Chapter ThirtyTaehyung
--
Hawak hawak ang dalawa kong kamay ay tahimik akong pumwesto sa labas ng clinic kung saan ay hindi ako mapapansin ni tita. Maingat ako sa bawat galaw ko upang hindi ako marinig ni tita.
Dahilan kung bakit ako nandito? Hindi ako mapakali simula ng marinig ko galing mismo kay tita na may sakit si Aren. Pero hindi niya simabi kung anong klaseng sakit ang meron siya.
Hindi lang ako matahimik, hindi ako makapag isip ng maayos.
Pasilip silip ako sa loob, sakto kasing may kausap si tita sa telepeno at hula kong iyon ang doctor na kinausap niya kahapon.
Tahimik akong nagmamasid at pilit na pinapakinggan ang bawat salitang binibitawan ni tita. Sana sa paraang ito may makuha akong impormasyon na hinahanap ko.
"Sige po Doc, pipilitin ko na po siya magpaㅡ" Biglang napahinto si tita ng humarap siya sa direction ko.
Putang ina nahuli na. "Sandali lang po Doc," Binaba ni tita ang telepono at sinenyasan ako na lumapit sa kanya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang batok ko.
"May maitutulong ba ako sa'yo Taehyung?" Tanong ni tita. Pilit akong ngumiti sa kanya at dahan dahan na tumango.
"Hindi ho muna kita nilapitan kasi may kausap ka po sa telepono." Pagsisinungaling ko.
"Ah.. Sige ano ba 'yon?" Tanong niya.
Hinawakan ko ang abs ko este, tiyan ko para magpanggap na masakit ang tiyan ko. "Sumasakit po kasi 'yung tiyan ko." Usal ko. "Sige maupo ka na muna sa kama. Kukuha lang ako ng gamot." Kukuha na sana si tita nang muli siyang humarap sa akin.
"Nakikinig ka ba sa akin kanina pa?" Tanong niya. Bigla akong kinabahan. Dali-dali akong umiling. Lord patawad sa paulit ulit na pagsisinungaling.
Tumango naman siya pagkatapos niyon. Kumuha siya ng gamot at ng tubig tsaka niya inabot sa akin.
Kahit na wala akong sakit ay ininom ko pa rin ang gamot upang mapagtakpan ang pagsisinungaling ko kay tita.
Matapos niyon ay kinuha ulit ni tita ang telepono at muling kinausap 'yung doctor. Lumabas naman ngayon si tita na para bang napaka importante at napakapribado ng pag uusap nilang dalawa.
Umiling na lang ako at nahiga na lang sa kama.
--
Nagulat ako ng bigla akong tapikin ng malakas ni Jungkook sa likod. Inis na tumingin ako sa kanya. Anong problema ng ilong na 'to? Nananahimik 'yung tao dito eh. "Anong problema mo? Kita mong nananahimik ako dito ah." Inis na sambit ko sa kanya.
"Tsk. Mukha ka ng out of this world hyung. Nililipad na utak mo sa kung saan saan. Alam mo ba 'yung sinasabi namin dito?" Inis din niyang sambit. Pasalamat siya at medyo nasa mood pa ako, kung hindi baka nasapak ko na ang ilong niya. Tupang ina, ano ba naman kasing pakialam ko sa sinasabi nila?
Puro walang sense naman palagi pinag uusapan nila. "Sabi na eh. 'Di 'to nakikinig." Linagutok ni Jimin hyung ang daliri niya't dahan dahan na napailing.
"Pasalamat ka at kaibigan ka namin." Ani Jin hyung na labis kong ipinagtaka, paano na naman nasali ang pagiging kaibigan nila sa akin? Hindi ko sila gets, parang ewan lang.
"Ikaw na nga magsabi d'yan." Tila ba naiinis pang utos ni Jin hyung kay Hoseok hyung. Parang ako ang lumalabas na mali dito ah? Kasalanan ko bang ayokong makinig sa pinag uusapan nila kasi walang kwenta ang pinag uusapan nila?
"Nakita daw ng isa nating kaklase si Aren tsaka 'yung mama niya sa hospital kaninang umaga. Naka-confine daw si Aren dun at base sa nakita niya mukhang meron daw malalang sakit si Aren. Andami raw kasing aparatong nakatusok sa kanya." Paliwanag ni Suga hyung sa akin. Bahagyang kumunot ang noo ko sa narinig ko. Hospital? Naka-confine? Maraming aparatos? Malalang sakit?
Doc, umaatake na naman ang sakit ng anak ko, hindi ko na po alam ang gagawin ko.
Napailing ako. Sabi-sabi lang naman 'yan, bakit naman ako maniniwala? Maniniwala lang ako kapag nakita ko siya, kapag sinabi sa akin ni tita o ng kahit na sinong kamag anak ni Aren ang totoo. At kung may sakit man siya, sigurado akong hindi 'yon malala.
"Tsk, paawa effect lang 'yan." Walang emosyong sambit ko. Tiningnan naman nila ako ng masama. Ano na naman bang nasabi ko? Malay namin ginagawa lang 'yun ni Aren para mag paawa, para makuha ang simpatya ng iba para maibalik ang dating trato sa kanya.
"Si noona? Magpapaawa? Eh ayaw nga niyang kinakaawaan siya. Naalala ko pa nga nung hindi niya sinabi sa atin na nilalagnat siya ng araw na 'yun para hindi tayo maawa sa kanya 'di ba?" Pagtatanggol ni Jungkook sa noona niya, 'di ko na lang siya pinansin.
Maya-maya pa ay napansin kong may nakatayo na sa gilid ko. Tiningnan ko kung sino 'yun. Nagulat ako ng makita ko si Jace na seryosong nakatingin sa akin. Mas lalo akong nagulat ng hawakan niya ng mahigpit ang braso ko at sapilitang hinila palayo sa mga kasama ko. Hindi na ako nakapalag pa.
Nang makarating kami sa auditorium binitawan na niya ako tsaka siya humarap sa akin. Tiningnan ko lang siya, habang siya nakayuko at paulit ulit na bumubuntong hininga. Kung siguro hindi siya nagtotoothbrush, kanina pa ako nagdudusa sa amoy. Kanina pa bumubuntong hininga eh. Pero teka nga? Bakit ba niya ako hinila dito?
"Obviously naman 'di ba? Kaya kita hinila dito para mag usap tayo ng masinsinan." Aniya. Mind reader ba ang babaeng 'to? Edi wow.
"Tungkol saan?" Tanong ko. Napapitlag ako ng bigla niya akong suntukin sa balikat. "Huwag kang painosente Taehyung. Alam mo kung ano ang pag uusapan natin." Naiinis na sambit niya kaya tumango na lang ako. Alam ko naman na 'yung nangyayari sa amin ngayon ang pag uusapan namin, 'di ko lang talaga alam kung bakit naitanong ko pa 'yun sa kanya.
"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin. Lahat ng sasabihin mo susundin ko maayos lang natin ito." Sabi ko, tumango naman siya tsaka siya muling bumuntong hininga.
Tumitig siya sa mga mata ko tsaka niya mabilisan na inalis ang tingin sa akin. Napapikit siya't yumuko. Bumuga siya ng hangin at parang hindi pa siyang mapakali. Ano ba kasi ang sasabihin niya?
"Taehyung. Space, I need space. We need space."
--October 9, 2016 || 11:22 PM--
A/n: Dedicated 'to sa'yo fam :)

YOU ARE READING
★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]
Fanfiction✔ C O M P L E T E D ✔ " Bakit ka ba nakikialam? Ex lang naman kita. " ⇨[Kim Taehyung ×× Park Jiyeon] ⇨Written in Filipino ⇨Highest rank: #126 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: July 9, 2016 ⇨Date Finished: December 17, 2016