LineColor19

20 1 0
                                    


QUINN's...

Nagulat talaga ako sa balitang yun ni Kathee.. hindi ko alam kung sasabihin kong kilala ko na yung kapatid niya or ano.. pero mas pinili kong wag manggaling sakin o di ako ang maging dahilan ng pagkakakilala nila.. okay din naman daw kay Kathee yun., di naman na daw niya mababago yun eh.. kahit awkward eh gusto niya na rin daw makita't makilala si Arra.. ansaya pag ganun.. dagdag sa tropa..kaya lang ang weird naman ng personality nun eh..hai.. pero siguro magiging mabait naman yun kay Kathee.. kapatid niya yun.. at iba pa ang sitwasyon.. naeexcite naman ako sa pwedeng mangyari..

Mejo madalas solo mode ang tambay ko ngayon., wala nang Katheeng nangungulit eh., ansarap ng weather ngayon., mainit pero di masakit sa mata at skin kase ang cool padin ng hangin., tsaka natabunan padin ng clouds yung sun., basta., yung weather na gusto ng lahat,. kaya CenTree lang muna ako., mas masarap ang hangin sa may puno eh kase nakisasabay yung mga dahon., haii.. ayos solo ko ata yung puno.. pero may napansin akong paa sa kabilang side at nung nakita ko kung kanino, natuwa ako..kaya tinabihan ko nalang,.

"Hi!"

pero napansin kong nakapikit pala siya, tulog? pero parang hindi naman kase nakaheadphones at naghuhum., so malamang, nakapikit lang., tss.. ankyut.. pero nung napansin niya atang may katabi na siya., dumilat siya't umirap nang makitang ako yun,.hehe.. pero di parin siya tumayo.. at yun, kinulit ko nanaman siya., nageenjoy talaga akong asarin siya eh., haha.. pinakialaman ko na ngayon yung mga gamit niya., di na'ko nakontento sa puro tanong lang., inagaw ko sakanya yung notebook na hawak niya bago ako nagtanong kung anu yun., late ko na nalamang yung diary niya pala yun kase nilipad ng hangin yung mga pages., bat kase di attached yun? hala.. pero siya parang tiningnan niya lang ako ng masama pero parang walang balak pulutin yung mga pages (though kasalanan ko naman) pero diary yun., di ba dapat aligaga ka na pag ganun? kaya tumayo na'ko't hinila ko na rin siya patayo.. tinulungan niya na rin akong pulutin yung nagkalat na pages., kahit basang-basa naman sa utak niya yung 'what's meant's meant'.. natawa nalang kami nang maipon na namin lahat yung pages., di man sunod-sunod pero at least walang missing..pero napansin kong magkahawak pa pala kamay namin?. pano nangyari yun? tsk!. di ko napansing patawa-tawa nalang kami sa ginawa namin.. habang patingin-tingin nang awkward sa isa't-isa kase nga clenched pa kamay namin di ba?. pero natigil lang yun nang may napansin kaming nakatingin samin., si Kathee at si Steve., pumiglas sa pagkakahawak ko yung kamay ni Arra.. yung mukha ni Steve mejo ok lang., si Kathee lang yung nakakakaba..kase pinipigil yung inis o luha o galit., di ko alam.. pinipilit niyang ngumiti pero lahat ng inis, luha, galit o ano pa mang pinigil niya'y sumabog nang naisambit niya ang,

"Arrabelle Sanches"

habang nakatingin sa I.D. ni Arra..

"...ikaw... ikaw si Arrabelle?"

si Arra,. namumutla na., at parang sasabog na rin.. pero di lang siya umimik., or di siya makaimik..

"siya ba Quinn?. is she the reason why you broke up with me? why you broke me? sa lahat talaga, Quinn, siya? yang home-wrecker na yan?"

bago ko pa man maipagtanggol si Arra, o makapag reason out., nagsalita si Steve,

"Kathee., wag mo namang ganyaning si Belle.."

"what? ikaw rin? so..so she's the 'Belle' you're referring to?. grabe.. antindi mo rin Arrabelle eh.."

pulang-pula na si Kathee sa mga naghalong emosyon niya., at bitter tears na yung dumadaloy mula sa mga mata niya samantalang grey na yung mukha ni Arra gawa rin siguro ng luha na patak lang nang patak., kaya bumoses na rin ako.,

"Kathee., di ba sabi mo, okay na.. kase wala ka naman nang magagawa?"

"not until now! dati yun Quinn., nung hindi ko pa alam na kagaya rin pala siya ng nanay niya!"

"Kathee!" "Kathee!"

halos nagduet kami ni Steve., wala nga lang blending.,

"why? totoo naman di ba?"

pagpapatuloy ni Kathee habang tutok na tutok sa mukha ni Arra.,

"firstly, you were the reason why dad did not love me and my mom completely., bakit kase kelangan mo pang magpakilala..secondly., you're the reason why my first love, my first boyfriend, my first everything broke my heart.. sa lahat talaga ng lalandiin mo, yung may girlfriend.,"

"tama na Kathee"

saway ni Steve

"at lastly,. ano Steve? mas pipiliin mo rin siya? go! magsama-sama kayong lahat.. tama si Erika., you're just a silent slut.."

Erika?

"Kathee,." sabat ko, "kelan ka pa nagpapasok ng ibang tao sa buhay mo?"

"hindi Quinn,. kelan ka pa... nagpapasok ng ibang tao sa buhay mo!"

sabay talikod na't alis., sinundan lang siya ni Steve pagkatapos niyang i-tap yung shoulder ni Arra., siguro alam na nila meaning nun., gusto ko rin sanang sundan si Kathee., pero pano si Arra?. kaya pinaupo ko lang siya ulet dun sa may puno., sa dati niyang posisyon., hawak-hawak niya lang yung diary niya,. luha lang nang luha.. pero nakatingin sa kawalan.. yung balikat niya may weird movement na,. kase yung paghinga niya., weird na rin.,

"sorry Arra.."

di lang siya umimik., parang di parin sakanya nagsisink in yung nangyari

"sorry., hindi ko ineexpect na sa gan'tong paraan at pangyayari kayo magkikita at magkakakilala nang totoo.."

tiningnan niya lang ako ng parang 'alam mo?'., pero tumingin lang ulet siya palayo..sinamahan ko lang siya hanggang maubos yung mga luhang kelangan niyang iiyak., nang napansin kong wala nang luha,. hinawakan ko yung kamay niya,

"Arra, sorry kung naging worse dahil sakin yung dati nang hindi magandang relationship niyo ni Kathee.. pero gusto ko lang malaman mo na di mo kelangang solohin yung mga dinadala mo., nandito ako Arra., marahil iniisip mo na kung sino ba naman ako., pero Arra, basta andito lang ako., di ka nag-iisa., kase gusto kita Arra.."

di ko alam bakit, paano yan lumabas sa bibig ko., pero tumayo lang siya't umalis na..

END OF THE NINETEENTH CHAPTER...

Colors and LinesWhere stories live. Discover now