Chapter Forty FiveLast Chapter
Taehyung
--
Maaga akong gumising para sa unang pasukan para sa taong 'to. Katulad pa rin ng dati, wala pa rin akong gana. Hindi na ako ginaganahang mabuhay, kahapon lang nalaman kong comatose na si Aren at baka wala ng possibilities na magising siya.
Himala na lang ang tanging pag asa. Ang kaso lang hindi ko na kayang maniwala pa, ayoko ng umasa na magkakaroon ng himala. Tanggap ko na, tanggap ko na mamamatay na siya.
Kahit masakit.
Lumabas na ako ng kwarto ko at dali daling nagpunta sa kusina para kumain ng pang umagahan. Hindi na katulad ng mga umaga, hindi na masaya. Si mama balisa rin siya katulad ko at parang walang buhay na naghahanda ng pagkain.
Napalapit na din kasi sa kanya si Aren at alam kong nalulungkot siya para sa kanya.
"Kumain ka ng kumain d'yan. Pakabusog ka tapos mamayang hapon, pagkatapos ng klase niyo, pumunta kayo kay Aren. Maliwanag ba?" Tumango ako saka ako nagsimulang kumain.
Nang matapos ako ay ako na ang nagprisinta na maghuhugas ng plato na pinagkainan ko. Nang matapos ako ay tumingin ako sa orasan. 6:20 pa lang pala ng umaga. May oras pa ako para dalawin si Aren.
Bago ako dumiretso ng school pumunta muna ako sa hospital para dalawin si Aren. Papasok pa lang ako sa emergency room nang may maaninag akong babae na pasakay sa elevator. Bahagya pa akong napahinto, hindi lang basta bastang babae ang nakita ko. Si Aren ang nakita ko. Nang makasakay siya sa Elevator, bumaling ang tingin niya sa direksyon ko't ngumiti.
Hindi ko na namalayan na tumatakbo na pala ako papunta sa Elevator, palapit sa kanya, pero huli na ang lahat. Nagsara na ito. Napahawak na lang ako sa noo ko't hinawakan ang magkabilang tuhod ko. Hinihingal ako habang nakatingin sa Elevator na nakasara.
Muntik na akong sumigaw ng may humawak sa balikat ko. Nang lingunin ko isang nars lang pala.
"Sir okay lang ho ba kayo?" Tanong niya, umayos ako ng tayo at tipid na ngumiti sa kanya, nagpapahiwatig na ayos lang ako.
"Ayos lang po." Sagot ko, tumango siya't umalis na sa harap ko. Pinindot ko na lang ang up botton sa elevator.
Maya-maya ay nag open ito, wala na si Aren. Siguro namamalik mata lang ako kanina. Siguro dahil sa sobrang kakaisip sa kanya, nakikita ko siya.Nang makarating ako sa room ni Aren, naabutan ko doon si tita Arian na nakaupo lang sa sofa doon habang tulala't mugto ang mata. Umiyak na naman si tita.
Napansin ko rin si Jace na inaayos ang kumot ni Aren.
"Good morning tita, good morning Jace, good morning Aren." Tumango lang silang dalawa, lumapit ako kay Jace saka ko siya pinigilan sa pag aayos. "Ako na." Boluntaryo ko, hinayaan na niya akong gawin ang ginagawa niya kanina.
Matapos niyon ay hinila ko ang monoblock sa gilid at inilapit iyon sa hospital bed. Doon ako umupo.
"Ba't 'di ka pa nakapalit?" Tanong ko kay Jace nang mapansin kong hindi pa siya naka uniporme.
"Hindi muna ako papasok. Dito muna ako kay Aren, babantayan ko siya, babantayan ko si Tita." Sabay tingin kay Tita. Wala na naman siya sa sarili niya, naiintindihan ko si Tita.
"Sige, kumusta si Aren? Kumusta kalagayan niya? Lumala ba o umayos?" Walang buhay na tanong ko.
Hindi nakasagot si Jace, nanatili lang siyang tahimik. Umiwas siya ng tingin sa akin.
YOU ARE READING
★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]
Fanfiction✔ C O M P L E T E D ✔ " Bakit ka ba nakikialam? Ex lang naman kita. " ⇨[Kim Taehyung ×× Park Jiyeon] ⇨Written in Filipino ⇨Highest rank: #126 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: July 9, 2016 ⇨Date Finished: December 17, 2016