| A/n: Sorry for the long wait chingguu :D |
Chapter Thirty Five
Taehyung
--
"Jace sasama ka ba sa amin mamaya? Pupunta kay Aren mamayang lunch." Aya ko sa kanya habang inaalis ko sa pagkabuhol ang earphones ko, napansin kong napatingin siya sa akin.
"Malayo 'yung hospital ah? Hindi ba tayo malelate niyan?" Nag aalalang tanong niya sa akin, napailing na lang ako. Sigurado naman ako na maiintindihan ng mga teachers kung malelate kami mamaya. Si Aren naman ang pupuntahan namin.
"Okay lang. Ako bahala mamaya." Nang maalis ko na 'yung pagkabuhol buhol ay isinaksak ko iyon sa cellphone ko at sinalpak sa tenga ko. Tumayo na ako para lumabas kaso ka agad akong pinigilan ni Jace. "Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"D'yan lang sa jollibee. Bibili ako ng spaghetti, paborito kasi 'yon ni Aren." Sagot ko, hindi ko na hinintay pang makapagsalita siya at dali-dali akong lumabas. Tinakbo ko na palabas ng campus para mabilis akong makabili at makabalik na sa classroom. Nang makalabas na ako ay pumara ka agad ako ng jeep, hindi nagtagal ay nakarating ako sa tapat ng Jollibee.
Agad akong pumasok doon at pumila. Matyaga akong naghintay hanggang sa ako naman na ang mag oorder. Inorder ko ang paborito ni Aren, 'yung spaghetti at fries. Nang matapos akong mag order ay ka agad akong lumabas at sumakay sa jeep na saktong tumigil sa tapat ko.
Maya-maya pa ay nakarating na ako sa school. Tumambay na muna ako sa cafeteria tutal hindi naman na ako nakapasok ngayong oras na 'to, ba't hindi ko pa sagarin 'yung pagkakataon kong ipahinga 'tong utak ko.
Nang tumunog na ang bell ay dali-dali akong tumakbo papunta sa classroom. Isang subject na lang, isang oras na lang makikita ko ulit si Aren. Pagkapasok ko sa classroom ay saktong sinalubong ako ni Jungkook.
"Hyung! Saan ka galing? Hinahanap ka ni ma'am kanina!" Aniya, bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman niya ako hahanapin?
"Bakit daw?" Curious na tanong ko sa kanya. Bakit naman kasi ako hahanapin ni ma'am 'di ba?
"Wait lang hyung." Sinenyasan niya akong maghintay saka siya bumalik sa upuan niya at may kinuha siya sa ilalim ng upuan niya, maya-maya pa ay nandito na siya sa harap ko.
"Ito oh. Alam kasi ni ma'am na pupunta ka kay Aren, kaya ipapadala niya sana 'to sa'yo para kay Aren." Sabi niya. Kinuha ko 'yung plastic saka ko tiningnan 'yung sa loob. Hindi ko makita kung ano iyon kaya nilabas ko para makita ko.
Pagkain din pala. Ibinaba ko na saka ko pinasalamatan si Jungkook. Naglakad na ako patungo sa upuan ko kung saan naabutan ko si Jace na nakadukdok sa upuan niya.
Hindi ko na siya inistorbo pa baka kasi natutulog. Nilagay ko sa harap ko ang pagkain na dala ko at bahagyang sumandal sa upuan. Napatingala ako sa dingding.
Ngayon lang ulit ako naging masaya ng ganito, ngayon din ako naging malungkot ng ganito. Kumbaga naghahalo 'tong nararamdaman ko. Kapag iniisip ko na bumalik siya sa akin, laging kumokontra 'yung sitwasyon niya ngayon na posibleng mawala ulit siya sa akin.
Dumating na ang susunod na teacher namin. Wala naman kaming ibang ginawa kung hindi ang makinig sa dinidiscuss niya, medyo inaantok na nga ako sa discussion niya kaya pinapatay ko ang oras ko sa kakatingin ng mga pictures ni Aren na kinuha ko lang kagabi sa facebook.
"Ang ganda talaga ng bestfriend ko 'no?" Napatingin ako kay Jace na nakatingin din pala sa phone ko. Napangiti na lang ako.
"Sobra." Sagot ko habang pinagmamasdan ang litrato namin ni Aren noong mga panahon na kaming dalawa pa.
"Girl crush ko siya alam mo ba 'yon?" Tanong niya.
"Hindi."
Bahagya siyang natawa.
"Akala ko nga lesbian na ako nung una ko siyang nakitang pumasok ng classroom." Kwento niya.
"So class you will be having a new classmate, I hope you will treat her nicely. Ms. Park please enter the room."
Awtomatik na napatingin ako sa pinto. Pumasok ang isang babae sa loob ng classroom, nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kong siya 'yung babaeng kalilipat lang sa bahay na katapat ng bahay namin.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya, bakit ganoon? Ang ganda niya?
"Hyung ang ganda niya." Napatingin ako kay Jungkook, kausap niya si Suga hyung na katabi niya't natutulog. "Hyung! Nakikinig ka ba? Sabi ko ang ganda niya. Liligawan ko siya." Hindi ko alam kung bakit parang nag init ang dugo ko nang sabihin niya iyon.
Anong liligawan? Uunahan niya pa talaga ako? Tsk. Pasimple kong binato ang HBW na ballpen ko sa kanya.
"Nauna ako sa'yo Jungkook, huwag kang epal." Sabi ko pagkatingin na pagkatingin niya pa lang sa akin.
Nginusuan niya ako saka niya binato pabalik sa akin 'yung ballpen ko.
"Nauna ako sa'yo hyung eh!" Nagmamaktol na sambit niya, nginisian ko siya't napailing. Para talagang bata. Basta nauna ako sa kanya.
"Good morning everyone I am Aren Park and I will be your new classmate, I hope we will be friends."
Yumuko siya at tinapunan ako ng tingin. Bigla akong nakaramdam ng matinding init nang sumilay sa labi niya ang isang ngiti na alam kong para sa akin ang ngiting iyon.
"Okay thank you ms. Aren. Please find a seat." Pinanood ko siyang maglakad hanggang sa tumigil siya sa tapat ko. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko.
"May nakaupo ba dito?" Tanong niya sa akin. Tumingin ako sa katabing upuan na bakante pala, wala pala si Momo. "M-meron pero hindi siya pumasok ngayon, dito ka muna umupo." Napalunok ako pagkatapos kong magsalita.
First time kong mautal, nakakahiya. Naupo na siya sa tabi ko.
"Ikaw 'yung tumulong sa amin ni mama magpasok ng gamit sa loob ng bahay namin hindi ba?" Tumango ako.
Ako nung una ko pa lang siyang makita sa labas ng bahay namin noon alam ko ng gusto ko siya.
Love at first sight? Hindi, mas naniniwala ako sa like at first sight ng dahil sa kanya.
"Ako mahal na mahal ko siya."
Nov. 11, 2016 || 11:27 PM
A/n: told ya I'm going to update this. Sorry kung late at kung panget 'tong chapter :D
YOU ARE READING
★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]
Fanfic✔ C O M P L E T E D ✔ " Bakit ka ba nakikialam? Ex lang naman kita. " ⇨[Kim Taehyung ×× Park Jiyeon] ⇨Written in Filipino ⇨Highest rank: #126 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: July 9, 2016 ⇨Date Finished: December 17, 2016