Chapter Thirty FourTaehyung
--
"Jace?" Gulat na sambit ko habang diretso lang na nakatingin sa kanya. Naalala ko nga pala na hindi pa pala kami tapos ni Jace.
Lumunok muna ako bago ko siya muling pinaupo sa sofa.
"Maupo ka na muna." Sabi ko sa kanya, sumilay naman ang maliit na ngiti sa labi niya tsaka tahimik na umupo sa tapat ko. Saglit kaming nabalot ng katahimikan at ako bilang ako ay hindi makatingin ng diretso sa mga mata niya.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Taehyung let's end this." Kahit hindi siya nauutal sa huling sinabi niya alam kong nanginginig siya. Alam kong hirap siyang bitawan ang bawat salitang lumabas mula sa bibig niya.
Napayuko na lamang ako. Isang salita na pumukaw sa akin. Guilt, alam kong mangyayari na 'to at alam kong handa na ako sa ganito pero hindi ko pa ring maiwasang masaktan para sa kanya.
At isiping napakatanga kong tao para gawin iyon sa kanya. Para gawin siyang rebound. Pinaniwala ko ang sarili ko na mahal ko siya, na siya na ang gusto at hindi na si Aren.
Napakamaling desisyon ang ginawa kong iyon.
Ang tanga tanga ko.
"I'm soㅡ" Bago ko pa masabi ang katagang iyon ay agad na niyang pinutol iyon.
"Let me talk first." Nakangiti pa rin niyang sambit habang hinihintay akong umayos. Tumango na lamang ako at hinintay siyang magsalita.
"Nandoon ako sa hospital kahapon, and I heard everything." Gulat akong napatingin sa kanya, kung narinig niya ang lahat ibig sabihin?
"Don't worry I won't consider that as cheating." Natatawa pa niyang sabi. Gusto ko siyang yakapin ngayon dahil alam kong sa kabila ng lahat ng ngiti at tawang pinapakita niya sa akin ay taliwas sa totoong nararamdaman niya.
"Pwede mo akong suntukin ngayon Jace." Sabi ko para mapawi ko man lang kahit kaunti 'yung sakit na nararamdaman niya na idinulot ko.
Imbes na gawin niya ang sinabi ko ay tinawanan niya lang ulit.
"Kasalanan ko naman kung bakit ako nasasaktan eh. Kasi pinilit ko pa rin kung anong gusto ko sa kung ano ang mas nakabubuti sa akin. I know this day may happened but I still insisted it. Mahal kita eh. Kasalanan ko 'to kasi kahit alam ko kung anong totoong nararamdaman mo, pinilit ko pa rin na mahal mo ako, na gusto mo ako, na sa bawat I love you mo ay totoo." Tumulo na ang luha sa mata nita at habang sinasabi niya ang lahat ng iyon ay paulit ulit na tinutusok ang puso ko ng sandamakmak na kutsilyo.
Bakit kahit ilang beses niyang sabihin sa akin na wala akong kasalanan ay nakararamdam pa din ako ng matinding guilt. May kasalanan pa din naman ako ah? Ginamit ko siya, sinaktan ko siya, pinaniwala ko siya sa mga bagay na hindi naman talaga totoo.
"I'm sorry." Paghingi ko ng tawad sa kanya.
"Sabi ng huwag kang magsorry eh! It is all my fault." Natatawa pa rin niyang sabi kahit tuloy tuloy na ang pag agos ng luha sa mga mata niya. Naaawa ako sa kanya.
YOU ARE READING
★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]
Fanfic✔ C O M P L E T E D ✔ " Bakit ka ba nakikialam? Ex lang naman kita. " ⇨[Kim Taehyung ×× Park Jiyeon] ⇨Written in Filipino ⇨Highest rank: #126 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: July 9, 2016 ⇨Date Finished: December 17, 2016