Chapter [29.]

672 40 18
                                    


Chapter Twenty Nine

Taehyung

--

"Bro! P.E na! Practical test na natin sa ballroom! Magpalit ka na!" Nagpahila na ako kay Jimin hyung, tinatamad akong magpalit, saka para saan pa 'yung ballroom na 'yan? Eh hindi nga kami nakapagpractice ni Jace.

Paano pa kaya? Ano tatayo lang kami d'on. Nagtititigan?

"Wala din lang naman kaming na-practice, edi okay lang sa akin na ma-zero ako." Walang ganang sabi ko. Bigla naman akong tinuktukan ni Jimin hyung.

"Bobo niyo kasing dalawa, pinairal pa kasi 'yang away niyo." Aniya, tsk. Lakas pang makapang mura, akala mo naman kung sinong matalino.

"Pakialam mo ba? Hindi naman ikaw ang maze-zero. Hayaan mo na nga ako." Pero parang wala pa rin yatang narinig ang pandak na 'to at hinila pa rin ako.

Pagkarating namin sa CR. Inabot niya sa akin 'yung isang plastic na naglalaman ng damit.

"Pasalamat ka at may extra pa ako. Magpalit ka na. Tsaka bumalik pala ulit si Jace sa original partner niya." Kumunot ang noo ko. Ba't sino ba 'yung partner niya? Edi sino na ngayon ulit magiging partner ko?

Dahil sa pag iisip, nakalimutan ko ng magpalit kaya nagmadali akong magpalit ng damit. Pagkatapos niyon ay humarap ako sa salamin para ayusin 'yung necktie, maya-maya pa ay lumabas na si Jimin sa cubicle at tinabihan ako.

"Oo nga pala, si Aren 'yung magiging partner mo." Pagkasabi niya n'on ay literal na napahinto ako sa pag aayos ng necktie ko. Si Aren? Bakit siya pa?

"Ayoko." Inalis ko 'yung necktie saka akmang aalis na ako pero hinila ng pandak na 'to ang sleeve ng polo shirt na suot ko.

"Bitter mo talaga. Para naman 'to sa grade niyo." Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakaasar, andaming rason. Basta ayoko, zero kung zero.

"Ah basta." Lumabas na ako ng CR at naglakad diretso sa Gym kung saan namin gagawin ang practicum. Pagkapasok ko pa lang 'don ay bumungad na sa akin 'yung mga kaklase kong nakaformal attire na at hinihintay na lang 'yung iba na nagpapalit pa. Lumapit ako kay Suga hyung na nakatulog na naman sa inuupuan niya.

Tumabi lang ako sa kanya, 'di ko na ginising baka magalit.

"Taehyung! Ba't 'di pa nakaayos 'yang necktie mo?" Lumapit na sa akin si Momo at kinuha sa akin 'yung necktie ko. Nagulat ako ng ipulupot niya sa akin 'yung necktie tsaka siya na 'yung nag ayos.

Medyo nakaramdam ako ng 'di komportableng pakiramdam kasi sobrang lapit niya kaya tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Jace at Aren na nakatingin sa akin.

Si Jace, as usual. Nakatingin ng masama sa akin na para bang gustong gusto niya akong tapunan ng kumukulong tubig. Habang si Aren, nakatingin lang, walang bakas ng emosyon ang mukha niya.

"Mukhang may MGA nagseselos." Natatawang bulong ni Momo, tumingin ako sa kanya, tapos na pala siya sa pag aayos niya sa necktie ko.

"Anong MGA? Ba't mo isasali si Aren? Tsk. 'Di na nga ako mahal n'on. Bakit pa siya magseselos?" Tanong ko.

"Sure ka? Tsk. Sige goodluck mamaya." Tinapik niya ang balikat ko at umalis na sa harap ko. Sumunod naman na lumapit sa akin si Wonwoo.

★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]Where stories live. Discover now