dealt with Kathee's kaartehan pero di ko pa alam kumpano ideal ang kasungitan nito., magpakabaet ka nalang Quinn.,

"di ba kase friends na tayo?"

di na siya sumagot., di na rin ako umimik..nakukulitan na siguro talaga 'to saken., ok na sana yung picture eh., yung ang gwapo ng dating ko kase I'm holding an umbrella with a girl under the mad rain., kaya lang biglang kumulog with matching kidlat pa., nabitawan ko tuloy yung payong at napakapit sa braso ni Arra., kulang nalang tili., so gay na talaga.,

"ai anu ba yan!"

pagpumiglas ni Arra., sabay pulot ng payong

"sorry.."

hiyang-hiyang sabi ko., nakatungo na nga ako eh.,

"ang angas ng dating mo tapos kulog at kidlat lang takot ka., di pala dapat Quinn ang pangalan mo eh., Queen., Queen Esther,. Queen Elizabeth., mamili ka nalang.."

"sorry na nga.. oh, andito na pala ako., ikaw, san pa ba bahay niyo?"

salamat naman., nakapagchange topic ako..

"lagpas na.."

"oh, ba't di ka pa huminto?"

"eh di nabasa ka ng ulan hanggang dito., sige alis na'ko.."

wala na akong nasagot., kahit thank-you.. naewan na ako eh., dahil lang ba talaga sa ulan o payong kaya hinatid niya ako? o gusto niya lang ako makasama nang matagal?. hai.. tumigil ka Quinn., ambakla mo kanina.. 'ta mo, kalalake mong tao, ikaw ang hinatid.. aargh!!

END OF THE FIFTEENTH CHAPTER...

Colors and LinesWhere stories live. Discover now