Chapter EighteenTaehyung
--
"Bakit kaya instead na lunurin natin ang araw natin sa kakagawa ng letchugas na project na 'to. Ba't hindi tayo maglaro?" Lahat kami nahinto sa pag aayos sa mga karton at nilingon si Chen. Tinaasan siya ng kilay ni Momo.
"Mas inuna mo pa 'yang kasiyahan mo kaysa sa magiging kinabukasan mo." Lintaya niya. Nagpatuloy na lamang kami sa ginagawa namin. Sabagay may punto naman kasi si Momo tsaka tinatamad akong maglaro ngayon, parang mas gusto kong matulog na lang muna.
"Tsk. Maglalaro lang. Ang kj niyong lahaㅡ"
"Aren?!"
Lahat kami natuon ang atensyon sa pinto nila Aren ng biglang may tumawag sa kaniya. 'Di ko na kailangan pang manghula kung sino 'yun. Boses pa lang kilalang kilala na. Tsk.. Ba't pa 'yun nagpunta dito?
"Saglit lang. Pagbubuksan ko lang siya ng pinto." Tumayo na si Aren tsaka nagtungo sa pinto. Binuksan niya iyon. Halos manlaki pa ang mata niya nang makita niya kung sino 'yun.
Maya-maya pa ay pinapasok na niya si Vernon, akala ko wala ng papasok kasama pala 'yung kaibigan nito, si Wonwoo. Nagsitinginan kami kay Momo na walang ka alam alam sa pagdating ng crush niya. Paano busy pa rin sa paggugupit.
[A/n: shiniship ko po kasi si Momo at Wonwoo 😍😍]
Isasarado na sana ni Aren ang pinto ng biglang may humarang n'on.
Nagulat kaming lahat sa pagpasok nung taong 'yun sa loob.
"Jace?"
"Ah kasi sabi ni tita nandito ka raw.." Aniya, humarap ulit siya kay Aren at yumuko. "Pasensiya na sa pagtresspass ko. Okay lang ba na dito na rin muna ako?" Tanong niya dito. Dahan dahang tumango si Aren tsaka naman mabilis na lumapit sa akin si Jace, ewan ko ba pero parang kamag anak nito si Flash. Ang bilis nandito ka agad siya.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko ka agad sa kanya. Lumingon siya kila Vernon. "Ka group ko kasi silang dalawa, tapos narinig ko na pupunta daw sila dito, kaya sumabay na ako sa kanila para sana puntahan ka doon sa bahay niyo. Namimiss kasi kita eh." Napatango na lamang ako sa sinabi niya. Pinaupo ko na lamang siya sa gilid ko.
"Uhm ano, Jace? Baka nagugutom ka, gusto mong kumain na muna? May natitira pa kasi akong niluto doon." Tanong ni Aren sa kanya. Ngumiti lang si Jace sa kanya.
"No thanks. Kumain na kami kanina, pinakain din kasi kami ni Pres kanina."
Nagulat na lamang kami ng ihampas ni Chen ang gunting sa karton. Anong problema ng taong 'to?
"Doon kayo sa bahay ng pandak na 'yon gumawa ng project niyo?" Para bang naiinis na tanong niya kay Jace.
"Hoy, anong problema mo sa buhay?" Naiiritang tanong ni Momo sa kanya.
"Pinakain kayo ni Suho hyung? Aba't loko 'yun ah? Kapag kaming barkada niya 'di niya pinapakain tapos kayo na classmate lang niya pinakain?! Ang unfair! Saglit nga tatawagan ko 'yung pandak na 'yon!" Akmang ilalabas na sana ni Chen ang cellphone niya ng batukan siya ni Jungkook.
"Hyung pagkain na naman iniisip mo. Gawin na lang kaya natin 'tong project ng matapos na?"
"Ayoko! Kailangan ko ng hustisya!"
"Huwag niyo na lang pansinin 'yan. Nag aaksaya lang 'yan ng oras." Singit ni Junhoe. Nagpatuloy na lamang ako sa ginugupit ko ng biglang kuhanin sa akin ni Jace ang hawak kong gunting at karton.
"Paano ba ang ginagawa mo? Baka makatulong ako?" Tanong niya sa akin. "Jace huwag na kaya na niya 'yan. Tsaka 'di ka namin ka group kaya huwag ka na lang tumulong." Walang ka-emo-emosyong sambit ni Momo.
"Sige lang, para matapos na namin 'tong project namin." Kunsinte ni Junhoe siya naman ngayon ang nakatanggap ng batok galing kay Jungkook.
"Noona, okay lang. 'Di mo 'to responsibilidad."
"GUYSUE! LARO TAYO!" Sigaw ni Chen. Heto na naman ang dinosaur na 'to. Ayaw nga sabi naming maglaro eh.
"Ano bang naiisip mong laro?" Lahat kami napatingin kay Momo sa gulat. Pagod na din ba siya sa ginagawa niya?
"Payag ka Mo?"
"Sabihin mo na lang kasi."
Ngumisi naman si Chen. Ewan ko ba parang may masama na namang binabalak ang isang 'to.
--
"Day or night!" Tanong ni Chen sa tayang si Jungkook na nakablindfold. "Night! Walang gagalaw!" Sigaw niya. Kasama ko ngayon na nagtatago si Jace sa ilalim ng malaking lamesa, habang pinapanood si Jungkook na hanapin kami.
Nanatili lang akong nakaupo doon habang diretsong nakatingin. Naiinis ako sa dalawa sa gilid ko, para silang mga timang. Masyadong homohokage 'yang hilaw na 'yan kay Aren. Paano ba naman nakayakap si Vernon sa kanya, akala mo naman nasa horror movie sila.
"Babe.. Palapit si Jungkook." Napatingin ako kay Jungkook na nasa harap na namin ngayon at kinakapa ang ilalim ng lamesa kung saan kami nagtatago ni Jace. Hindi ko mapigilang kabahan dito kaya pumagilid pa ako ng kaunti ng unti-unti nitong nilalapit ang kamay niya sa akin hanggang sa molestyahin na nga niya ang mukha ko.
Hayop lang, ang baboy.
"Sino 'to?" Tanong ni Jungkook sa akin.
Tumingin ako kay Jace na nagpipigil na ng tawa. Paano ba naman kasi parang sinakmal na ng malaking kamay ni Jungkook ang mukha ko..
"Parang si Taehyung hyung 'to eh." Pagkasabi niya ng pangalan ko hinablot ko na sa kanya 'yung blindfold. "Ako na nga ang taya! Baka kung ano pang gawin mo sa mukha ko." Natawa na lamang siya tsaka kami lumabas sa pinagtaguan namin.
"Ako na ang maglalagay sa'yo ng blindfold. Para sure na hindi ka makakakita." Sabi ni Chen tsaka niya pinalibot sa ulo ko ang panyo. Madiin niyang tinali kaya sinipa ko siya. Mga abnoy talaga.
"Day or night?" Tanong sa akin ni Jungkook. "Night." Walang ganang sabi ko. Nagsimula na akong maglakad, paminsan may nababangga ako tapos parang mga abnoy na nagsisitawanan 'yung iba, akala mo naman nag biro ako. 'Di ko tuloy alam kung saan sila hahanapin.
"Hyung dito!" Napalingon ako. Boses ni Jungkook 'yun. Tumalikod ako at magsisimula na sanang maglakad ng bigla akong mapatid at sa pagbagsak ko may nahawakan akong paa.
Napangisi ako. Buti na lang pala at napatid ako. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa paa niya pero siya piglas lang ng piglas. Lumapit ako ng kaunti sa kanya at kinapa ko ang mukha niya, hula ko babae 'to.
Makinis eh. Sunod kong kinapa ang buhok niyang mahaba, lumapit pa ako ng kaunti sa kanya hanggang sa mapatigil ako sa pagkapa sa buhok niya ng maamoy ko ang pabangong 'yon.
Nawala ang ngisi sa labi ko. Muli kong kinapa ang mukha niya at hinawakan ang magkabila niyang pisnge, kasabay niyon ang malakas na pagtibok ng puso ko..
Matagal kong hindi siya nahawakan, ganito pala talaga ang pakiramdam ng mahawakan ulit siya. Parang mas gumaan ang loob ko.
"Aren.."
--August 5, 2016 || 1:26 AM--
A/n: guysue 'di ako makamove on. Na allkpop na 'yung ginawa nung mga ARMY's sa concert..
YOU ARE READING
★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]
Fanfic✔ C O M P L E T E D ✔ " Bakit ka ba nakikialam? Ex lang naman kita. " ⇨[Kim Taehyung ×× Park Jiyeon] ⇨Written in Filipino ⇨Highest rank: #126 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: July 9, 2016 ⇨Date Finished: December 17, 2016