Chapter [44.]

526 29 1
                                    


Chapter Forty Four

Taehyung

--

Nakakailang katok na ako sa bahay nila Aren pero hanggang ngayon wala pa ring bumubukas ng pinto. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko ngayon, ang lakas na ng tibok ng puso ko. Naalala ko 'yung panaginip ko, si Aren.

Sinubukan kong pakalmahin ang buong sistema ko pero parang may sarili silang rules and regulation. Hindi nakikiopera. Basta ang alam ko lang natatakot ako, kinakabahan ako. Paano kung totoo pala 'yung panaginip ko? Paano kung totoong sumuko na si Aren? Paano kung totoong aalis na siya? Paano kung totoong iiwan na naman niya ako?

Paano kung totoo ang lahat ng 'yon? Paano? Hindi ko alam.

"Taehyung, baka lumabas sila tita." Sabi ni Namjoon hyung, kahit na sinabi na niya iyon, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mag alala. Umiling ako at sinapo ang noo. Ano na ba ang gagawin ko?

Saglit akong tumingin kay Namjoon at Jin hyung na kasalukuyang nasa harap ko. Ganoon din sila, hindi ko alam pero pakiramdam ko nagkakaintindihan kami sa tingin pa lang.

"Sabihin mo lang." Seryosong sabi Jin hyung. Lumunok ako't wala sa sariling umupo sa sahig. Kinuwento ko sa kanilang dalawa 'yung napanaginipan ko. Katulad ko, natakot din sila para kay Aren, at para na din sa akin. Ayaw ko sanang maniwala na nagpapahiwatig na si Aren kaso malakas ito. Hindi ko mapigilan, napailing na lang ako.

"Taehyung, kung oras na ni Aren. Wala tayong magagawa. Siguro nga katulad ng sinabi niya sa panaginip ko kailangan mo ng tanggapin ang mangyayari." Payo sa akin ni Jin hyung. Hindi ako nakapagsalita, para bang paulit ulit na lang tinutusok ang puso ko ng maliliit na karayom. Nasasaktan ako. Isang salitang mailalarawan ko sa nararamdaman ko ngayon.

Hindi pa ako handa, ayoko pang mawala siya. Hindi pa pwede.

"Taehyung, kailangan mo ng maghanda." Tinapik ni Namjoon hyung ang balikat ko saka sabay silang umalis ni Jin hyung sa harapan ko.

Kailangan ko na ba talagang gawin ang dapat kong gawin?

Kailangan ko na bang sumuko?

Gagawin ko lang kapag siya na mismo ang nagsabi..

--

"Aren, kung naririnig mo ako ngayon, may isa lang akong pabor na gusto kong gawin mo. Isa lang, isang isa lang." Bulong ko sa kanya habang nakahawak ako sa kamay niya. Mahimbing siyang natutulog ngayon, mapait akong nakangiti sa kanya ngayon habang patuloy ang pag agos ng walang katapusang luha sa mga mata ko.

Ba't ganoon? Kahit ilang beses pa akong umiyak hindi ako napapagod? Hindi ko gusto ang pakiramdam na ito pero kahit umiyak ako ng umiyak hindi ko magawang mapagod. Katulad ng paghawak ko sa kanya, mahigpit kahit alam kong hindi na siya nakakapit sa kamay ko at ako na lang ang kusang nakahawak sa kanya.

Kahit gaano siya kabigat hinding hindi ako mapapagod na hawakan ang kamay niya.

"Aren, huwag ka munang sumama kay lolo Alfredo at kay Tito please? Kahit 'yon lang. 'Yon lang ang pabor na gusto kong gawin mo. Mahal na mahal kita Aren, sobrang mahal kita, ayoko ng pakawalan ka."

Hinalikan ko ang kamay niya saka ko ito binitawan, tumayo ako saka bago ako umalis tinapunan ko na muna siya ng tingin.

"I love you to the moon in back. Always and forever."

--

[Taehyung bad news. Umuwi ka ka agad dito.] Nagtaka ako sa pambungad na bati ni Kai hyung, kapit bahay namin. Hindi ko nga malaman kung bakit tumawag siya eh hindi naman kami close. Pero dahil sinabi niyang may masamang balita, batid ko ng seryoso siya.

"Anong balita?" Tanong ko sa kanya.

[Naisugod sa hospital si Aren. Nautusan ako ng mama mo na tawagan ka.] Balita niya. Pakiramdam ko bumagsak ang buong mundo ko sa narinig. Paanong naisugod na naman siya sa hospital?

Hindi na ba talaga niya kaya? Dapat na ba talaga akong maniwala sa panaginip ko na malapit na ang oras niya? Pakiusap naman please oh, huwag po muna.

Bata pa siya, marami pa siyang pangarap na gustong matupad, hindi siya nararapat sa ganitong sitwasyon. Hindi niya deserve ang lahat ng ito.

"Sige bro." Walang ganang sabi ko at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Unti-unti na akong nawawalan ng pag asa, unti-unti na akong bumibigay. Ayokong sumuko eh, wala akong balak kasi may tiwala ako sa Kanya, alam kong gagawa siya ng paraan para mapagaling si Aren. Alam kong hindi Niya pababayaan si Aren. Siya na lang ang pag asa ko, pero pakiramdam ko pati Siya nawala.

Pati Siya sinasabing bumigay na ako.

Ano bang mahirap gawin sa hiling ko? Mahirap bang alisin ang sakit niya? Diyos siya, pero bakit ganoon? Bakit parang napakahirap para sa Kanya na alisin 'yon? Gusto ba talaga Niya akong pahirapan?

Sinilid ko sa bulsa ko ang cellphone. Maya-maya pa ay nagring na naman ang cellphone ko, agad kong kinuha iyon saka inis na sinagot.

[Taehyung nasaan ka na ba? Pumunta ka ngayon din sa hospital.] Bakas sa boses ni mama ang pag aalala. Pero parang nawalan na ako ng pakiramdam, hindi ko na alam ang nararamdaman ko, parang wala na akong maramdam.

Siguro dahil tama nga sila? Na wala ng pag asa at dapat ko ng ihanda kung ano ang dapat mangyayari. Kung anong mangyayari kay Aren, handa na ako.. Suko na ako, ayoko na, bahala na. Pinapakawalan na kita Aren. Kung pagod ka na, kung hindi mo na kaya, pwede ka ng sumama. Pwede ka ng umalis, binibigyan na kita ng permiso na iwan mo na ulit ako.

Pangako kakayanin ko, pangako tatanggapin ko.

"Pupunta na po ako d'yan." Sagot ko kay mama, hindi ko na hinintay pang sumagot si mama, tinapos ko ka agad ang tawag at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Maya-maya ay napagtanto kong hindi ko alam kung saang hospital naka confine ngayon si Aren.

"Tanga mo talaga Kim Taehyung, ba't ka pa nabuhay sa mundong 'to. Mamatay ka na lang, tutal lagi ka na lang iniiwan ng taong mahal mo." Natatawang sabi ko sa sarili ko saka mahinang sinuntok ang sarili ko.

Kinuha ko sa bulsa ang cellphone saka ko tinawagan si mama.

[Papatay-patayin mo 'yung tawag, tapos tatawag ka?]

"Sorry na, saan palang hospital?"

[Dalhan mo kami ng pagkain dito. St. Claire Hospital, room 308]

--December 15, 2016 || 10:05 PM--

A/n: Next Chapter will be the last chapter tapos epilogue na huehue..
Konting kembot na lang, dalawang libong salita na lang at matatapos na ang storyang ito :) Magpapasalamat nga po pala ako sa mga taong sumuporta sa story na 'to :)

★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]Where stories live. Discover now