Chapter [17.]

785 43 5
                                    


Chapter Seventeen

Taehyung

--

Nakatambay lang ako sa labas ng bahay namin. Hinihintay kong makarating 'yung mga kagrupo namin. Ayoko munang pumasok sa bahay nila Aren, hindi ko siya kaibigan at lalong hindi ko na siya girlfriend.

Sinalpak ko na lang sa tenga ko ang earphones ko at tahimik na nakinig at naghintay sa mga kaklase ko. Nagulat na lang ako ng biglang may kumalbit sa akin. Minulat ko ang aking mata at inangat ang ulo ko.

Si Aren lang pala. Naka-apron siya tapos nakatali ang buhok niya, medyo oily na rin ang mukha niya pero hindi iyon nabawas sa kagandahan niya.

Teka nga? Anong sabi ko? May sinabi ba ako? Hindi, hindi. Wala akong sinabi maliwanag ba? Tinanggal ko ang isang earpiece sa isang tenga ko. "Ba't hindi ka pa pumapasok sa bahay?" Tanong niya. Umiling lang ako tsaka ako tumayo. "Hinihintay ko sila." Napatango siya sa isinagot ko. Saglit lang kaming nagkatitigan.

Siya ang unang umiwas.

"Pasok lang kayo sa bahay." Tumango ako. Akmang tatawid na sana si Aren ng biglang may sasakyan na parang kabute na paparating kaya bago pa siya masagasaan ay hinablot ko na siya ng mabilis. Napasubsob pa siya sa dibdib ko't saktong tumigil 'yung kotse sa harap namin..

"Omaygat!" Napabitaw ako kay Aren ng lahat sila sa amin nakatingin. 'Yung mga groupmates lang naman kasi namin ang nakasakay sa kotse. Isa isa naman na silang bumaba sa kotse.

"Nagkabalikan na ba kayo?" Tanong ni Momo sa amin ng makababa siya. Tumingin ako kay Aren na parang hindi narinig 'yung tinanong ni Momo paano ba naman kasi busy siyang nakikipag usap sa kupal na ilong na 'yun.

Tinaasan ko na lang kilay si Momo. "Ba't ko 'yan babalikan tsk. Tinapon ko na, tapos pupulutin ko ulit?" Pinagtaasan lang ako ni Momo tsaka niya ako sinuntok sa balikat.

"Ang bitter mo. O ito may natira pa akong candy, kainin mo ng 'di ka lamunin ng ka-ampalayaan mo." Binato niya sa akin 'yung candy na sinasabi niya, saktong na-catch ko. Napailing na lamang ako, hindi ko alam kung galit ba 'yun sa akin o ano. Pero kahit na ganoon, hindi ko na lang pinansin pa.

"Kaninong kotse 'to?" Imbes na tanong ko sa kanila na papatawid na sana papunta sa bahay nila Aren.

"Kay Junhoe 'yan. 'Yang hayop na bulelekong na 'yan!" Sigaw ni Chen, napatingin ako kay Junhoe na katulad ng parati niyang ginagawa ay inaayos lang naman ang buhok niya. Hayop ang isang 'to, sabi niya pinagtagpi tagping yero lang ang bahay nila, pero ang gara ng kotse.

Umiling na lamang ako at sinundan sila papuntang bahay nila Aren. Pagkapasok namin doon, amoy na amoy na talaga ang aroma ng pagkain na niluto nila.

"Hhmm.. Bango naman no'n. Anong niluto mo Aren?" Tanong ni Chen sa kanya. Basta talaga pagkain 'di siya papaawat. "Spaghetti, Fried chicken, rice at fries. Meron ding Red velvet cake at ice cream pang dessert." Halos lahat naman sila napatingin kay Aren ng sabihin niya iyon. Anim lang kami pero andaming pagkain.

"Pwede na bang kumain ngayon?" Ani Chen, binatukan naman siya ni Momo.

"Kakain ka ka agad? Wala pa nga tayong natatapos sa project eh."

"Hala? Ba't lahat na lang kinokontra mo? Nagtatanong lang naman ako kung pwede ng kumain eh." Napakamot na lamang ako sa ulo at naglakad papunta sa sofa. Prenteng prente akong umupo doon at sumunod na rin 'yung iba.

"So anong unang gagawin?" Tanong ni Junhoe. Naglabas si Momo ng sketch paper tsaka niya pinakita sa amin 'yung ginuhit niya na bahay na magiging itsura ng bahay na gagawin namin.

Nakasulat na rin doon ang size, height, width ng bawat pader, bubong at iba pa para hindi kami magkamali kapag gumugupit na kami ng karton.

"Oh ano simula na tayo?" Tanong ni Momo sa amin. Tumango ako't kinuha ang isang karton at guntin sa lamesa kung saan nakalapag na lahat ng gamit na gagamitin namin.

"Sundan niyo 'yun nakasulat d'yan sa papel, ng 'di tayo magkamali ha?" Utos pa nito. Tumango na lang ulit kami.

Gupit lang kami ng gupit hanggang sa bigla na lang akong nakaramdam ng gutom. Tumigil ako saglit at kinuha ang nag iisang biscuit sa bulsa ko.

Bubuksan ko na sana pero biglang may humablot no'n. Sino pa ba? Edi 'yung mukhang pagkain na 'yon. Gutom na nga 'yung tao mang aagaw pa. Hinablot ko naman pabalik sa akin 'yung biscuit, 'di pwedeng basta basta na lang mawawala ang pagkain ko, akin 'to eh.

"Gutom na ba kayo?" Tanong sa amin ni Aren.

"Oo sobra!" Sigaw ni Chen.

"Saglit lang, maghahanda lang ako sa kusina." Nagpunta na si Aren sa kusina at sinundan naman siya ni Chen pati na rin si Jungkook.

Habang hinihintay 'yung pagkain namin, sumandal ako saglit sa sofa, medyo parang inaantok kasi ako.

"Oy 'di ba ex mo si Aren?" Kunot noo akong tumingin kay Momo na hanggang ngayon ay naggugupit pa rin. Ba't naman bigla nitong natanong?

"Bakit?" Tanong ko, umayos na ako ng pagkakaupo't hindi pa rin naaalis ang kusot sa noo ko.

"Okay lang sa'yo na gusto ni Jungkook si Aren? 'Di ba dati niyo ring tropa si Vernon tapos simula nung magbreak kayo sa kanya siya sumama, tapos ikaw sa bestfriend niya. Parang ginagawa niyong rebound 'yung dalawa." Natigil sa pag aayos ng buhok niya si Junhoe sa sinabi ni Momo, kahit ako parang pati paghinga ko tumigil. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Masyado siyang naging prangka.

"Hoy, prangka nito ah?" Ani Junhoe na mahina pa itong tinulak. "Bakit ba? Masyado ba 'yung masakit para masabing prangka ako?" Saglit lang akong tinapunan ng tingin ni Momo tsaka niya pinagpatuloy ang paggugupit.

"Kahit na nakaka-offend kaya 'yun. Minsan pag isipan mo muna ang mga sinasabi mo ah? Sakit mo magsalita ah?" Pangaral sa kanya ni Junhoe pero parang wala lang iyon sa kanya..

"Hoy kayo sa kusina na lang daw kumain!" Narinig naming sigaw ni Chen. Tumayo na si Momo at Junhoe papunta sa kusina, habang ako nandito pa rin sa sofa, iniisip ang sinabi ni Momo. Rebound? Rebound nga lang ba ang turing ko kay Jace?

Napailing ako. Hindi, niligawan ko si Jace kasi gusto ko siya. Gusto ko si Jace.

--August 2, 2016 || 4:35 PM--

A/n: Sinong Carat ditey? Malapit na ang fanmeeting ng Seventeen dito. Makakapunta kayo bruh? Teambahay na naman ba? Huhu :'(

★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]Where stories live. Discover now