Chapter [12.]

1K 48 3
                                    


Chapter Twelve

Taehyung

--

"Nakuha niyo ba? Uulitin ko, walang magre-research sa computer. I want all of you to go to the library and brows some books, para naman hindi puro computer ang takbuhan niyo." Ulit ni mrs. Jung, hindi na naman kami makakapaglaro ng soccer mamaya. King inang assignment 'to.

Sinulat ko sa notebook ko ang assignment para mamaya hindi ko makalimutan.

Pagkatapos ko 'yung masulat ay tinago ko na 'yun sa bag ko.

"Babe pwede bang makisabay sa inyo na gawin 'yung assignment natin, okay lang ba?" Sabi ni Jace. Tumango ako bilang sagot.

"'Di ba babe sabi ko sasabay ka na sa amin palagi? 'Di mo na kailangang magpaalam." Sabi ko naman sa kanya.

Tipid siyang ngumiti sa akin at marahan akong tinitigan sa mata. Bigla ko namang naalala na pinsan pala siya ni Namjoon hyung.

"Pinsan mo pala si Namjoon hyung, ba't hindi kayo nagsasabi?" Tanong ko sa kanya. Napaiwas naman siya ng tingin sa akin.

"Ano kasi..." Lumunok siya ng laway na para bang nahihiya siyang sabihin ang dahilan kung bakit hindi nila sinasabi sa amin na magkamag anak pala sila.

"Kilala niyo naman si oppa 'di ba? May saltik sa ulo, pa..pasaway kasi siya tsaka kinakahiya kasi siya ng pamilya namin. Mu..mukha daw kasi siyang badjao. Ayaw malaman ng maraming tao na may pinsan daw akong mukhang badjao." Nakayukong sabi niya, bigla naman akong naawa sa sitwasyon ni Namjoon hyung. Hindi pala siya tanggap ng pamilya nila.

"Ikaw ba babe? Tanggap mo ba siya?" Tanong ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti sa akin.

"Sa lahat ng pinsan ko siya ang pinakaclose ko babe. Pinagbawalan nga lang kasi ako na lumapit sa kanya." Sagot niya, tumango ako. Turn ko naman ng tumingin sa kanya ng matagal.

Hindi ko inaakala na ganito pala siya kabait. Masyado akong naging judgemental ng kaibiganin nila noon si Aren. Akala ko ang pagiging sikat lang ang habol nila kay Aren, pero unti unting nagbago nang makita ko kung gaano nasaktan si Jace nang si Aren mismo ang nagdesisyon na ayaw na niya itong maging kaibigan, sa hindi malamang dahilan.

Kung tutuosin hindi lang ako ang iniwan niya na ganoon lang kadali, at mas pinili niya pang makasama ang hilaw na 'yun. Pati si Jace na matalik niyang kaibigan, iniwan niya.

"Edi magiging close din ulit kayo kasi araw-araw na kayong magkasama." Sabi ko para kahit papaano naman ay gumaan ang pakiramdam niya. Trabaho ko ang pasayahin siya.

"Advantage rin pala na ikaw ang pinili ko ano?" Nakangiti na niyang sabi habang nakatingin sa harap, excited na siguro siyang makausap ulit si Namjoon hyung.

"Tama lang naman na ako ang pinili mo kasi, 'yung mga gan'ong mga kaibigan hindi totoo." Sabi ko sa kanya. "Thank you Taehyung ah? Salamat talaga." Aniya.

Nilapit ko pa lalo ang upuan niya sa akin at inakbayan siya. "Basta ikaw."

Napabitaw naman ako kay Jace ng biglang may kumalbit sa amin. Lumingon ako at halos mahulog na ang eyeballs ko ng makita kung sino iyon.

"Get out the both of you now!" Dahil sa takot ni Jace ay agad siyang lumabas na sinundan ko naman.

King ina, nakalimutan naming may klase pa pala.

★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]Where stories live. Discover now